Kung lalake lang ako...

Kung ako’y naging lalake
Maabot ko kaya, ang mas maraming pangarap?
Kung ako’y isang lalake
Mas malalagpasan ko kaya ang mga paghihirap?

Kung lalake nga ako
Sana naman ako’y gwapo
Mas marami kaya akong kaibigan?
Mas marami kayang babae akong malilinlang?

Ngunit, kung sana lalake nga ako
Ako’y magmamahal ng tapat
Ng isang babaeng igagalang ko
At kung kaya, ibibigay ang lahat

Akin siyang uunawain
Sa lahat ng bagay iintindihin
Akin siyang aarugain
At kailanmay di bibigyan ng pasanin

Diko siya sasaktan
Diko siya paluluhain
Kanyang ngiti’y magiging hangin
Para sa kanya, buhay ko’y ihahain

Ngunit ako lama’y isang bakla,
Nagkukubli sa katawang dati ng linikha
Walang karapatang magmakaawa
Na ako ri’y mahalin na parang isang Eba

Comments