Papalubog na ang araw, nasa harapan ka pa rin ng computer. Ilang araw ka nang ganito. Parang robot, parang makina. Pagdating galing opisina, computer pa rin ang kaharap. Sa ngayon hinihintay mong magpakita ang mga kasamahan mo sa cyberworld. Yung isang kalaguyo mo matagal nang di nagpaparamdam. Kaya ngayon naghahanap ka na naman ng iba. At gaya ng dati wala na naman sila kapag kailangan mo. Saka lang sila nagpapakita kapag abala ka na sa maraming bagay. Lagi na lang wrong timing.
Papatayin na sana ang computer dahil gusto mo nang ipahinga ang pagod mong isip. Gusto mo nang gumawa na naman ng wala. Ngunit biglang nag-buzz ang iyong kaibigan. At siya nga’y nagbalita ng hindi maganda. Isang classmate mo daw nung college, patay na. Di lang daw pinugutan ng ulo sa taas, pati na rin sa baba. Dimo naman kaibigan ang namatay at lalong dika naman apektado. Ni hindi mo na nga matandaan ang mukha nito. Ngunit ewan kung bakit bigla ka na lang hinaplos ng panlalamig. Pakiramdam mo’y ihinanda na ang kobre kama para sa iyong napipintong kalungkutan.
Dumating ang asawa mo. Ibinalita sayo na natanggal siya sa trabaho. Napansin mo ang kakaiba at nakaka-panibagong lambing sa boses niya na parang nagsasabing, “Wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat” Tumango ka na lang, nagpanggap na totoo ang sinabi niya at ibinaling ulit ang atensiyon sa pagko-computer. Sa diwa mo’y inaabot mo na ang unan, konti na lang bibigay ka na sa kama ng kalungkutan… Ngunit desidido ka, ayaw mong magpatalo dito.
Kaya sa paghahanap mo ng dibersiyon, nag-click ka nang nag click sa computer. Naghanap ng makakapag-paaliw sayo. Kung anu ano nang hubad na suso ang nakita mo, kung anu anong nang kalaswaan ang nabasa mo. Hanggang sa mapadpad ka sa isang account na di naman sayo. Doon nga’y natuklasan mong dalawang malapit sa puso mo ang nag-usap tungkol sayo. Hindi mo ito nagustuhan. Doon mo nalaman na isa ka palang walang kwentang tao, wala ka raw pakiramdam, walang konsensiya at makasarili.
Tuluyan ka na ngang kinumutan ng lungkot. Handa na ang kama, pati na rin ang iyong unan. Doon nga’y pinaubaya mo na ang sarili mo sa isang madilim na pagtulog.
Habang bumibigat ang mata, umaandap ang liwanag “Sana…” ang naging huling kataga…
Author's Notes:
When I still felt like a writer
This work is totally fictional
A typical, ordinary routine of a bored and depressed person who is about to ................

Comments