PMP

Binagtas ko ang kahabaan ng daan patungo sa iyo
Tiniis ko ang init... tinanaw ko ang kinaroroonan mo
Medyo malayo pa...
Pero kailangan kong umabot, kahit mabigat ang dala ko

Pagdating ko sa kinaroonan mo,
Parang ibig kong umatras...
Bakit ganun...?
Ang layo na nga ng linakad ko
Pagdating, pawis kailangan pa ring pumunas?

Madaming mukha ang tumambad sa akin
Kailangan ko pang sumali sa pila patungo sayo
Habang dala dala ang mabigat kong pasanin
Pagod ko ba'y dimo pa matangko?

Pagod na ako... pagod na pagod...
Pilit kong hinahabol ang samyo ng hangin
Upang ako'y muling tumatag
Upang sa iyo'y makarating ng may natitira pang lakas

Ang aking oras para sa iyo ay nakarating na sa wakas
Pangalan mo'y buong tamis kong binigkas
Ngunit ilang minuto rin ang aking hinintay
Bago sa akin ikaw ay dumampulay

At nang dumating ang oras nang ika'y napasa-akin na
Dumatal ang init ng iyong pisngi sa aking labi
Timyas mong kakaiba'y nagpa-alala
Sa mga nakaraang minsa'y isinantabi

Alam niyang ikaw lang ang nagpapasaya sa akin
Natutuwa pa nga siya kapag inaabot ka niya sa akin
Alam niyang ikaw ang lagi kong binabalik balikan
Ngunit dumaan ang panahon...
Alam niya ring ikaw ay akin nang nakalimutan

At ito ang oras para makasama kitang muli
Gusto kong malaman kung ika'y nagbago na
Laking tuwa ko dahil kasing tamis ka pa rin ng dati
Naubos kitang labi ko'y puno ng ngiti

Kung maari lang na ika'y aking isabay
Sa aking mapanghamong paglalakbay
Ako'y hindi magsasawa kahit habang buhay
Sana lagi kitang kapiling... O Peach Mango Pie...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hmmm... yum yum....!!!
na miss ko to ng sobrang tunay

Jollibee - MOA
Manila
28 June 2009
12:39pm

Comments