ano nang nangyari sayo?

Bakit dati, iniisip mo ang bawat hakbang mong gagawin?
Bakit dati, laging nasa isip mo ang ibang tao?
Bakit dati, pinapakiramdaman mo ang nararamdaman nila?
Bakit dati, wala kang hinangad kundi ang ikatutuwa ng iba?
Bakit dati, isusubo mo na nga lang ipapamigay mo pa?
Bakit dati, alam mo kung ano ang tama?
Bakit dati, marunong kang lumuhod, pumikit, umiyak at magpakumbaba?
Bakit dati, kilala mo pa ang sarili mo?

Ngayon, bahala na lang palagi si batman sayo.
Ngayon, wala ka nang paki.
Ngayon, manhid ka na.
Ngayon, pag iiyak sila, iiyak ka rin... mas malakas pa, tragis naman oo!
Ngayon, isusubo mo na kaagad, habang walang nakakakita. garapal ka na...
Ngayon, ang tama mo, nasobrahan na.
Ngayon, rinarayuma ka na dahil lagi kang nakatayo, naka chin-up pa, dika na nga minumuta kasi dika na natutulog
Ngayon, pati si batman, itinatwa ka na.

Kainis na buhay to!!! Nakaka-uta na!!! aaargggh!!!

Comments