Para kay "J" - Chop 1 (Nang pakialaman ko ang malikot na isip ni Ricky Lee, pagkatapos basahin ang kanyang nobelang "Para kay B")
Year 2030
First time ko. Napapamura ako sa takot. Diko alam ang gagawin ko sa mga sitwasyong ganito. Para akong isang basang sisiw na hindi mapakali sa kanyang lungga. Tatayo at saka uupo sa kama. Balisa. Pilit kong pinipigilan ang aking mga paa na gustong gusto nang umalis sa kwartong iyon. Para bagang mas gusto pa ng mga itong mauna na sa katawan ko. “Hoy paa… magtigil ka” pakiusap ng aking isip.
Nabigla ako nang parang naulinigan kong may sumagot sa pakikipag-usap ko sa aking paa. “Hinay hinay lang.”
“Huh?” Liningon ko ang aking balikat. Wala namang tao roon.
“Siguraduhin mong alam mo ang ginagawa mo” Bigkas muli ng kung sino mang nandoon din sa kwartong iyon. Muli ako’y napalingon. Tumayo na ako at nag-umpisa nang kabahan. Nang napagtanto kong mag-isa ko lamang sa kwartong iyon, na-realize kong ang isip ko pala ang nakikipag-usap sa akin. At sa palagay ko, puso ko ang kinakausap nito.
“Sorry” Parang ito ang isinagot ng aking puso. “Kailangan kong gawin ito.”
“Isipin mo nga muna kung paano ka napunta dito?” Tanong ng isip ko sa aking puso. Alam ng aking puso na pinipilit lamang siyang linlangin ng nasa itaas niya.
“Wag mo na akong lituhin pa…” Muling isinagot nito. ‘Sigurado na ako sa gagawin ko” sagot ni Puso.
“Baka naman mali ka. Baka naman may iba pa siyang intensiyon sayo? Baka hindi ito ang gusto niyang mangyari” Nagpapaka-rational na naman ang aking isip. Gaya ng dati. Laging nagbibigay ng benefit of the doubt. Laging may “baka”, palaging, “oy-stop-look-and-listen”
“Brainie…, I might be wrong… but I am ready for the aftermath”
“Okay, ikaw ang bahala. Lagi namang ikaw ang nasusunod eh” ang huling kataga ng aking isip, tanda ng pagsuko nito laban sa aking puso.
...chop 2

Comments