Isa't Kalahating Galit at Walang Magawa

Kanino ka ba galit? Siguro galit ka sa nanay mo.

Hinde!

Siguro sa tatay mo.

Hinde!

*Pabulong* Siguro sa mga kapatid niya siya galit.

Sa uncle mo ba ikaw galit, sa mga kamag-anak mo? Eh baka naman sa amin ka galit? Nagagalit ka ba sa amin?

HHHIIIINNNNDDDEEEEEEEEEE!!!

Sumigaw siya. Ginamit ang lahat ng kanyang super power sa pagsigaw. Halos maputol ang kanyang litid. Lahat ng ugat sa kanyang leeg, noo at braso ay lumaki na parang ugat ng balete tree. Nagmukha siyang si incredible hulk, lumaki ang kanyang katawan at naging mala-halimaw ang kanyang mukha. Dahil sa energy na ito na nagmula sa kanyang poot at pagkamuhi sumabog ang lupa sa gitna ng magkakaibigang nakaupo sa malalaking bato sa gilid ng bundok. Kumawala ang usok mula sa loob ng lupa papunta sa kalawakan. Parang bulkan. Parang high-powered steam machine na nagbe-breakdown. Matagal bago nawala ang mga usok, matagal bago nawala ang pamumula ng kanyang mukha.

Nang mawala na ang usok, at nang bumalik na ang kanyang tunay na anyo, tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa kanya. Tahimik, walang nagsasalita.

Galit ako sa sarili ko. Kasi hindi ko ito maintindihan.

At tumulo na ang kanyang luha, lumuhod at tinakpan ng kanyang mga palad ang kanyang mukha.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa harapan ng kanyang mga kaibigan, hindi niya pinigilan ang iyak nang hindi nahihiya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Binasag ng isang kaibigan ang mahabang katahimikan

Potah ka pare ang baho… Hhmmpppfftt!

At isa isa silang nagtakbuhan.



*Gusto ko sanang mag-emo pero diko kaya. August pa lang eh sa September na lang...

Comments

Kablogie said…
Ano sino umutot? Ikaw ba?
Yien Yanz said…
Oo, ako, baket may angal? (hahaha)
DRAKE said…
Yanie naniniwala na ako na iisa ang wavelength ng utak natin!bakit, pakibasa ito:

http://utaknidrake.blogspot.com/2009/06/ayaw-ko-na.html

ito rin ang mga panahon na nagtatalo ako kay Amos Tarana noon!

Nag-uuhog ang utak nating dalawa!hahah
Superjaid said…
kaw pala ang umutot sis, akala ko ako, haha Ü ngapala anong meron sa september?Ü
siyetehan said…
ayus, biglang kambiyo sa dulo!

nice one
Dhianz said…
aheheheh... ayos! *apir* ahehe... natawa akoh don... naks.. emo month bah ang September moh... fan akoh nang emo.. ahehe.. ingatz ateh.. *hugz*... Godbless! -di
Yien Yanz said…
@DRAKE: Uu nabasa ko nga yan hahahha. Basta idol kita eh heheh

@JAID: Anong meron sa September? Funny month ko ang August, panay bungisngis... Crazy month ang tema ko sa September hahaha, panay kabaliwan!

@SIYETEHAN: Hehe, ganun talaga, di nabigilan eh.

@BELLA: Hehe, check mo mga emo poems ko hehehe, dun mau-uta ka sa mga emo-shits ko hahaha,

Sa inyong lahat... Salamat sa pagdaan!
A-Z-3-L said…
mas mabaho ba ang pinakawalang hangin sa amoy ng mga pana?

kung oo... buti na lang wala ako jan!!! lolz!
Anonymous said…
emo emo
wala na ngang makain at nagiinfomercial pa ang mga pulitiko hmf ahehe