Na-inggit lang!!

Panay emo ang nakaraang araw ko... Pano ba naman kasi nitong mga nagdaang araw eh napasama ako sa mga taong nasobrahan yata ang kain ng paminta. Ito yung mga klase ng mga taong, mapa-lasing man o hinde, eh hindi pa rin tumitigil sa kada-daldal. Minsan talaga nauubusan ako ng energy para sumabay sa kanilang super-powers. At hindi lang din minsan kong tinanong sa kanila kung "TAO KA BA?" hehehe... Pero super-friends ko tong mga power-rangers na to and as always, I am so glad to have found new friends.


Isa pang highlight ng araw ko ngayon ay ang pag-sakit ng aking panga... hindi dahil sa bagay na nasa isip mo ngayon, wag mong pigain ang mala-porselana kong isip okay? Kundi nang mapanood ko ang picture greetings ni Drake at ang mga behind the scene na nangyari sa da-making ng video niya....

Kaya nga dahil dun diko na mapigilang mag- Hoooooyyy!!! Ppppssstttt!!!
Mama!!! Ale!!! Chelly!! Yosi!!!
Isa na lang aalis na!!! Papuntang Quiapo!!!
Gusto ko rin ng picture greetings!!!!


Nainggit ako kay Drake, I demand my picture greetings!!!


Maawa na kayo sakin please!!! hahahaha


Birthday ko din sa November 30... 20 years old lang ako hahahahaha, wala nang pakialaman ng taon pwede ba?


Yung mga may puso at kyut na katulad ko, pa send naman po ng picture niyo na may nakalagay na ang "kyut-kyut mo Yanie grabe!!!"


At dahil di ako marunong gumawa ng video na kagaya ng ginawa ni Drake at ni Jepoy, eh kung pwedeng pakipadala naman before November 30, sa email add na yanz_1130@yahoo.com para mai-pagawa ko pa yun sa head ng IT department namin hahaah!!!


Para dun sa hindi magpapadala, nalalapit na ang pagtatapos ng maliligayang araw niyo hahah!!!


Thanks in advance!!!

Comments

Jepoy said…
Ayoko! hindi mo ko binigyan dati!
DRAKE said…
ingitera ka Yanie!whahahah! Hayaan mo ganito na lang papalitan ko na lang yung gritings ko ng pangalan mo!whahahah! Joke lang!

Wala gayahan na ito, di mo man lang pinatapos ang birthday mo nagpost ka agad ng ganito!Whahahah

From me, meron ka ng isa perong limang ibat ibang pictures so lima na yun!

Whahahah Gayahan na ito!

Ingat
2ngaw said…
Cute ba ika mo? aba eh, magpapadala na ako, now na! lolzz

Advance happy birthday naman sayo :)
Dhianz said…
meant to be siguro kayo ni kuya Drake noh... magkabday eh... weheheh.... the BUZZ!... lolz... hmmm... nalimutanz koh na sasabihin koh... ahhh... 'un... kala koh tapos nah bday moh... dehinz pa palah... nemen... picture greeting den sau... naman... hirap hirap magtago sa camera... pero sige na ngah... for yah...i'll do my best... no promises 'cause promises are meant to be broken... ahahha...dmeng sinabi eh noh... happy twenteen birthday!!! yey!... teka... parang maiinggit den akoh ahh... pag tinopakz akoh eh sa bday koh dapat meron den kayo saken... ahaha... depende sa topakz koh... ingatz lagi lagi... Godbless! -di
Yien Yanz said…
JEPOY: Babawi na nga ako sa Christmas sige na plzzz. Kiss kita sa lepps pag nagpadala ka, pramissss!!! Eh nalaman ko lang naman ang kagandahan pala ng picture greeing na yan nung i-unleash mo yung bidyo mo kaya dun pa lang naingget na ako! hahaha

DRAKE: Wag ka nang epal jan, natapos na ang moment mo as of 7:59PM kagabi, kaya ako naman hahaha! At Oo, inggeitera talaga ako....

LORDCM: Yahooo!! dahil kyut kang katulad ko, magpadala ka ng pic greeting para sa akin, now na! hahaha demanding???

DHI: Dhi, Don'r ditch me hahaha, of all my friends in the blog world, ikaw ang inaasahan kong magpapadala sa akin.... ng 1 MILLION Dollars (worth of picture greeting)) hehe yung pwedeng pang benta lang sa Quiapo gaya ng CD's nina hayden kho, ganun lang! hahaha

SCOFIELD: Dahil close na tayo, dapat mas matindi ang pic greeting mo kesa sa pinadala mo kay Drake...

AYUSS... Dina ako mapapahiya neto, meron na akong 1,861 friends na magpapadala ng petyur, yahoooo!!!!
A-Z-3-L said…
sige.. gagawa ako ng bonggang-bonggang picture greetings!

hahahahaha!

pero pwede ba wala na ung request mong kyut-kyut!? parang di ko magagawang bongga pag meron non! lolz!
Yien Yanz said…
Yahoo, thanks AZEL, ayan!!! 20,456 na ang magpapadala ng pic greetings ko hahahah, sana umabot pa ng 200 thousand hehehe!
darbs said…
Napadaan lang kablags galing sa haws ni Ruel na nag hiatus mode.

Wala lang naki wats the word... "okray" lang.

So, after reading few of your blog entries, well, alam mo na may pagka profiler effect daw at nasambit ang words..."kewl!" ka blagger kaya nag "leave your comment" na lang.

Note: Dapat pala ang inatupag ko sa oras na ito ay mag-respond doon sa mga commenters sa haws ko... like the comments of the kablags na baka familiar mo na rin; Alkapon, Lee, blurosebluguy, Mr. Nonsense, Reesie.... mukang yan lang ata ang mga kablags so far na palaging naki-saw-saw.

May nakalimutan pa ba? yan lang muna baka i-respond ko na rin ung comments nila.

See you around!
MR. PANGUY-AB said…
ay ate yanie (wow, nag'ate ako)..sige gagawan kita ng movie hindi lang picture..whaha..ang hindi ko paggreet ky bestfriend drake sayo ko nalang ibibigay..whaha..

ingats lagi..weeh :)
Yien Yanz said…
DARBS: hahaha, wala ata akong naintidihan sa mga naunag sinabi mo hahaha, sensiya na umabot na yta sa utak ko ang pamintang nakain ko nitong nakaraang araw hehehe. Uyy dadalaw ako sa bahay mo, now na!!!

MR YAWN: Uyyy, busy ka na naman sa carreer mong pagiging artista! at teka lang, wala namang bastusan, di ako ATE ha, hahahahah. Aasahan ko ang MTV este movie greeting mo ha! heheheh
Unknown said…
whoah, inggit n talag ito...