Happy 4th Anniversary to Muwaahh!!!

Dito! dito ang shawarmahan!


Fourth year anniversary ko na dito sa Dubai. Bago pa man ako mapahaba na naman sa mga isa’t kalahating walang kwenta kong mga sasabihin sa post na to, gusto ko munang ipaabot din ang pagbati ko sa aking dalawang kaibigan na kasabay kong nagce-celebrate ng anibersaryong ito… Si Sharon at si Reatha. Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa isa ring tunay na kaibigan, si Iya, na kung hindi dahil sa kanya hindi sana kami makakarating sa lugar na ito. (Taena, di yata ako sanay mag-seryoso, I’m sure bumubulanghit na sa tawa ang tatlong ito ngayon sa ka-dramahan ko)

Little background lang po sa tatlong nagga-gandahan dilag na aking nabanggit… Sila po ay aking mga kaibigan since college. TING! (*insert lighting bulb here*) May susunod na akong topic sa blog ko hehehe. Madami na kaming napagdaanan sa buhay nitong tatlong bruhahang ito. Pero sa next blog ko na lang isasambulat lahat.

Kani-kanina lang nag nag-conference call kaming tatlo nina Sharon at Reatha (naks sosyal), at pinag-usapan kung anong gagawin namin sa aming 4th anniversary. Naputol na lang ang linya na wala kaming matinong napag-usapan maliban sa binebenta kong cellphone na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabenta benta. Para sa mga repapips ko dito sa Dubai, (magco-commercial muna ako dito, blog ko naman to eh, kaya walang pakialamanan), binebenta ko po ang aking Nokia N97 – white, 2 weeks old…1,900dhs…, kung walang cash, ikaskasan niyo na lang ako sa inyong credit card ng gusto kong celphone at yung sobra eh i-cash niyo na lang… please see ads and posters for more details and this is DTI approved. Hehe. Reason for selling? Sa sobrang ka-cheapan ko sa buhay, di ako makapag-adjust sa isang sosyal at mamahaling celphone!

Okay so mabalik tayo sa aking anniversary dito sa Dubai. Pagkababa ko nga ng phone after maputol ang linya ng aming conference call, kasi naubusan yata ng load ang opisina namin… naiwan akong nagmumuni-muni kung ano nga ba ang magandang gawin para ma-celebrate ang aming anniversary. Naisip ko, simple lang naman ang gusto ko. Ang makasama ko ang tatlong pinakamatalik kong kaibigang ito , at magkwentuhan na parang apat na tao kaming hindi nagkikita kahit na ang totoo niyan eh last week lang kami nagkita kita at walang puknat na chat araw araw pa rin ang ginagawa namin.

Masaya lang kasing pag-usapan at magkantyawan muli sa mga kapalpakan namin sa buhay nung mga virgin pa kami hanggang sa mapunta ang usapan namin sa kung bakit kami napadpad dito sa Dubai. Hindi ko naman ishe-share dito sa blog ko na ito na ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito ay dahil sinamahan lang naming magbakasyon ang aming kaibigang si Reatha to mend a broken heart dahil siyempre nakakahiya namang ipagkalat pa ang ganitong dahilan diba?. May tatlong Oo ako dito sa statement na ito.

1. Oo, broken hearted si Reatha kaya naisipan naming solusyonan ang problema niya dahil nauubusan na ng sleeping pills ang mga botika sa kanilang lalawigan.
2. Oo, bakasyon lang naman ang purpose namin ni Sharon dito, kaya nga kami naka-visit visa eh.

3. At Oo, gumastos talaga kami ng malaki para dumamay sa aming kaibigan.

Disclaimer: Kung kilala niyo ako, by now dapat alam niyo nang salain sa utak niyo kung alin sa mga sinasabi ko ang may katotohanan talaga (promise, hope to die), kasinungalingan (nang-ookray lang), at may bahid ng katotohanan (may pinaparinggan lang). Yan ang difference ng mga blogs ko sa iba (hahaha, as if it matters) , meron ako palagi ng tatlong makabuluhang blog-elements na ito. Ano nga yung elements na yun? (ay bahala ka na sa buhay mo!)

Okay balik tayo ulit sa anniversary. 4 years na nga kami dito. Bukod sa mga kaibigan kong ito na apat na taon ko nang inuutangan… Meron din akong ibang mga bagay na apat na taon ko pa ring kasa-kasama sa aking life-routine.

1. Ang aking slacks na rinegalo ni Iya nung first birthday ko dito sa Dubai na hanggang ngayon ginagamit ko pa rin. Hindi naman ako nagbago ng waistline kaya okay lang. November 30, 2005. Yun ang pinaka-memorable na birthday ko dahil:

a. Binigyan ako ng mga kaibigan ko ng isang surprise birthday party
b. Naholdap ako sa Chikka Grill
c. First time kong mag celebrate ng birthday na out of the country.
i. Mixed emotions ako
ii. Masaya kasi kahit papano, the friends made the effort to make me happy
iii. Malungkot kasi 1st time away from my kids and family

2. Yung colarless na long-sleeve blouse na kulay blue binigay ulit ni Iya sa akin dahil hindi na niya kasya. Na hanggang ngayon ulit ginagamit ko pa rin. At lalong hindi naman kasi lumaki ang aking b**bs kaya naman kasya ko pa rin hanggang ngayon. Nag fade na nga lang ng konti, pero kagagamit ko lang kanina. Uyy, what a coaccident este, coincident?

3. Ang aking MALETA na ginamit ko papuntang Dubai

a. Ang tatak ay Polo, obviously imitation lang dahil
b. Binili ko ito sa NOVO sa Pilipinas na memorable sa akin dahil
c. Nakipag-away ako sa manager ng NOVO dahil ayaw nilang palitan dahil nga
d. Sira ang kanyang lock at umabot pa kami sa
e. DTI Office dahil nabuwisit ako sa kanila.
f. Hanggang ngayon nasa akin pa rin, parang brand new pa rin pero linalagyan ko na lang ng mga lumang damit.

4. Ang 100 pesos na nakaipit pa rin sa pitaka ko

5. Ang aking SIM card na binigay ko sa mama ko.

6. Ang aking utak na lalong lumalapot habang tumatagal dito sa Dubai

7. At maraming marami pang iba. No, actually wala na akong maisip kaya wala na akong maisulat… hehe, yun lang yun!

4 years. Ito na siguro yung part na e-emo na ako. Fruitful naman kahit papano pero diko naman masasabing healthy lahat ng fruits na iyon.

1. Meron jan yung mga bungang hilaw. Hindi akma sa panahon. Mga opportunities na grinab kaagad na hindi man lang pinag-isipan ng mabuti. Gaya ng mga utang na hindi mabayaran.

2. Meron naman yung overriped. Mga comforts na tinatamasa, pero nakaka-umay na, nagiging boring na, kailangan na ng bagong challenge, pero dahil may mga priorities hindi pwedeng agad bitawan. Gaya ng trabahong ayaw mo, hindi mo gusto, gusto mong maghanap ng iba pero di pwede kasi may ibang umaasa…

3. Mga bubot na bunga. Hinhintay mong ma-hinog. Mga pangarap na hindi matupad-tupad.

4. Mga bungang nahulog sa lupa dahil may bumato, o kundi kaya tinuka ng ibon. Mga nagawang pagkakamali. Pagtitiwalang nasira, mga relasyong nabasag, mga bungang nabulok at hindi na mapakinabangan.

5. At ang mga bungang tama lang sa panahon ang pagkakapitas. Mga biyaya ng magandang oportunidad na naibigay sa tamang panahon.

Hayy buhay sa Dubai!
Ito ang aming laging singhal.

Sa aking apat na taon, marami akong natutunan… gaya ng

1. Walang kwenta ang pride. Iilan lang ang taong maaasahan mong dadamay sayo kapag nangailangan ka. Kaya kung may alitan, walang patutunguhan ang pagpapa-taasan ng pride.

2. Maging malakas sa lahat ng bagay. Ikaw lang ang makakapagpabuti ng iyong buhay.

3. Maraming pwedeng utangan na bangko.

4. Mag-drive…. Ng kotse… Yung totoong kotse

5. You make your own destiny. (Isiningit ko lang to para naman kahit papano eh makumbinsi ko kayong may natutunan nga ako, hehehe)

6. Para sa iba pang natutunan ko... click there... sabi nang there eh

See you again next year, same time, same place, oki doki! Kasi magqu-quiz kayo okay? Enumeration!

Thanks for reading till here!

Comments

DRAKE said…
Halos sabay pala tayong nag-abroad kasi mag fofour years na ako dito sa March!Congrats nga pala at least magkakasama pa rin kayong magkakaibigan dyan!

Pwede bang ako na lang bumili ng N97, kasi ipapan rerelief ko yan sa nasalanta ni Ondoy!hahahha!

Basta sana magkita tayo sa pinas pag uwi ko dahil ililibre mo pa ako sa italiannis. hehehe

And goodluck to your future endeavor!naks MEGANUN.

Ingat
Unknown said…
ha hahaa natawa naman talaga ako sa title ng movie nyo im sure box office yan! :D

nway, happy anniversary there!
Jepoy said…
BaSE!

hAPPY fourth year Anniv Ate. Pakanton ka naman samin :-D
Mr Thoughtskoto said…
Happy Christmas! Este anniversary! Hope youll have more to come..haha.

Great! Everyone of us has a story of our own. Well watch out for the retokadah movie...hehe
Yien Yanz said…
DRAKE: Di na yata kami magkakahiwa-hiwalay ng mga yan. Nakakabit na ang mga butuka namin. Naisip ko na actually yan, yung ido-donate ko na lang N97 ko sa mga nasalanta ng bagyo kaso concerned naman ako kasi baka wala silang pang-load you know? Akala ko ba punta ka dito next month? bat napunta na naman tayo sa Italy? haays!

VOFIRE: Manood ka ng movie namin hah!

JEPOY: Hahaha, may nauna sayo hehe, si lang kanton parekoy ang ililibre ko sayo, may kasama pang toasted bread, o diba sosyal!

MR THOUGHTS: Mas marami pa pong mas makabuluhang pangyayari ang pwede kong i-kwento sa 4 years stay ko dito sa Dubai, pero ayoko pong umiyak hehe! Salamat po sa pagdaan!
Anonymous said…
Ke-aga aga, natawa nnman ako d2 sa blog mo..hay as i've said kanina ke aga-aga ko dumating pra ma-impress ang bossing kaso absent pla ca wehehehe! Ayun reminiscing the past nlng ginagawa ko sabay linis sa aking aquarium sa FW..akatuwa apat na taon..daming nangyari pero di parin tau mayaman hahaha..pero neng atlits, si reatha..na-mend ang kanyang broken heart(nga ba?!)..un pla purpose natin pagpunta sa dxb~salamat sinagot mo na ang tanong ko after 4 years..hahaha
DRAKE said…
Oo nga pla baka makapunta ako dyan next month!hehhehe, Pautangin mo kaya ako pamasahe at nandyan na ako bukas!hahahha!

Saka Italiannis at hindi italy. Naku restaurant yun, parang pinasosyal na shakeys at pizza hut lang!

Basta magkikita tayo tyak yun! Dahil uutang ako sa iyo!
Yien Yanz said…
SHARON: Pa-ano-anonymous ka pa jan... Yan ang napapala ng pa-impress... haha belaat!... Paano tayo yayaman neng eh ang mga pera natin nagci-circle lang around us? hahah, walang interes ang mga pinapa-utang nyahaha.. Oo dapat ngayon naliwanagan ka na sa totoong purpose mo kung bakit ka nandito sa DUBAI, kaya isa lang masasabi ko sayo, AGAWID KAN (*uwi ka na*)

DRAKE: Masyado ka namang atat... at meganung pautangin blues??? Unahan mopako... talagang puspusan ang pakikipagkita mo sa akin para lang umutang? siya siya, basta ba 200% ang patong walng problema! hehe :)
Random Student said…
Ang swerte naman ng kaibigan mo sa iyo. I agree na we make our own destiny. Tutoo 'yun. Continue to enjoy lang your work there. Even your friendships. Happy 4th Anniversary.
The Pope said…
Happy 4th year anniversary sa iyong Buhay Dubai, wishing you a happier and wealthier life.

Nawa'y marami ka pang mapaligayang kababayan, kamag-anak at kapamilya sa iyong pananatili bilang OFW.

God bless you.