Anjan Ka Na Naman

Inaalagaan mo na naman yan
Nangangarap ka na naman kasama yan
Nahihibang ka na naman ba?
Dika na nadadala…………

Masokista ka yata
Ilang beses mo ba sasaktan ang sarili mo?
Please lang iwaglit mo na yan sa isip mo
Naaawa na ako sayo
Another big-time hurting na naman yan in the making

Ipikit mo na lang ang iyong mga mata
At isipin kung gaano ka kahalaga
Ang puso’y ilang beses ka na bang lininlang?
Hinanakit mo’y dina nga mabilang bilang

Sige na, tumigil ka na’t umayos
Tatlong alog lang yan ng ulo, tapos!
Sugpuin na ang apoy, at baka ka pa mapaso
Iba mo pang wounds dipa nga nareretaso

Hinga… hinga ka ng malalim
Pintig ng puso mo’y iyong damhin
Move on… start anew…
Humakbang ka na lang papalayo

Kung siya’y sumunod at sa iyo’y sumabay
Eh di mabuti!
Pero siguraduhin lang na wag na namang sumablay

Puso mo’y pakaingatan na,
and be sure to be strong
Wag na namang mabulag at maniwala
That there’s this thing called…
Forever love and affection

Haaay…

Comments