Para kay "J" - Chop 4 (Nang pakialaman ko ang malikot na isip ni Ricky Lee, pagkatapos basahin ang kanyang nobelang "Para kay B")

Basahin muna

Chop 1
Chop 2
Chop 3



Year 2030

“Pang-ilan na ako?” habang ang mga labi nila’y nagsisiksikan sa isa’t isa ay pilit na pinapasok ni Neia ang isipan ni Ely sa pamamagitan ng pagtatanong.

Hindi sumagot ang kasama nito na kanina pa nakikipag-gulong gulong sa kanya sa kama. Marahil ay hindi niya narinig ang tanong nito dahil sa lakas ng volume ng TV na buong magdamag nang naka-on. Na siya lamang nagsisilbing ilaw sa madilim na kwartong iyon, bagay na nagbibigay liwanag sa mukha ni Ely upang lalo itong mapagmasdan ni Neia. Hinawakan niya ang mukha ng lalaki. Hinaplos ang kanyang pisngi, gamit ang dulo ng kanyang daliri, dumapo ito sa kanyang mga mata, pinakiramdaman niya dito ang nakatagong damdamin. Parang sa isang bulag kung kapain ni Neia ang mukha ng kanyang pinakamamahal. Hanggang sa ang kamay nito'y nakarating sa labi ni Ely. Nakapakit pa rin ang lalaki habang ginagawa iyon sa kanya ni Neia. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong init at ang ganitong pagsuyo. Hinalikan niya ang mga daliri ni Neia. Isinubo ang hintuturo nito at ginawang parang kendi. Hinagkan niya ang mga palad nito patungo sa kanyang kamay... hanggang sa muli'y magtagpo ang kanilang nananabik na labi.

“How did you become unfaithful?” muling tanong ni Neia bagaman hindi ito umaasa ng sagot muka rito. Gustong sagutin ng lalaki ang mga tanong nito sa kanya ngunit hindi niya maapuhap sa kanyang natitirang katinuan ang boses para sagutin ito. Nangingibabaw ang kasabikang maiparamdam ang init ng kanyang damdamin. Umaasa na sa pamamagitan nito ay masagot ang lahat ng mga katanungan sa kanya. Habang magkayakap ay tinitigan ni Neia ang mukha ng kanyang kasama. Doo’y nangusap ang kanilang mga mata. At doon di’y hinanap ni Neia ang nakatagong pagkatao ni Ely. Muli’y tahimik lamang ang dalawa. Ito ang unang pagkakataong hindi maipaliwanag ni Ely ang kanyang nararamdaman , sa kabila ng kanyang katalinuhan . Kahit anong pilit niyang gawan ng logic ang nangyayari ay hindi niya magawan ng sense ito. Isa lamang ang nasisiguro niya, masaya siya at parang isang bahagi ng kanyang pagkatao ang bigla niyang naipamigay nang di niya nagawan ng calculations, equations at feasibility study.

Sa kabilang banda’y nanginginig naman ang buong katawan ni Neia. Hindi niya malaman kung dahilan ito ng lamig na bugso ng aircon sa kwartong iyon o dahil tumigil na ang kanyang puso sa pagsusuplay ng dugo sa kanyang katawan. Tumigil din ang mundo ni Neia ng gabing iyon. Parang wala nang bukas at parang gusto na lang niyang magkulong sa kwartong nagsilbing panandaliang paraiso para sa kanya.

Hindi pa niya nararanasan ang ganito. Para siyang isang tuta na nakawala sa kagubatan. Ngunit kung kumahol ay parang lobo, walang pakialam kung may makarinig na mangangaso at siya’y hulihin o di kaya’y barilin. Sa isang kagubatang minsan niyang naging tahanan ngunit matagal na niyang linisan at ngayo’y kanyang binabalikan. Kasama ang leon na nanahan ng matagal sa kagubatang iyon. Leon na nagma-may-ari sa lahat. Pati ng kanyang mga ala-ala at nakaraan.

“Pinangarap ko rin ba ito?” tanong naman ngayon ni Neia sa kanyang sarili. Hindi tumigil ang kanyang utak sa pagda-digest ng mga nangyayari. Kahit hindi niya ito maintindihan, gusto niya itong i-record sa kanyang memory. Alam kasi niyang, babalikan niya ito.

Habang tumatagal ay nagiging mapangahas ang paglilingkisan ng dalawa. Kumawala na parang bulkan ang alab sa katawan ni Neia. Init na matagal nang nakakubli sa kanyang kasalukuyang pamumuhay. Init na kay Ely rin lamang niya naramdaman.

“C’mon, f***…!!! ” hindi sanay sa pagmumura si Neia. Ngunit kay Ely kumawala ang pagiging maldita nito. Nasusugat na ang mga labi nito dahil sa pagkagat. Kailangan niyang gawin yon upang hindi siya sumigaw. “Don’t stop!, please…. don’t stop” sa gitna ng pag-indayog ng kanilang katawan, nakukuha niyang ibulong dito ang mga nais na gawin ni Ely sa kanya. Lumaban siya sa mga halik ni Ely. And this time kailangan naman niya ipakita rito ang natutunan niya sa kama sa loob ng maraming panahong kinalimutan niya ang ganitong hindi maipaliwanag na sarap. Bumangon siya’t itinulak pahiga si Ely. Siya naman ngayon ang nakaupo sa hubad at pawisang katawan ng lalaki. Sinimulan ni Neia ang paghalik ng buong tamis sa tenga ni Ely, humaplos sa kanyang leeg ang mga labi nito at habang ang mga mata’y nakapikit, parang may magnet na pinagtatagpo ang labi niya sa labi ng lalaki. Nasa isip nito ang mga katagang “I love you… I have loved you my whole life” Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay di niya kayang sabihin ito. Makalibong beses na tinangka niyang sabihin ito kay Ely, ngunit hindi mailabas ang tamang mga salita.


“Sana maramdaman mo sa mga halik ko sa labi mo sa tenga mo at sa pagkalalaki mo. Sana maiparating ko sayo na mahal kita, ikaw lang noon at hanggang ngayon.”

Ngunit hindi niya masabi yon. Bagkus ang mga katagang “C'mon, faster...” ang paulit ulit niyang binibigkas, ayaw niyang paawat. Pilit na naghahabol ang lahat ng naipong libog sa katawan nito na hindi niya mapaniwalaang nasa kanya pala. Hanggang sa hindi na niya makayanan ang tamis at wala na siyang magawa kundi ihalo ito sa pawis na walang tigil na tumatagaktak sa kanilang katawan.

Sa tanang buhay niya’y hindi ito na-foresee ni Neia na mangyayari. Mataas ang paghanga at pagtingin niya kay Ely. Ni hindi nito kailanman naisip na makakasama niya ang taong ito sa isang kwarto. Oo nga’t nangarap itong mapangasawa siya pero nakakabit na dito ang ka-impobsilehang mangyari ito. Nabuhay siya sa pangarap na iyon ngunit mulat ang kaisipang hindi iyon kailanman mangyayari. Kaya ngayo’y ang pakiramdam niya ay parang isang artista na gumagawa lamang ng pelikula.

“Cut” ang sabi ng director… sabay dugtong ng “Good take, pack up na!”

Naiwan si Neia sa kwartong iyon na nakatulala. Hindi makapaniwala. Ilang beses na niyang inalog ang ulo, sinubukan pating kurutin ang sarili at bahagyang sinampal ang pisngi, nagbabakasakaling magising siya sa isang panaginip. Ngunit nandun pa rin siyang pilit na iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring totoo ngang naganap. Nandoon pa rin ang maingay na TV, ang malamig na AC, at ang napakanipis na kumot na nagsilbing mga saksi ng pagniniig ng dalawang taong sabik. Kasabikang hindi maipaliwanag ni Neia. Kasabikang sana’y katumbas din nang kay Ely. Ang pakiramdam niya ngayon ay para siyang dinala ni Ely sa buwan, isang hindi maipaliwanag na karanasan. Ngunit nang sumigaw ang director ay para siyang na-alimpungatan. At isinunod ang isang katanungang alam niyang hindi na naman kayang sagutin miski ng pinakamatalinong taong nakilala niya.

“Iyon na lang ba yun?”



...itutuloy

Comments