Minsan natanong sa akin ng mga taong kapwa ko walang magawa sa buhay kung kilala ko daw ang sarili ko. Nosebleed ako sa tanong na yun hah!
Ang sagot ko, malamang sa oo. Although may mga pagkakataon na nalilito ako sa mga bagay-bagay pero most of the time lalo na kapag lasing ako… alam ko ang mga reactions ko sa mga situations na dadating sa buhay ko. Alam ko rin usually kung paano ko sosolusyonan ang mga ka-shitan ko sa buhay. Pero I must admit na di naman ako perpekto kahit na bonggang bonggang retoke na ang pinagawa ko sa mukha ko’t pangangatawan, dipa rin naman ako flawless no… Ang masama nga niyan feeling ko lagi pa rin akong sablay kahit alam kong lagi akong nag re-reflect sa buhay. Yes sister and brother, lahat naman tayo siguro pumapalpak sa buhay.
Kaso lang, masyado naman na siguro akong MAYABANG kung sasabihin ko na alam ko ang mga bagay na dapat ituwid sa buhay ko. Kasi ang tanong talaga diyan ay “Alam ko nga, naitutuwid ko naman ba?”
Malamang sa hinde… kasi dahil kilala ko nga ang sarili ko… I know that it would take some time bago ko mailagay sa kukote ko na diko na dapat ulitin pa ang mga kapalpakang iyon.
21 Days. You have to do something consistently for a minimum of 21 days before it becomes a habit. Narinig ko na to noon. Diko pa nata-try ito, seriously. There must be 2 reasons why this is difficult for me.
Una, alam kong tamad akong tao and I wouldn’t last 21 minutes to change something in my routine. Example… mag toothbrush… (example lang yan okay?) Before the deed, I would of course think about it… and dahil kilala ko na ang sarili ko na I would definitely drop that idea, I wouldn’t even try picking up my big butt to head to the bathroom… UNLESS a friend tells me that my breathe already stinks which brings me to point number 2.
unfortunate to have the nicest friends. They could never tell me my breathe stinks kasi they don’t want to hurt my feelings. Ang nice nila supperr. Anyway, ano ba talaga ang tinutumbok nitong ka-blog-gastugang ito?
Seriously, kahit na gaano ka-ganda ang pagkakasabi mo sa isang tao na mabaho ang ngala ngala niya… pagtalikod niya, masama pa rin ang loob niya sayo, diba? eh bakit nga naman? Simple, because the truth hurts… Kampante siya sa pagiging bad breathe niya eh, pakialam niyo ba? Meganung mga bagay. Bakit ba itong bad breathe pa na to ang ginawa kong example haay!
Pero di naman talaga ito ang point ko…
Lahat tayo may mga kinaiinisang tao. Ang attitude ko towards that… kapag diko friend, deadma! At i-chismis sa mga friend ng bonggang bongga (hahaha, uyy joke lang). Kapag friend ko naman, hindi ako maiinis, pero definitely, he/she will have a piece of my mind. Alam kasi ng mga friends ko, (fortunately) na sino ba naman ang magsasabi sa kanila ng hindi magandang pag-uugali nila kundi mga kaibigan nilang malapit sa kanila diba?
Isa pang attitude ko kapag naiinis ako sa isang tao, lagi akong may benefit-of-the-doubt about that person. Like, kung kagaya niyo ako mag-isip, iisipin kong, siguro may gum disease lang yung tao, and maybe singawin talaga siya kaya bihira kung mag-toothbrush kasi masakit nga naman kapag laging nadudukdok ang singaw sa tutbras.
Pinipiplit kong intindihin kung bakit ganun ang isang tao. Laging may mga tanong na “Aware kaya siya sa ginagawa niya?” “Alam kaya niyang nakakainis na siya?”
Kaya ang point ko talaga is this (ito pa lang ang point mo talaga hah?)
I believe you will become a better person kapag may mga kaibigan kang nagchi-chismis ng mga bagay na di nila kayang sabihin sayo. This way kasi, nagiging habit na sa kanila ang sabihin ang isang bagay na hindi maganda. And then eventually, after 21 days na pinag-uusapan ka, nagiging artistic na ang pagsasabi nila ng hindi magandang ugali mo later, kaya hindi ka na masyadong masasaktan. Ito yung klase ng mga kaibigan na kapag may problema ka , sasabihin nila sayo ang ayaw mong marinig. Masakit pero it saves you from humiliation from other people who are not your friends. Like for example… (utang na loob tigilan na ang bad breathe na issue) kapag ang boses mo eh hindi na kanais nais sa pandinig sa tuwing may videoke session or kapag sobra ka nang epal sa harapan nang ibang tao na talaga namang tornado na ang kaeeklabu mo… mabuti yung may kaibigan kang nagsasabi na… “namanhid ang tenga ko sayo ha, please lang kalimutan mo na ang pangarap mong maging singer” Or “uy hindi halata sayo na mayaman ka kaya tigilan mo na ang pagpapanggap mong sosyal ka, mas bagay sayo ang mag-inarteng hampas lupa, pramis!”
Or kung naririndi ka na sa kada-drama ng friend mo tungkol sa mga kalalakihan niya sa buhay kaya mong sabihin ang mga advise na ganito… “Sister, lika dito at tulungan mo akong magpakamatay para matigil na ang kalbaryo ko sa kadramahan mo sobra sobra na ang stress na naidudulot mo kaya mahiya ka naman sa akin dahil hoy, hindi naman kaguwapuhan yang jowa mo para pag-aksayahan mo ng brain cells idagdag mo pa na isa siyang big-waste of tear ducts (whatever)” Pero sasabihin mo yan ng mabilis na mabilis… sige go balik ka ulit dun sa naka-italics and this time bilisan mo ang pagbasa nang hindi humihinga okay, at wag kalimutan ang smiles habang sinasabi mo to para kahit na imbiyerna ka na eh tatanggapin pa rin niya ang mga words of wisdom mo.
But the bigger question there is (sasabunutan na kita, dipa ba tapos ang mga questions mo sa sarili mo???)…
Paano kung dimo siya friend? Paano kung friend lang siya ng friend mo at palagi siyang kasama kapag may lakad kayo? Paano mo maiiwasan ang humahagupit na bagyo kapag nag-uusap kayo (tigilan na sabi ang bad breathe issue eh!) At hindi mo na talaga matiis ang ka-epalan at kadramahan niya sa buhay? Ia-applay mo pa rin ba ang 1) 21-day rule sa kanya? O ang 2) benefit-of-the-doubt rule kaya? 3) Maaawa ka ba sa taong ito dahil alam mong wala siyang kaibigan na magsasabi sa kanya na hindi na talaga pumapatok ang ka-eklatan niya sa ibang tao?
Tsk, knowing myself, dun ako sa number 3). What turns me off lang kasi talaga eh yung mga taong plastic at sosyal dahil siguro di ako ganun eh. Bonggang bonggang bakya at baduy akong tao and the major reason behind this is because kinatatamaran ko ang magpa-impress. Malaking effort kaya yun? Kaya kapag may mga taong super pa-impress sa ibang tao, naaawa talaga ako sa kanya.
Awa naman ng Diyos may mga taong tanggap ako bilang ako. Yun nga lang di sila bakya katulad ko. Mas BAKYA pa sila sa akin hahaha! Oo’t magkakapikunan pero walang taniman ng sama ng loob. Magkaka-listahan ng ka-utangan pero at least walang payabangan… walang inggitan… walang plastican… Listahan lang ng mga birthday ang pinanghahawakan, at listahan ng mga mabubuting bagay na nagawa sa isa’t isa. Para sa akin yun ang tunay na ipagmamayabang. Mapalad ako dahil sa dami ng kapalpakan ko sa buhay, sa mga kaibigan ako hindi pumalpak. Kaibigang nagsasabing marami na akong balakubak kaya need ko nang magpa-parlor ulit… haay!
Comments
so sino ba talaga ang gusto mong sabihan na bad breath sya? haha!
KABLOGIE: Haaahhh-nuba? (Baka naman buntis ka lang kaya ka nahilo) Hahahaha! (Take note ang paghalakhak ko ay nakalapit sa mukha mo) Hahahah Ulet!
SUPERJAID: May tama ka nga jan. Diko rin alam kung bakit napakahirap sabihin na bad breathe ang isang tao. Pero hindi talaga yun ang point ko sa blog na to... Parang ano kasi yan eh, ang bad breathe is the other way of saying na masama ang ugali ng isang tao, or nakakainis ang isang tao. Bad breathe lang ang example ko para hindi halata na may pinatatamaan ako haha (uyyy intriga yun)
CHIKLETZ: Actually, hinahamon ko ang magsasabing bad breathe ako! Okay lang ang 5 seconds na naaksaya mo sa hininga mo, busog na busog ka naman eh...
Naranasan ko yan nung minsang naglaundry ako at nabasa ng ulan ung sinampay ko tapos pinatuyo ko pa rin sa araw, buti na lang di pa ako nakakalabas ng barracks eh nasabihan na ako ng kebigan ko, galit pa ang AYUP!!! pero thanks sa kanya dahil nakapagpalit agad ako at wala pang ibang nakakaamoy ng damit kong di ko man lang naamoy na mabaho pala dahil sa bwisit na ulan na yan lolzz
Ganito ang mabisang paraan para masabi sa kanya na bad breath sya,
Sabihin mo ito:
1. Pre hulaan ko paborito mong prutas? Durian ba?
Tapos pag nagsabi sya ng ibang prutas sagutin mo. Bakit amoy bulok?
2. Tanungin mo sya, "Pre umutot ka ba o huminga?
3. Tanungin mo ulit "Pre kumakain ka ba ng patay na daga?
4. Sabihin mo "Ah ngayon ko lang nalaman na pwede pa imugmog ang pusali.
Yan ganyan Yanie, sana makatulong ito!
Kung hindi literal na bad breath yun ang maiging paraan at sungalngalin na lang ito para di na umepal
teka nakakarelate akoh sa katamaran part... hay naku... isa akong masipag na tamad... pramis.. graveh.. 'la lang... pero hey.. totoo yan.. after 21 days becomes a habit... abahh... ma-experiment ngah... sigh.. kc minsan tlgah tinatamad akoh sa earth eh...
pero teka.. parang may kinaiinisan ka lang na sobrah na tao ah... teka.. napansin koh puro teka akoh.. lolz... hmmnnzz.. actually asar akoh kinda sa mga taong i dunno talkin' somethin' behind other people's back.. usong uso yan sa amen... pag kausap silah 'ung isa pinag-uusapan... pag isa na 'ung kasama nilah... eh iba naman... tapos pag isa sa kanila ang nawala.. eh 'un naman ang pinag-uusapan.. getz bah? labo devah? pero make sense naman devah? haha.. ewan... ahehe..
i guess dat wat happens when u talk too much sometimes.. akoh naman may pagkamadaldal.. pero as much as possible ayokong magsabi nang nega sa isang tao... ano bah topic? nawala na akoh...
ate YanZ!!! may hinahanap akoh nde koh mahanap... pinapahanap saken.. kaya tuliro yutakz koh right at diz moment... alam koh san koh nilagay pero wala don... alam koh somwhere in my room pero ba't nde koh makitah.. tsk..
*hikabz* antokz nah.. nag-teleport palah akoh d2... haha.. nabasa koh lagn kc feedjit moh.. alis na akoh ditoh.. wala namang sense mga sinabi koh eh.. gumawa lang akoh nang isang pang entry sa loob nagn koment box moh... laterz.. Godbless! -di
DHIANZ: ginising talaga kita kasi nahuli ka na naman sa commenting pero sobrang bawi naman kasi super haba naman neto nyehehe. Ganyang ganyan kaming magkakaibigan, kung sino ang wala sa grupo siya ang pinag uusapan. At alam naman yun ng taong pinaguusapan namin dahil bukod sa laging nakakagat ang labi, dila at tonsils nung taong yun eh talagang itinatawag pa namin sa kanya na pinag uusapan namin siya at panay di magaganda ang ichinichismis namin tungkol sa kanya. Oks lang yun sa aming magkakaibigan, kaya swerte ang masama sa friendship circle namin pero it would take a lot of maturity to belong here and of course... maybe about 15 years of kabakyaan! hehehehe.. alam ko lahat naman tayo naiinis kapag napag uusapan... pero ako? sabi nga ni Melanie Marquez "I couldn't care a Damn" hahahah
pero totoo naman na hindi maiiwasan ang mga taong ganon... na pnaguusapan ka pag nakatalikod ka, na ipinamumukha sayo lahat ng "baho" mo, na orocan, na ambitious... etc...etc...
lahat sila may purpose sa buhay natin. wag mo na lang paka-patulan. after all:
PATIENCE IS A VIRTUE!!!!
TSENN: Kung ganun, sino na ang magsasabing bad breathe ako? hahaha? (sabi nang tumigil na sa kaba-bad breathe eh... May EB pa naman ako bukas, baka isipin nila bad breathe ako, ayan dina lang tuloy ako bad breathe, paranoid pa..nyaaahhhaha)
Agree ako sa mga point mo! Go...
kung bad breath, bad breath talaga
sabihan ng drechahan haha
ANTHONY: "Anthony, bad breathe ka, pramis." Oo nga naman, bakit pa kasi kailangang i-complicate diba? hahaha, kaya tama ka Anthony. Let me practice... at kung anuman ang resulta sasabihan kita (kabog tayo jan) haha