Noong mga panahong hindi pa uso ang YM at Facebook, ang means of greeting each other eh yung gumawa at magkulay ng maliliit na cards na parang post-it para idikit ito ng friend mo sa notebook or organizer niya… That was the time na super creative pa ang mga tao sa mga ginagawa nilang personalized greeting cards, dipa rin uso ang mga e-cards noon.
Bata pa ako nung sinabihan mo akong gumawa ng tula kasi gusto mong mag-compose ng kanta. Alam mo kasing dati na akong mahilig nagsu-sulat ng mga tula at ng mga pamatay na sayings. At pansin mo kung gaano ako ka-creative sa mga ginagawa kong mini-greeting cards. Di naman kita binibigyan ng mga gawa kong ganun kasi alam mong sobra sobra ang hiya ko sayo. From my end, parang maa-atake ako sa puso kapag nalaman mong crush kita. From your end… kahit na nagfi-feeling manhid ka noon, alam ko naman na alam mong crush kita. Ang laking tuwa ko nung sinulatan mo din ako. Ang ganda ng sulat kamay mo, sinulat mo to sa isang yellow na stationery na dinekwat mo pa yata sa kapatid mong babae. Sabi mo dun, dika naman mahilig magsusulat, pero dahil na-inspire ka sa akin eh nakapag sulat ka tuloy nang di oras.
Gumawa ako ng tula kasi sabi mo eh. Maalala ko nung ginagawa ko ang tula na yon, nasa bubong ako ng bahay namin, ngumangata ng mangga, inspired na inspired… iyon yung mga panahong hindi ko alam kung bakit parang mga bubuyog na buzz ng buzz ang mga ideas sa utak ko, wala akong outlet kundi isulat ito.
Binigay ko sayo ang tula na nagawa ko. Nakakalungkot kasi wala naman ako nung kinanta mo yun sa maraming tao. Pero dimo alam nasa labas ako nun nakikinig, at isa yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Birthday ko pa noon… fineeling ko na lang na birthday present mo sakin ang kantang yun kahit di naman official na sinabi mong ganun na nga.
Pinipilit kong alalahanin ngayon kung ano ang mga laman ng tulang yon. At sa pagpipiga ng utak ko para maalala ito, sumasabay din ang pagka-miss ko sa bubungan namin, sa mangga na nginangata ko, pinipilit ko ring alalahanin kung saan na nakatago ang sangkaterbang greeting cards na natanggap ko noon, kasama na dito ang sulat mo sa akin.
Nami-miss ko na ang pop-cola na binibili ko kina Auntie Julie pag may natitira pa sa baon ko galing sa eskwela. Nami-miss ko ang pee wee, si Panget, ang aso namin… nami-miss ko ang sakong duyan sa silong ng aming punong mangga, ang pangongolekta ng kaning-baboy sa mga kapit-bahay, ang pag-buga ng hangin para lumakas ang apoy sa kalan naming ginagamitan ng panggatong pag nagluluto ako ng kanin. Ang pakikipag-laro ng chinese garter at text sa kapitbahay… Marami akong nami-miss, marami akong naalala… at isa ka na dun… kahit na alam kong hindi ka naman ganun sa akin…
Kung trip mo ang ma-emo na mga kwento click mo to
Comments