BURAOT Part 3 - At Kinarir ang Pambu-BURAOT

Ang taong kinakausap ka lang kapag kailangan ka ay isang BURAOT!

Ang taong hindi tumutupad sa pangako ay BURAOT!

Ang asawang babae na nagger ay BURAOT!

Ang taong di tumatanaw ng utang na loob ay BURAOT!

Ang taong inggitera ay BURAOT

Ang asawa na pabili ng pabili ng mamahaling gamit sa kanyang asawa na nasa abroad, ang tawag sa kanya ay..... SOSYAL!!! (bading accent)

Paano mo malalaman kung ang tao ay isang BURAOT...

1. Kapag yinaya ka ng kaibigan sa kainan, pagdating ng bayaran, nahalata mong naghahanap na siya ng pitaka niya, at biglang sasabihin sayo na naiwan niya ang pitaka sa bahay, kunwari'y tatawag pa ito sa bahay nila para malaman kung nandun nga ang pitaka niya. Eh sigurado buraot yang kaibigan mo. tapos ibulong mo sa sarili mo, "leche buti na lang dala ko credit card ko." Sa susunod na magyaya ang kaibigan mong to, lalo na kapag birthday niya, siyempre dimo naman matatanggihan yon dahil kahit papano'y mahal mo siya... por pabor, magdala ka ng extra na pera mo dahil siguradong kulang ang pera nito panlibre sayo...

2. Kapag super kwento ang kaibigan mo na nahuli siya ng pulis dahil mali siya ng linya sa highway, at may emphasis siya sa part ng kwento niya na pinatawad siya dahil naka mini-skirt siya ng bonggang bongga, buraot yang kaibigan mo na yan... promise

3. Sa isang handaan, may videoke escapades sa flat ni kabayan, siyempre excited ka kasi alam mong ikaw si videoke king sa probinsiya santo mariones, lahat ng kanta na naka queue sa mediacom, mga eleben na kanta yata na magkakasunod eh sa iyo... Pre... masakit mang sabihin to pero.... BURAOT KA.

4. Kapag gumagaya ka na sa accent ng mga indiyano, pati pa-shake shake ng ulo at pagbigkas ng UAE ay ginagawa mo nang YUYEYI... hahahhaa, Mare... wag ka nang manghawa pa, magpa-rehab at pa-quarantine ka na dahil mas malala pa sa N1H1 ang pagka-BURAOT mo.

5. Asus ito ang certified na buraot... kapag may usapan ang dabarkads, alas diyes... dumating ka ng alas onse... at ang excuse mo eh kasi ninakaw ang mga bunga niyo ng kalamansi, ehemmm... Brader... im sure yung 30 minutes dun eh kasi nag-floor wax ka pa, nyehehhe.

6. Kapag sa panglimang taon ng buhay may-asawa mo eh napagtanto mong nakapangasawa ka ng isang BURAOT... tsk... kawawa ka naman. limang taon? (*insert iling-iling icon here*)

7. Kapag trenta ka na at wala ka pang asawa... aysus, sigurado, mabuburaot ka... hehehe.. (ate ko... mag-asawa ka na oy!... nakup delete, delete, baka dina ako pautangin weehehehhe)

8. Kapag may educational field trip ang buong department, may crush kang cutie pie na gurlaloo na bagong gupit at ang swerte mo dahil nakatabi mo siya sa bus, shocks 12hours mo din maaamoy ang halimuyak ng crush mo... utang na loob kapatid, wag na wag kang magbabaon ng tinolang manok na uulamin sa loob ng bus habang ummandar ito, para di mo matapunan ng sabaw ang katabi mong crush mo pa naman... Sigurado ko, tatlong di kanais nais ang magaganap kapag nangyari yan... una, makakatanggap ka ng mag-asawang sampal kay cutipie-crush. Pangalawa mangangamoy pananghalian ang buong gabi ng biyahe niyo ni cutipie, dagdag pa ang mala-longganisa mong pisngi... at pangatlo...mapapasaiyo ang trono ng "BURAOT KING"

9. Dinedekurasyonan mo ang bago mong bahay. Bumili ka ng fortune plant para pampaganda ng bahay mo. Kinabukasan biglang tumawag ang nanay mo, nagco-confess sa nagawa niyang kapalpakan (por da pers taym).
At Ang sabi ganito "Pina-arawan ko yung fortune plant, ilinabas ko sa balcon, sinundo ko lang naman si Chi Chi sandali, pagbalik ko.... NASUNOG ang fortune plant" Hysterical si mader dear... by the way 42 degrees celcius lang naman ang temp dito, at ang fortune plant di dapat kasi pinaarawan...
So, buraot si mama mo ganun?
"Hindi ah, ang tawag sa halamang sunog, BURAOT!"

10. Bato bato ng kulangot... ang tamaan ay BURAOT!!!

Comments

Yien Yanz said…
Tama ba namang, singilin ako sa pagpapatawa??? Ayoko na... tigilan na ang pambuburaot na to... hahahahha!!!
DRAKE said…
Ang kyut naman ng PERSONAL INFORMATION mo, ikaw na ikaw talaga!Galing!Whahahhaha

Ingat