Tahimik na ang gabi. Sa palagay ko tulog na ang lahat. Mga kulisap at mga ipis na lang ang kasama kong gising ngayon. Ibang klase ang sipag ng utak ko sa gabing to parang machine na di napapagod. Mas masipag pa sa lamok na sumisipsip sa royal blood ko ngayon. (Pak! ayan natyempuhan din kita). Anemic na nga eh inuubos pa ang dugo ko… Dito sa puntong to madalas sumasagi sa isip ko si Teresa. Bespren ko mula pagkabata. Bespren ko gang kamatayan. Partner sa lahat ng bagay. Aking soulmate.
Elementary years. Nasa puno na naman ng mangga si Tere. Kita ko si Lola Dionisia kinagagalitan na naman ito. “Diyaske ka talagang bata ka, bumaba ka nga riyan!!! Mga bubot pa ang mga manggang yan!!! Naku, bumaba ka riyan sabi at makukurot kita sa singeeet!!” Sigaw ni lola habang nakaambang ang baston neto.
“Bababa na po, wag lang kayong mamamalo!” takot nang bumaba dahil nahuli na naman ng kanyang lola na pumapapak ng mga manggang oo nga, bubot pa. Kapitbahay ko si Tere at kababata. Dapat kasama niya ako ngayong napapagalitan at napapalo… Tyempo naman kasing Kumuha ako ng asin kaya nakaligtas ako sa mga kamay ng lola niya. Ugali na namin ang tumambay sa mga sanga ng kanilang mangga habang inuubos ang bunga neto. Kung hindi naman nasa kanilang bubungan kami, kung walang mangga, lumalamutak ng kung anu anong chichiria. Ngunit pinakamasaya sakin ang star-bathing namin Nagkekwentuhan, nagyayabangan at nagpapataasn ng mga pangarap habang ang mga bituin ay sigurado namang nagtatawanan na sa aming mga pagtatalo kung sino ang magiging mas mayaman at kung sino sinong mga artista ang mapapangasawa namin. Kahit na papakin kami ng lamok sa gabi walang nakakapigil lalo na pag naumpisahan na ang mag-jamming sa pagkanta. Kanta… hanggang may bumatong kapitbahay. Paborito namin ang Eraserheads lalo na ang huling El-Bimbo ang pinaka unang kantang nagitara ko. Kinaumagahan, pananghalian namin ang palo dahil sa mga iniwan naming mga asin, supot ng chichiria at kung anu ano pa sa bubungan ng bahay nila. Oo, lagi kaming napapalo, matigas ulo eh…
Mula pagkamusmos madami na kaming napagsaluhan ni Tere… Laging magkakampi, lagi rin namang magkaaway. Damit ko, damit niya rin, nanay niya nanay ko rin, tatay ko tatay niya rin, tatay… kasi yun ang wala siya. Nasa bilibid kasi ang tatay niya. Life imprisonment… Nakapatay ng intsik. Mahabang kwento, di intersanteng pag-usapan.
High School na… nang mamulat kaming nakaka touch pala ang magregalo sa birthday. Ang unang regalo niya sakin, songhits, para daw kumpleto na at mas gumaling ako sa paggitara dahil ito ang regalo nina nanay at tatay. Siya ang singer ko kahit ayaw niyang aminin na sintunado ang boses niya. “Wag kang mag-alala,” sabi niya “pag nabuo na ang banda natin ako na lang ang drummer”, umiiral palagi ang pagkatomboy. “O siya, manager na lang”
Dahil nasa high school sangkatutak ang mga crush niya. Tanda ko pa nang mainlab siya sa isa sa mga “mala-gwapings” sa eskwela nuon. Panahon yon ng kasikatan nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, “The Gwapings”. Sa school may 3 rin na magbabarkada na nabansagang “Dapings”, ung isa sa kanila kamukha nung eric fructoso. Ang lukaret, hinila ako minsan pagkatapos ng klase para sundan at alamin kung saan nakatira ang boylet. Kawawang ako… haay… Si Tere na sobrang mahiyain pag may ginustong gawin, gagawin pa rin. Minsan di nag iisip. Nang mabuwag ang Gwapings, nalaos na rin sa kanya ang “Eric” niya, lalo na nang malamang nakabuntis ang boylet. Iyak siya ng iyak, sobrang affected. Kaya nagyaya na naman sa bubong… Naglasing sa kornik, na linagyan ng suka (ang mismong supot.) Di nakuntento, dahil medyo hinog na ang mga mangga nang panahong yon, tinadtad ito na parang labong, linagyan ng brown na bagoong, suka at yes… kornik. Recipe ni Tere, diko malilimutan ang kinahantungan. Si boylet daw ang first love niya… gang sa huli… siya pa rin. kaya naman delikado kung mainlab, nagkaka LBM. Panay kantyaw lang inabot niya sakin, lagi kong pinipikon dahil lagi kong sinasabing walang magkakagusto sa kanya dahil bansot na nga siya, mukha pang ita… (hahaha)
College, abah, at naging siyota niya si NF. Si NF na nakalaro lang niya ng wali-walides nung high school, ayun BF na niya. Sa diko malamang dahilan at diko namamalayan, ako’y nagagalit na… Siguro dahil mas marami na siyang oras sa BF niya, o dahil baka gumaganti lang siya dahil ako’y abala na rin sa pagpapacute sa mga girls, o dahil ngayon ko lang napansin na ang ita ko palang kaibigan ay tumangkad na, naging morena, matalino at higit sa lahat dalaga na… may boypren na eh at ako’y nagseselos na.
Diko pinahalata sa kaibigan ko ang nararamdaman kong kaiba. Alam ko kapatid na ang turingan namin sa isat isa. Pero jaske, bakit ang sakit.? Bakit kapag nakikita ko silang magkasama, parang puso ko ang nage-LBM?
Kasama ko gitara ko minsan habang nag eemote sa kantang “Your Love” ng Alamid nang bigla na lang sumulpot sa bintanang matagal na rin niyang di pinapasukan mula nang matuto siyang magpalda. “Chad,” bulong neto “bakit ganon?” Napatingin siya sa akin ng ilang saglit at kumanta ng
“who will see the beauty in your life?
and who will be there to hear you when you call?
who will see the madness in your life?
and who will be there to catch you if you fall?” of course gamit ang kanyang napaka tinis na boses…
“Chad, kamusta na kayo nung GF mo?” hirit niya. Tumayo ako, diko sinagot ang tanong niya dahil alam naman niyang wala akong girlfrend. Ewan, parang sa tagal naming nag aasaran, ngayon lang ako napikon sa kaniya.
“Ikaw, kamusta naman kayo ng bansot mong siyota?” Pabalang kong tanong.
Di yata napansin na asar akong pagusapan ang tungkol sa bansot niyang boyfren nagumpisa nang magkwento ng kung anu ano, “Blah, blah, blah…. Chad, in love na ako sa kanya… Siya na yata ang mapapangasawa ko.” yun lang ang nagregister na ikinagulat ko. Ayan nage-LBM na naman ang puso ko.
“Isusumbong kita kay Auntie” yun na lang ang natatandaan kong isinagot dahil wala naman siyang pakialam kung anong sabihin ko. Ayun, wala nga akong nasabi. nakita ko makalipas ang araw, buwan, taon, kung paano niya mahalin ang bansot. Wala pa rin akong masabi, nadehydrate na nga ang puso ko sa kae-LBM. Nagkaron ako ng mga girlfriend habang nagtatae ang puso ko, pero di naging maganda ang resulta, lagi akong nagbabanyo, mas madalas ako sa banyo, walang panahon sa girlfrend. Wala na ring panahon si Tere para sa ibang bagay. Pero humiling ako sa Diyos, hayaan na lang ang puso kong madehydrate, wag lang kanya…
Graduation na…kita kong umiiyak si Tere. Di yata natupad ang hiling ko… Aalis na si bansot papuntang Canada. Maghihiwalay na sila ni Tere, at least, ang sabi ng isip ko.
Trabaho na… Araw ang lumipas, kita pa rin ang ngiti sa mata niya. May oras na kaming magkwentuhan. Nakikikain na siya ulit sa bahay. Dati kasi ako lang ang laging nakikikain sa kanila, pero mas madalas na wala siya. Ang kanyang ngiti na laging nagbibigay buhay sa araw ko, unti unti nang napapawi habang lumilipas ang mga buwan… Sintomas nato ng pagtatae… ng puso.
Nasa CR na nga si Tere… di na siya kukunin ni bansot sa canada… ayun mag aasawa na at hindi siya yun. Madaming diatabs ang kailangan dito.
“Gusto mo ng mangga?” Alok ko. “Ayan may kornik nato” Nasa probinsiya kami nun. Mahal na araw kaya yinaya ko siya sa probinsiya namin habang nagpapagaling ng LBM. Nakahiga siya sa damuhan, sa may bundok na malapit sa bahay ng mga auntie ko… Di niya pinansin ang alok ko… “Chad” Sobrang lungkot ng boses niya. “Bakit ganon?” Gaya ng dati… “Blah, blah, blah…” Wala nang nag reregister sa utak ko dahil ilang beses ko nang narinig ang mga sentimiyento niya. Di naman sa ayaw ko nang makinig pero memorize ko na ata ang mga sabi yun. Di na nga lang ata LBM ang aabutin ko sa mga hinaing niya kundi parang masusuka na rin ako. habang abala sa paglilitanya, may iyak na rin yata… nasa background niya ang “The First Cut is the Deepest” version ko…
“Ano ka ba Richard!, hanggang ngayon wala ka pa rin bang kwentang kaibigan? Dimo naman ako pinapansin eh.” Galit na… At dun ako natigilan. Oo wala na nga akong kwentang kaibigan… dahil higit na sa kaibigan ang gusto kong ituring sayo… Nalintikan na, gustong gusto ko nang magtapat… bagkus napa shift ang strumming ko ng gitara sa chords ng “When She Cries” ng Restless Hearts

Comments
yanz_1130@yahoo.com
Feeling ko nga emong-emo ka... kaya pinabasa ko sayo yan kasi ma-emo talaga yan hehe!