My Birthday Wish List

Tapos na naman ang buwan ng October. Ano na naman ba ang natapos ko ngayong buwan na to kundi tumataginting at ma-asensong WALAAA! Sobrang successful ko sa pag-accomplish ng WALA. Mahirap gumawa ng WALA ha... Malaking effort din yun. Kasi lahat tayo ang gusto'y makagawa ng kahit na ano kahit papaano, at wala ni isa man ang ginustong makagawa ng wala... so technically... meron pa rin akong nagawa... ano nga ba yun?

So, kung tapos na nga ang October, ano ang ibig sabihin nun? eh di siyempre, mag uumpisa na ang November. Happy Halloween nga pala to everyone. Nami-miss ko na nga pala ang pagtambay sa sementeryo kapag ganitong araw ng mga patay. Dun kasi kami kumakain ng IUD at betamax. Tapos, sound and foods ang trip. Dati yun, ngayon kasi yata ipinagbabawal na ang malakas na sounds sa sementeryo.

Depress depressan ang mood ko ngayon. Magbe-birthday na naman kasi ako. Takte, magbe-bente na pala ako, wala man lang akong maipagmamalaki maliban sa nada-dagdagan lang ang edad at mga utang. Teka, bente ba ang nasabi ko? sige hayaan mo na, nakakapagod ang mag-edit eh. So yun nga, dumadami lalo ang mabibigat na dalahin sa buhay, pati ang makinis kong kutis, nagkaka tighiyawat na. Nagmumukha na tuloy akong pimple na tinubuan ng mukha.

Cool sanang gayahin ang picture greetings ni Jepoy para sa aking birthday, pero diyahe naman kasi ayoko ng gaya- gaya kaya wag na lang. Nagi-guilty pa nga ako kasi di pala ako nakapag bigay sa kanya ng aking picture greeting eh sobrang close ko pa naman kay Jeps... Sa sobrang closeness eh dina ako makahinga...(feeling close lang, hehehe, pagbigyan monako Jepoy).

Kaya ang gagawin ko na lang eh ililista ko na lang dito ang aking mga birthday wishes para naman makapag-prepare na ang mga sensitive and caring kong friendseses who are there to make sure that I spend a memorable birthday.


Number 1. I wish to have 1 million dirhams. Pati tumbong ng magreregalo sa akin nito hahalikan ko hahaha!


Number 2. 2010 Organizer/ diary. October pa lang ng kasalukuyang taon naguumpisa na akong bumili ng mga ganito. Lagi kasi akong excited for the next year. Pero ngayong year, sinadya ko talagang di muna bumili, dahil siguro I'm not looking forward for the next year. At tsaka isa pa, wala talaga akong pambili. Kaya kung sino man ang gustong magregalo gusto ko sana yung pocket lang, yung hindi bulky. Lagi ko kasing dala dala ang diary ko kahit san ako magpunta, kaya sana yung hindi mabigat sa bag. Wag na kayong magreklamo kung demanding ako, birthday ko naman eh.


Number 3. Wish ko sana may magpadala sa akin ng orange roses sa birthday ko. Roses ha, hindi rose, plural yun kaya dapat madami dami, mga 3 or more siguro.


Number 4. Sana may manlibre sa akin ng sine. Kung medyo may pera yung manlilibre, paki-libre na rin ako ng kape... Kung pwede pa ring humirit, eh sana ilibre na rin ako sa inuman... (hahahah... isiningit talaga ang pagiging alcoholic?) Joke lang po, chismis lang po ang issue na lasenggera ako. Pinagkakalat lang yun ng mga taong naiinggit sa akin hhaha!


Number 5. Sana mag organize ang mga friends ko ng surprise birthday party, yung hindi ko sasagutin ang handa, para naman ma-surprise ako hehehe. (Araaay, ayan may bumatok na sakin!)


Number 6. At ang pinaka-importante sa lahat ng mga hiling ko ay "World Peace" (ang plastic, parang pang ms. universe lang, hehe)


May number 7 pa pala. Pakilibre na rin ako ng round trip ticket to the Philippines. Bibili lang sana ako ng balot, na mainit init pa sa basket ni Manong.


Siyempre hihirit pa ako ng number 8. Burberry Classic. oks na sakin ang 50ml.


Itotodo ko nato hanggang 10, once a year lang naman akong humiling eh, better take the shot, coz you'll never know.


So ang number 9 sa wish ko eh, libro ni Jack Kwek-kwek (Kereoack) nakalimutan ko na ang apelyido, "On the Road"


And number 10. Sana matupad lahat ng wish ko. Yun lang



Mag comment ka na sa ibaba kung may naisip ka nang walang kwentang sasabihin kasi ang susunod na babasahin mo na eh ang mga ma-emo kong mga ka-shitang saloobin.


Una. Ilang beses na akong nasabihan kung bakit wala daw akong pinapakinggan sa buhay. Sabi ko, iba ang nakikinig sa ginagawa ang naririnig. Lahat tayo may sariling desisyon at judgement sa mga bagay bagay. Tulad halimbawa ng pagkilatis kung alin ang mali at tamang mga payo. Pakikinggan mo pa rin ang sarili mong judgment, kasi minsan nakakalito kung ano nga ba ang mga tamang payo. Kasi kung alam natin na nagagawa nating lahat ng "tamang" payo, wala na sanang tao ang nagkakamali.



Pangalawa. Nais kong sabihin sa mga mahal ko sa buhay na mahal na mahal ko rin sila. Nandito ako sa punto de bista ng buhay ko kung saan selective ako sa mga pinakikinggan ko. And most of the time, kahit isang sentence o isang word lang ang sinabi mo, kahit pa ang words na yun ay "Shit Ka, Yanie!" kung naramdaman kong may pagmamahal ang sinabi mo, isasapuso ko yan. Hindi ko hinihiling na intindihin niyo ako, dahil malaki akong engot, walang makakaintidi sa akin, sinto sinto lang siguro... Ang nais ko lang ay sana pakiramdaman niyo muna ako bago niyo ako sabihan. Or better yet, wag niyo na lang akong sabihan, di naman ako nakikinig eh... yakap na lang siguro, pero dapat may kasamang luha at sipon na tumutulo.



Pangatlo. Para kina EJ at EZ. Ang ga-gwapo niyo. Mahal na mahal ko kayo. Grabe! Yun lang.


Paki greet na lang ako sa birthday ko hah! Salamat!

Comments

Unknown said…
Yanie bertday mo rin?...aba e magpainom na kau nina Jepoy, Kablogie at Paps!!!

Ung wish list mo ayos pero ambigat! Hanap ka ng sponsor mo sa pamasahe papunta Pinas sagot ko na ung balot! :D

Hafi Bertday!
2ngaw said…
Happy Birthday po :)

Sayang, bigay ko sana lahat ng wish mo eh kaso ang layo ko sayo hehe
DRAKE said…
Shet, baka magkabirthday pa tayo yanie! Kainis Ayoko ng ganun!haha! Malapit na rin ang bday ko at pinapaalala ko lang sa iyo baka makalimutan ko, at heto nga pala ang ang ten wishes...... teka blog mo pala ito!hahah Okay saka na ako gagawa ng aking pangbirthday na entry

At scorpion ka pala, ibig sabihin nun MALIB......... malibangin kang tao. Kaya ka pala ganyan!

Okay ang wish ko para sa iyo ay....... sana hindi matupad ang mga wishes mo!hahahah joke lang!

Basta hiling ko lang yumaman ka! Dahil kapag yumaman ka, yayaman na rin ako dahil kikidnapin kita!heheh

Ingat lagi ang HEYPI HEYPI BERTDEY. Pacanton ka naman dyan!hahah
Dhianz said…
ate YANZ!!!! happy birthday!!!! naaliw naman akoh ditoh sa post moh.... medyo umeemo akoh eh... sabay nabasa koh toh... teka... kantahan muna kitah....

Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday dear ate yanz... Happy birthday to you.... *blow 'ur cake*... yey!!!... happy twenteen somethin' bday to yah... ahehe... tinamad tlgah mag-edit.. ayos.. *apir* tayoh dyan... ahehe...

trulalu... nde madaling ang gumawa nang walah... like sa work minsan.. nde madalign mag-pretend na may ginagawa... i think mas maraming effort yon than may ginagawa kah... haha... takte... hwag moh akong paemohin... kc narerealize koh ren an wala akong ginagawa... buti naman next year pa bday koh... lolz..

mahilig den akoh ate yanz sa organizer at diary... dong part nah un eh magkakasundo tayoh... bigyan sana kitah eh... kaso san koh papadala.. sa hangin... aheheh... tlgah naman magbibigay daw ohh... and hmm... orange roses... ayos ahh.... mga boyletz ni ate Yanz... now u guyz know at to give her... okz... nd hahaha.. world peace.. malufet!... and the 2009 ms. unverse is... *drumroll*... Ms. Yanie... yey!.. lolz... teka ate libre kitah nang roundtrip ticket sa pinas... pero isang condition... libre moh ren akoh nang roundtrip ticket sa pinas... haha... =) yeah.... sana dumating si genie para matupad ang mga wisher moh...

sori ha.. nanguletz lagn... emo tlgah akoh ngaun.. pero since bday moh eh... ilang minuto eh dehinz akoh eemo....

again... Happy Birthday to yah!... May u have more birthdayz to come and more Blessings from Him...*hugz*.. Godbless! -di
iya_khin said…
bertdey mo?! hapi bertdey!

naku dami mo namang wish list! burberry? meron ako nun kaso bigay lang din sa akin eh! ehehe!gusto mo ng perfume,chege pagsweldo ko (kelan kaya yun ipagdasal mo!) ilibre kita ng pabango dun sa Gift market sa sharjah yung 1 - 5 dhs kahit lima ibibili kita,tapos organizer meron din dun, yung mga chinese / korean pa,kasi dun ako bumili ng diary ko eh! oist wag mong ismallin yun ha mahal din yung 5 dhs..tsaka di naman mahalaga ang price dabah!? it's da tots dat kaunts! ehehe! enyweys...

ito seryoso na....pray ko makahanap kana agad ng work! yun yon! God bless!
Yien Yanz said…
VONFIRE: Salamat sa panlibre ng balot, grabe miss na miss ko na to eh, di ba pwedeng sponosoran mo na rin ang round trip ticket ko? lubus lubusin mo na hahaha... nga pala, kokolektahin ko na yun award ko sa blog mo sa susuond na entry ko ha, medyo mahal ang courier fee ngayon eh hahah! THANK YOU NGA PALA coz u consider my site worth reading, isa kang sinto sinto kapatid hahahah!

LORDCM: Naku naman may excuse ka pa, sige pupunta ako jan para kolektahin ko ang mga wishes ko hahaha!

DRAKE: Grabe, pareho pala tayong MALIB.... MALIBANGIN? As in birthday mo din? Kahit kelan naman gaya gaya ka talaga miski sa birthday! halika na dito at mag BEERDAY celebrate tayo! Isama mo na rin si KABLOGIE hahaha, at JEPOY. Thank you sa birthday wish mo, grabe ang sweet!! haha

DHIANZ: hahaha, salamat naman at naaliw kita, dipa ako nagsasayaw ng lagay na yan. I-YM ko na lang sayo ang address ko para maipadala mo ang regalo ko ha. Or bank account kaya. Magkakasya na ako sa isang milyon hahaha!... Miss ko na rin chikahan natin! hehe
DRAKE said…
Yanie dahil ayaw mo ng picture greetings, eh bigyan mo na lang ako sige na!

Basahin mo yung entry ko, nandun ang aking kaemohan!

Iintayin ko yan ah, at hindi pwede wala kang picture greeting sa akin!

Salamat! (parang kay bait ko ngayon??)

Ingat
Unknown said…
yanie, birds of the same feather flock together he hee!
Ken said…
Happy Birthday Yanie! hay, medyo may idea ako whats going on, pero thank you so much sa support sa PEBA. Di ko pa naaadd ang photo mo, tambak lagi ng work, pero today gagawin ko. Ingat! And bless you will have more!
Yien Yanz said…
IYA: Hahahaha, salamat sa pagiging thoughtful mo... Sabi nga nila its always the thought that counts hehehe. Kaya nga ako naging super specific na sa mga wishes ko eh hahahaha! Uy paramadam ka lolla, binigay ko number ko sa site mo, text ka naman

DRAKE: demanding ka kahit kelan, dika naman si Kris Aquino ah, pang Boy abunda lang ang beauty mo noh!

VON: Mismo kafatid, we go for the same birds hahahahahah!

MR THOUGTHS: hahahaha, wag niyo na pong pag aksayahan ang picture ko, sa ngayon wala pang value yan, mga next year na lang po siguro kasi maga-artista na ako hehehe, joke lang po.
Anonymous said…
kelan ba birthday mo? hehe..

HAPPY BIRTHDAY bago pa kita hindi mabati. sana hindi pa late un.

gusto ko din ng burberry classic. malapit na din ang bday ko eh.. weee!!
Kablogie said…
MAg bday ka din? Takte ah sabay ba kayo pinutok sa buho ni Drake? Eh ba kayo ang soul sistah este soulmate hehehe...

So anong balak ha? Ganun na lang ba yun? Walang Jollibee? hahahaah

Happy Beerday din! Cheers!
Dhianz said…
abah abah abah.. halos magkabday kayo ni kuya drake.. anogn meron?????.... tapos hangswit swit nyo pa sa isa't isa... nakanagn naman oo... magkatuluyan kayo nyan... weheheh...ate yanz!!! ahmissU *muwahugz*... HaPPY BIRTHDAY sa inyo ni kuya DRAKE! =) Godbless! -di