Para kay "J" - Chop 2 (Nang pakialaman ko ang malikot na isip ni Ricky Lee, pagkatapos basahin ang kanyang nobelang "Para kay B")

(...basahin muna ang chop 1)

Dina matandaan ni Neia ang ilan sa mga sumunod na pangyayari matapos ang pagtatalong iyon ng kanyang puso at utak. Para bagang naipako na ito sa kanyang kinauupuan na ang tanging nakatakip sa kanyang munting pangangatawan ay ang unan ng hotel na yon. Ilang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo… pilit na ibinabalik ang kanyang katinuan. Pilit na iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring kagaganap lamang sa loob ng kwartong iyon. Ngunit ilan sa mga pangyayari ang hindi niya basta basta na lang makakalimutan at iyon ay parang isang gasgas na DVD na pabalik balik sa mga scenes na yun. Paulit ulit pa ring nagpe-play sa kanyang utak, pwede niyang i-pause, ngunit hindi niya ma-stop.

...chop 3

Comments