Para kay "J" - Chop 3 (Nang pakialaman ko ang malikot na isip ni Ricky Lee, pagkatapos basahin ang kanyang nobelang "Para kay B")
...Basahin muna
Chop 1
chop 2
Year 2015
Alam ni Neia na hindi siya kailanman bibigyan ng pansin ni Ely. Kinse anyos pa lamang siya noon at si Ely ay twenty one na . Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Ely eh bukod sa gwapo na, siya lang naman ang kauna-unahang Pilipino na nagpunta sa buwan. Oo, gifted si Ely. Isa siyang henyo.
Sinong babae ang hindi maghahabol sa kanya? Hindi Brad Pitt o Shia LaBeouf ang katumbas ng kasikatan ni Ely at lalong hindi John Lloyd. Si Ely ang klase ng lalakeng habang iginagalang mo ay ipapaskil ang picture sa iyong kwarto. Isang tunay na inspirasyon, gagawan ng clippings lahat ng achievements sa buhay, i-save sa hard drive lahat ng interviews niya, lahat ng documentary tungkol sa kanya at babalik-balikan para basahin at panoorin. Mahihiya kang magpa-autograph because he is not up to these kind of shits. Hindi mo rin gagayahin ang suot nito, o gagamitin ang mga sabon o deodorant na ine-endorse niya kung mage-endorse man dahil mas madalas baduy itong manamit at lalong hindi maarte sa katawan. Hindi nga yata uso ang pag-ligo sa kanya. Ngunit lahat ng ito’y kino-complement ng kanyang katalinuhan. Kahit man ganito ang binata’y hinangaan siya ng sobra ni Neia. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng pagiging suplado nito, at may pagka-maangas, hindi pa rin naging simpleng tagahanga ni Ely si Neia. Marahil ay dahil naging malapitang saksi ang dalaga sa lahat ng kasikatang tinatamasa nito, o maari ring dahil nakasama niya ito sa pagiging bata ngunit mas malamang na dahil ito talaga ang itinitibok ng kanyang puso miski pa man nung musmos pa lamang siya.
Genius si Ely. Kahit sabihing hindi napag-aralan ang IQ scale ni Einstein pero sa lahat ng mga articles patungkol sa kanya, naka-hambing palagi ang katalinuhan niya sa taong itinuturing na pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo. 8 years old siya nang matutunan niyang mag-assemble ng computer. Nag dis-assemble at nang-upgrade ng PSP. Working siyempre, at first try. 10 years old siya ay nakapag-conceptualize at nakapag-program na ito ng mga online games na siyang kinahuhumalingan ng mga kabataan hanggang ngayon. And 10 years after, isa na nga siya sa mga pinakatanyag na tao sa mundo bilang kauna-unahang Pilipinong naglakbay papuntang buwan. Sa edad na disi otso napabilang na si Ely sa grupo ng mga Aircraft Designer Scientists na bumubuo ng rocket ships. Space tourism is now the in-thing. Pero siyempre mga super rich na tao lang ang nakaka-afford nito. Si Ely ang isa sa mga nag-operate ng Atlantis-13 na nagdala kay Sam Branson sa buwan. At si Ely nga ang kauna-unahang Pilipino na nakatapak doon. Isang malaking karangalan para sa bansa. At isang daang milyang layo para sa katuparan ng pangarap ni Neia.
Most of the girls ay intimidated sa katalinuhan ni Ely. Kaya’t nasanay siya na panay matatanda ang kahalubilo nito. Di siya sanay makipag-biruan, tipid palagi ang ngiti pati na ang pakiki-pag-usap. Ngunit palaging may nakatagong misteryo sa mga mata nito. At ito ang palaging huma-haunt sa isipan ni Neia. Kahit na palaging sa TV lang niya ito nakikita. Hindi ang katanyagan nito, hindi ang kanyang ka-guwapuhan ang humalina sa kanya kundi ang mga kaisipan sa likod ng mga matang iyon.
Magkapitbahay sina Neia at Ely. Bago pa man napagtanto ng kanyang mga magulang na isa siyang gifted child, naging magka-laro ang mga ito ng mga computer games sa bahay nila. Noong panahong iyon habang ang linalaro ni Ely ay mga computer chips, si Neia lamang ang may lakas loob na makipag-laro dito. Kadalasan ay pumupunta ito sa bahay nila, magdadala ng sangkaterbang dahon, at i-imagine na pera ang mga dahong yon na pambili niya ng mga binebenta nitong chocolate “chips”. Maliban sa kanya’y panay mga matatanda na ang naging kalaro nito. Ang buy and sell na yun ay ang pinaka-weird na laro para kay Ely.
Habang nagdadalaga ay naramdaman na ni Neia ang mahiya sa binata. Hanggang sa pakiramdam niya ay nakalimutan na nga siya ng kababata bunsod na rin ng kasikatan nito. Nagpatuloy ang buhay para sa kanya. Nagpatuloy sa pag-aaral habang si Ely ay lalong namamayagpag sa kanyang kasikatan. Naging matalinong bata rin si Neia at hindi naikubli ang kanyang kahusayan sa pagsusulat. Magmula nang matuto siyang magsulat at mag-isip ay hindi na nawala ang journals sa tabi niya, sa bag niya at kahit san siya magpunta ay dala dala niya ito. At doon nga’y ibunuhos niya lahat ng nakatagong damdamin para kay Ely. Kung ano ang suot nito nang araw na mapanood niya ito sa TV. O kung ano ang mga sasabihin nito kapag nagkita sila. At kung magbakasyon ang sikat na binata sa kanilang lugar, inspirado itong magsulat ng mga fairy-tale love stories na palaging si Ely ang main character nito. Nakadetalye ang mga oras kung kelan niya ito natanaw sa kanilang bahay. Lalong lalo na nang nagkita sila at tumango ang binata sa kanya tanda ng pagbati nito. Parang langit ang pakiramdam niya ng araw na iyon. “Haay, he still knows me and I feel great” May 28… ito ang entry niya sa kanyang journal. “After so many years, this is the first time I was able to see those haunting eyes again… and it has not changed. ” Ang mga journals na iyon ang naging saksi ng mga pangarap ni Neia sa buhay, kabilang na ang isang imposibleng hangarin na makasama habang buhay ang isang taong pinangalanan niyang ”J” sa mga kwadernong iyon.
... to be continued - chop 4

Comments
Bawi na ba?