20 years na lang ako sa mundo

Nasabi ko minsan sa isang kaibigan
Ako'y mabubuhay lamang hanggang taong apatnapung siyam
Ako ngayo'y 29, may 20 years pako
Ano ngayon ang gagawin ko?

Nasabi ko rin sa parehong kaibigan
Sa totoo lang diko alam
Ano na nga bang narating ko?
Ano pa nga ba ang gusto ko?

Gusto kong tumakbo na parang Olympic runner
Perong walang pagtutunggali
Gusto ko lang danasing mapagod at humingal
Na parang wala nang babalikan

Gusto kong maging scuba diver
Pero dapat ako muna’y maging swimmer
Lalangoy muna sa gitna ng karagatan
Saka sisisid hanggang sa kawalan

Gusto kong maging mountain climber
Parang napanood ko sa pelikulang Cliff Hanger?
Aakyat na parang aabutin ang kalawakan
Para lang suminghap ng hangin,
Na sa ibaba’y pilit kinakalimutan

Subalit sabi ng aking kaibigan
Na pinipilit talaga akong pakinggan
Pare, maging writer ka na lang
Mas tipid, at ligtas
Duo’y panaginip maabot at pangarap makakamtan

Comments