Certified uto-uto naman ako kaya naman pinanindigan ko na ang panta-tag sakin ni Drake sa kanyang Five School Facts. Daig pa nito ang swine flu sa pag spread kasi bawat ata blogger meron na neto, feeling ko pati ako na pagkatanda-tanda na (magsi-sixty na kasi ako sa November eh) nadadamay pako dito. Eh wala naman ka-kwenta kwentang gawain ito dahil unang una, papahiyain at ipagkakanulo ko lang naman ang sarili ko dahil sa pagsambulat ng mga bagay na ni sa bestfren ko ng 20 years eh hindi ko pa nasasabi. Pangalawa, saan ka ba naman nakakita ng ganitong kahibangan sa buhay kung saan susulat ka ng ng mga bagay para mapagtawanan ka at pangatlo, WALA NAMANG PERA DITO!!! Haaaisstt.
But nevertheless, however, chuva chenes, noon pa man gusto ko nang ibenta ang sarili ko sa mga tao. Walang bumibili sa mga emo-shits ko kaya sabi ko, just be yourself gurl… Be the wacky, crazy, lunatic Yanie as everyone knows you to be. Naisingit-singit ko naman na sa ibang mga kwento ko ang mga kabaliwan ko noong nag-aaral pa ako sa ilang mga blogs pero hindi naman ganito ka-garapal. Kaya eto uumpisahan ko na.
Para lang kumalat ang virus este ang “blog-tag” na to eh kailangan ko daw mag-share ng limang bagay na hindi ko makakalimutan nung estudyante pa ako. Pwede mag-request? Pwede ko bang isama mga kabulastugan ko nung may nagkamaling i-hire akong teacher?
Si Yanie bilang nuno ng mga shortcut… Ang bahay namin noon ay malapit lang sa school. Mayroon nga lang isang “mini-ilog-pasig” na nagse-separate sa barangay namin at sa eskwelahan nung elementary. Kapag summer, natutuyo ang tubig dito kaya pwede kaming tumawid para maka-rating sa kabila. Kung susumahin, mga sampung minutong lakaran lang eh nasa eskwelahan na ako, pero kapag tag-ulan naman, napupuno ito ng tubig kaya kailangan naming umikot ng pagkalayo layo pag pumapasok. Umikot, as in kailangan nang mag-tricycle o mag-kalesa. Pero sabi ko nga ang mini-ilog-pasig na ito ay mini-ilog-pasig talaga. Ano ba nakikita niyo sa tunay na ilog Pasig kundi ano pa eh di gabundok na basura, itim na tubig at nagkalat na tae ng lahat na yata ng klaseng nilalang sa mundo.
Kapag sinisipag ang mga kagawad namin sa barangay noon, lalo na kapag malapit na ang election, nagpapakitang gilas naman ang mga barangay officials namin at nagko-construct sila ng tulay dito. Construct talaga eh no, akala mo, London Bridge ang ginagawa. Sabi ng mga barangay officials kapag nangangampanya sila (di ko nga pala ibubulgar dito na kagawad at kapitan ang lolo ko sa barangay namin at siya ang nagpapasimuno ng contruction nato…) Para daw ito sa mga masisipag ngunit kapus-palad na estudyanteng katulad ko. Mga walang pamasahe pag pumapasok (may pamasahe naman ako, kaya lang mas gusto kong ibili ng lastiko, kasi uso noon ang pahabaan ng ganito para sa larong chinese garter at tsaka pambili ng paborito kong chichiria na Pom-Pom at Jumbo Orange Hotdog).
Ayun na nga, katatapos lang ng ulan noon, konting ulan lang mababaha talaga ang mini-ilog pasig namin. Nakalimutan ko ang project kong pinagpuyatan ko ng isang oras at kailangan nang i-submit nung araw na yun. Binagtas ko ang ma-talahib na daan papunta sa shortcut... kailangan ko talagang dumaan sa makikipot na iskinita, umakyat sa mga bundok ng basura.. (hehe joke lang) at talasan ang mga mata at baka maka-tapak ng mga tae na naka-kalat sa gilid gilid. Eh dahil nga yata may amnesia ako nung araw na yun dahil nga napuyat ako‘t nakatuog na lang ng alas otso ng gabi dahil sa pagggawa ng project, nakalimutan ko rin na katatapos lang palang umulan ng gabing iyon. Pagka-kita ko sa tatawirin kong shortcut… may tubig. Hindi ito basta basta oridinaryong tubig na umaagos at pwede mo lang tawirin na parang batis, sapa o ilog. Ito’y parang kumunoy, parang kanal… na kulay green, hindi lang water lilies ang lumulutang dito, may mga tsinelas, supot ng mga chichiria na kinain pa yata ng mga kanunu-nunuhan ko, brief ni Angkel Atong na nagwala kamakailan dahil hindi niya mahanap ito, at di mo rin malalaman kung may itinapon nang bangkay doon dahil sa sobrang kapal ng mga basurang naitambak doon. Oo, at some point naging basurera talaga ko, isang hampas lupa and I'm proud of it hahaha. Eh dahil nga naibili ko na ng pom pom ang pera ko ng hapong yon, kailangan kong magdesisiyon between life and grade. Siyempre pinili ko ang grade kaya pikit mata kong tinawid ang kumunoy na yon na hanggang bewang ko ang lalim. Pagkatapos non ay isinumpa kong sana laging sumakit ang ngipin ng teacher ko dahil sa pagpupumilit niyang pa-submitin kami ng project nang araw na iyon. Pagbalik ko sa school, (naligo na po ako) di lang pala ako ang walang project at okay lang daw na bukas na mag-submit ang iba… pero minus 5 na ang grade. Haay, na-minus 5-years tuloy ang buhay ko dahil sa insidenteng yon.
Pero dipa talaga dun natatapos ang expertise ko sa mga short-cutan na yan. Ngayon ko lang na-realize kung gaano pala ako katamad maglakad. Kasi pati mga pader inaakyat ko talaga para lang makarating kaagad sa school. Imagine naka-palda ako noon kasi laging pinapa-alala sakin ng nanay ko na babae ako, babae!… at naranasan kong masabit ang palda ko sa mga naka-usling bakal… Buti na lang diko suot yung butas na panty ko na hinhiram ko lang sa ate ko nyahahahaha… Kahit naman kasi napaka luwang ng gate namin ewan ko ba kung bakit ang hilig kong nagsusumiksik sa mga butas, umakyat sa mga pader at sumuong sa mga talahiban para lang makarating kaagad sa paroroonan. Promise, hanggang ngayon, ganyan pa rin ang ugali ko. Dito sa Dubai, kahit naka-high heels, lalakarin ko pa rin ang buhanginan makarating lang kaagad sa parking area or bus stop.
Fountain of Youth. Sabi ng blog ni Drake… Ang tao daw na hinding hindi natin makakalimutan sa panahon ng ating pag-aaral ay ang taong naka-tae sa school. Sa kaso ko, I’m sure meron din niyan pero malala ang amnesia ko ngayon kaya wala akong matandaan. (Tsk, ang swerte ng batang iyon.) Ngunit na-retain sa isip ko ang isang batang kakilala hindi nai-abot miski sa talahiban ang kanyang IHI.
Ang kwento ganito. Hinihintay niya noon si Mang Dinoy, ang kutsero na siyang taga-sundo nila sa hapon pauwi. Eh napa-aga ang labas ng batang iyon kaya nauna na siyang nag-abang sa labas ng school gate. May natira pa sa baon niya kaya naisipan niya munang bumili ng tinapay na pansit ang palaman at juice na tigi-dos. Tig-singkwenta lang ang juice noon pero dahil sobrang nauuhaw siya kaya pinuno niya ang supot sapat para sa presyong dos. At dipa nakuntento, dahil ang tagal ng dating ni Mang Dinoy, bumili pa ng dalawang ice candy at mag-isang linamon. Lam niyo naman na siguro ang kasunod ng mga ganung pangyayari diba? Kung ganun eh di jump na lang tayo sa susunod na school fact?
Hehe lam ko namang inaabangan niyo din kaya yun na nga, namimilipit na ang bata dahil di na niya mapigilan ang pagsabog ng kanyang balun-balunan. Napakalayo pa ng kanilang CR at alam niyang malapit na ring dumating si Mang Dinoy. Dagdag pa sa pasanin niya na kapag paghihiwalayin niya ang naka-ekis niyang paa, siguradong malu-loose thread ang gripo at matutuluyan na ang pag-agos ng Magat Dam. Siyempre diko naman ito ike-kwento dito kung hindi siya natuluyan diba? Ayun na nga natuluyan na ngang bumaha ang planet earth at sa di mawaring dahilan ay duon lamang sa kinatatatyuan ng bata ang pag-bahang naganap. May dumaan na batang lakaki sa harapan niya. Kunwaring liningon lingon ng babaeng paslit ang kalangitan, nagdadasal na sana umulan o kahit umambon man lang para mabigyan ng hustisya ang kanyang basang palda at ang lupa na kinatatayuan niya . Iginala gala pa ang paningin sa mga punong kahoy na parang humihingi ng saklolo at kung maaari lang na pagbintangan niya ang mga ito sa kalamidad na nangyari sa kanya. Ngunit mag-isa lang siya sa lugar na iyon. Wala siyang lusot, walang maidadahilan. Dumating na si Mang Dinoy. Nagsidatingan na rin ang mga ka-tropa niya sa kalesa. Di na niya alam ang gagawin niya dahil hindi niya maitago ang basang palda niya, idagdag pa ang amoy… o may gush! Buti na lang ipinganak ang bata na matalino. Hindi siya tumabi sa ibang mga bata sa loob ng kalesa bagkus sumabit na lang ito hanggang sa maka-uwi. At habang nahahanginan ang kanyang palda siyempre natutuyo na’t naisasama na rin sa hangin ang amoy nito.
Ngayon nga ay nagmumuni muni ang bata iyon kung isasama pa niya ang karanasang ito sa kanyang blog dahil unang una, nabi-buwisit na siya kung bakit pa siya nagpa-uto jan sa blog-tag na yan at pangalawa napakalaking kahihiyan ito sa kanilang angkan na inire-respeto sa kanilang barangay.
Sabi nang “It’s better to give eh.” Grade 3 yata ako noong namulat ako sa saya na dulot ng exchange gifts sa tuwing Christmas. Nakakatuwa kasi yung may bubuksan kang regalo sa tuwing pasko diba? At di naman excempted ang school namin sa ganitong tradisyon. Nung grade 3 yata ang natanggap ko eh panyo, ang saya saya ko noon kasi limang panyo ang binigay sakin na bulaklakan pa yung iba at may kasama pang cloud nine na chocolate.
Pagdating ko ng grade 4, pinaghirapan ko talaga at nagtagal ako sa paghahanap ng ireregalo sa kris kringle ko. Diko na matandaan kung magkano ang presyo nang dapat mong ireregalo noon pero matandaan kong sinobrahan ko ang presyo nung ireregalo ko dahil ayoko namang mapahiya. Sigurado masasayahan ang makakatanggap nito, bulong ko pa sa aking sarili. Red ribbon for the hair kasi ito na may butterfly pa, kung ako ang makakatanggap nun, sobrang magiging masaya ako kasi bagay na bagay yun sa damit ko at siyempre sa pinahaba kong kulot na buhok. Ako naman, at the back of my mind, umaasa na kasing-ganda rin ng binigay ko ang matatanggap ko.
Pagdating ko ng bahay, ingat na ingat akong tanggalin ang mga scotch tape na pinambalot kasi gagamitin ko pa iyong box na yon sa iba pang ipanreregalo ko. At nang sa wakas ay mabuksan ko na nga ang para sa akin, tumambad sa akin ang………. (drum roll please) …. Medyas… hinalughog ko pa ang maliit na box, baka kako meron pang naipit dun na keychain or kahit na picture frame man lang na kulay violet. Pero wala, wala talagang iba doon kundi… Medyas. Diko napigilan ang umiyak. Umatungal talaga ako sa nanay ko. Pinilit ko siyang bumalik sa school at bawiin ang iniregalo kong red ribbon with matching butterflies. Nagwala talaga ako at itinapon ang medyas na natanggap ko. Ang sama ko no? Pinalo ako ng pinalo ng nanay ko at pagkatapos non eh pinangakuan naman niya akong ibibilhan na lang daw ako ng ganun. (Pagkatapos akong paluin ng paluin!!! haaayy)
Si Yanie alyas Yano (as in Yanie Unano) Oo, inaamin ko na… Pandak ako. Natural lang naman siguro yun kung pandak din ang magulang mo diba? Alangan namang manisi pa ako ng tao kaya tinanggap ko na lang na wala na akong magagawa dun. Pero ewan ko ba kung bakit naman lahat ng mga naging kaibigan ko ay mga higante… Hindi ko alam kung bakit nila ako gustong gustong kasama. Minsan iniisip ko na baka defense mechanism lang siguro nila yun kasi gusto nilang maging kapansin-pansin kapag ako ang kasama nila dahil talaga namang sila ang napapansin… Or dahil sa talagang mabit lang ako at ako talaga ang gusto nilang kaibiganin.
Kaya naman tuloy siyempre pagdating ng 3rd year, eh dahil nga matatangkad sila, alangan namang ako lang ang maiiwang maging regular na cadette sa CAT? Siyempre gusto ko ding sumama sa kanila para maging officer no?
Eh minsan, na-late kami ni higanteng BFF sa isang hazing… (haha, hazing ata ang tawag dun sa training bago ka maging officer) Ang sabi nung 4th year na officer, “Give me 5 helicopters”. Di namin alam, parusa na pala namin yun sa pagiging late. Nagtinginan kami ni higanteng-BFF kasi we had no clue kung ano ang sinasabi ng ulupong na officer na yun (na by the way crush ko pala siya kaya sobrang hiyang hiya ako noon). Dahil nga sa di kami tuminag sa kinatatayuan namin, sumigaw pa siya lalo ng “Give me 10 helicopters now!!” Eh dahil mas malakas ang loob ko at dahil masama talaga ang kutob ko sa ibig sabihin ng helicopter na yun at ayoko nang madagdagan pa ang 10, nagtanong na ako ng “Eh ser, huwat is helicopter?.” Natuwa pa ata sa akin si officer-crush kaya napa-smile muna siya bago idinemonstrate kung paano gawin ang helicopter.
Paano gawin ang helicopter? Halikayo, samahan niyo akong gawin ito ngayon… sundan lamang ang sumusunod. Una, itaas ang inyong kanang kamay at magpanggap na parang dinuduro niyo ang monitor ng computer niyo. Pangalawa, ipadaan ang inyong kaliwang kamay sa ilalim ng inyong kanang kamay at abutin ang kanang tenga. Wag niyo lang basta basta abutin ito, hawakan ang kanang tenga okay. Pangatlo, tumayo ka sa kinauupuan mo at ngayon din ay tumuwad habang ang kaliwang kamay ay nakahawak pa rin sa kanang tenga at ang kanang kamay naman ngayon ay nakaturo na sa lupa… umpisahan mo nang umikot… sige ikot pa, ikot hanggang lima… Nakaya mo? Anong naramdaman mo? Nakaabot ka ba ng lima? Imaginin mo ang sampung ganyan na ginawa namin… Daig pa namin ang humithit ng isang sako ng marijuana pagkatapos ng punishment na yon. Naisuka ko pa ang santol na kinain ko bago pumunta sa hazing na yun na kung saan nakipag-away pa ako kay manang tindera dahil ayaw niyang dagdagan ng asin ang santol ko. Leche, pagkatapos nun eh nag-quit na ako sa paga-aspire na maging officer… Si higanteng BFF na lang ang tumuloy kahit na malungkot siya… Aspiring commandant pa naman kasi siya at nagpa-plano na kaming ako ang gagawin niyang second in command, nyahaha (joke ko lang to). Pero sabi ko siya na lang, dahil nais ko pang mabuhay para magisnan ang pagdurusa ng officer na yun (na crush ko pa man din) habang kinukulam ko siya.
The Late Yanie. Lagi akong late nung college. Yun bang kapag alas siyete ang klase eh alas siyete din ako magigising. At patapos na ang first period eh saka pa lang ako papasok. Ang lagi tuloy tukso sakin ng mga classmates ko eh I’m very early daw for the next class. Naniniwala talaga ako sa kasabihang walang taong bobo, tamad meron. Nuno naman talaga ako ng katamaran. Wala akong notebook, ni hindi nga ako nagba-bag eh. Pauso ko kasi sa school ang kasabihang makikita ang tunay na matalinong estudyante kapag di siya nagba-bag at walang dalang notebooks o books. Kasi kako, sa bahay pa lang dapat na-review na lahat at dapat ang baon na lang sa school ay utak. Eh ako, dahil nga sa ubod ako ng katamaran, miski sa bahay hindi ako nagre-review at ang dala ko lang pag pumapasok sa school eh diskette para maka-kopya ng projects… isang bolpen at isang kopon ban. Buti na lang, wise spender ako, pag nagpapadala si mama ng pera pambaon ko, isang notebook lang ang binibili ko kasi the rest ng baon ko eh, ginagamit kong pang-xerox ng mga notebooks ng mga klasmeyts ko hehe.
Pagdating sa kopyahan dimo rin ako malalamangan. Alam na alam ko rin lahat ng techniques sa pangongopya. Kaya naman tuloy hirap na hirap ang mga naging estudyante ko sa mga exams nila sakin nung ako naman ang minalas na maging teacher nila. Kasi pinagtiya-tiyagaan ko talagang gumawa ng Sets A, B and C pagdating ng exams, dagdag pa sa instructions ang… Erasures are automatically wrong, use only green pen at right minus wrong. Haha, I’m sure isinusumpa ako noon ng mga estudayante ko… (Oo naman kahit ganito lang ako ka-baliw eh wansapanataym naging teacher din ako ng mga kalokohan este computer subjects sa mga college students). Buti na lang eh medyo mabait naman ako ng konti sa mga kalahati sa kanila kaya mostly yung mga yun ang friends ko sa Friendster at yung kalahati naman ay nagpapadala sa akin ng mga hate mails at chain letters na kung hindi ko daw ifo-forward eh mamatay ang aso namin... buti na lang matagal na siyang patay… hehehe.
Madami pa akong school facts na ayoko nang ibulgar pa dito. Kasi sobra sobra na talaga sa kahihiyan. Ayoko namang ipagkalat pa sa maraming tao ang ilang libong beses kong pagkaka-tapilok sa school… at may mga insidente pang naputol ang takong ng sapatos ko na ang sabi ng nanay ko eh original daw yun, kasi made in Hong Kong. Kaya naman nung bumili na ako ng sapatos na made na in the Philippines eh talagang ang pinili ko yung wala nang takong, pero mukha naman daw bapor sabi ng kaibigan kong traydor dahil sa pagsasabi niya ng katotohanan.
Diko rin aaminin na nakikipag-away ako sa mga teachers dahil ichini-chismis ko sila sa buong university na boring silang magturo. At siyempre idagdag mo na rin ang mapagalitan ng mga sisters sa school dahil sa tuwing prayer time eh bungisngis ng bungisngis. Muntik pang napaalis sa klase dahil napabulanghit sa tawa nang mag recite ang kakaklase ko ng “Our father in heaven, holy be your name… But “the liver” us from evil… Amen” (Hindi, exag ko lang yun, hindi ako yung tumawa…) At kasama ng isan ring klasmeyt, mahilig din kaming gumamit ng boys' CR dahil mas malapit ito kesa sa mga pang-girls.
Ambilis ng panahon. Diko alam kung matutuwa akong isipin na tong mga kine-kwento kong ito eh parang kahapon lang nangyari o malulungkot dahil palalim na ng palalim ang dapat na maging dahilan ng tao para maging masaya siya. Iniisip ko kasi na halos hilingin kong magunaw na ang mundo noong mga panahong ito pero ngayon pinagtatawanan ko na lang. Minsan din iniisip ko na parang kelan lang na ang pinag-uusapan namin ng mga dabarkads sa tuwing may overnight at inuman sa bahay ay tungkol sa mga boyfriends namin na ubod ng bait, tungkol sa kung sino ang boyfren ni ganito at kung sino na ang nabutis ni ganyan... Ngayon ang pinag-uusapan na namin ay tungkol sa milyon milyong salapi na hindi na malaman kung saan gagastusin, (in other words eh sino kaya ang susunod naming uutangan)... tungkol sa process ng mga divorce divorce na yan, kung sino na ang kabit ni ganito at hiniwalayan ni ganyan at kung paano namin itutumba ang mga taong nakaka-imbiyerna sa amin ng bonggang bogga.
Ngayon, ito na yata yung parte ng blog na pipili naman ako sino ang ita-tag ko sa blog na to. Para sa mga di nakakaintindi, ibig sabihin kapag na-tag ka dito, ikaw naman ang sumunod na gumawa ng 5 School Facts sa buhay mo. Wala na akong pakialam kung totoo man ang mga sasabihin mo o hinde kagaya ng mga kasinungalingang pinagsasabi ko dito. Eh uto uto naman kasi ako kaya wala akong magawa kundi sumunod lang sa pa-utot ng ibang bloggers hehehe. O siya-siyanel… Kung dimo pa nagagawa ito Pareng Noel, Anthony, Kablogie at Rhea Stone, kayo naman ang naka-blog-tag para sa 5 School Facts! Bahala na kayo kung seserysohin niyo tong shiznits nato… hehehe…
Ang lolo kong kapitan... bahala na kayong mag-distinguish kung sino ako sa dalawang batang kasama niya!

Comments
Teka paborito mo rin pala yung pompoms saka yung hotdog na kulay orange!Eh ako nga dinurug durog ko pa yun para dumami.
Pamatay talaga ang tag mo na ito ang daming revalation hahahah! Daig pa si BB gandang hari sa dami ng binunyag mo!hahhaha
Pero ang hindi ko kinaya ay ang picture mong kinuha mo pa sa baul! Mukha kang popsicle dun! Kyut mo naman pala ng bata eh, ang gandang gawing palawit sa bag!hahahha
Salamat sa pagsagot sa tag! wala ka isa kang alamat!
Ingat
NAIHI ako!!!
gagawan mo pa ako ng chismis, panay na nga kasinungalingan pinagsasabi ko dito, dagdagan mo pa ang krimen ko hahahah!!!
hahahaha!
@DRAKE: hahaha, gusto mo lang talaga may maisama sa kahihiyan mo eh... Basta ikaw ang original na BOY TAE!! hahahaha! tsaka (depensib ako) wala namang nakakita sa akin na klasmeyt... wais to no! wala ngang nakapansin eh... Pero THANKS sa pang-uuto mo, brinodkast ko na ang pagkatago-tago kong sikreto hahahah... Mukhang pagsisihan to to ah! Humanda ka pag nakita kita sa personal!!! bwahahaha
thanks for dropping by!
http://emo--boys.blogspot.com