I asked my friend just a while back kung BAD ba ako. Coz he mentioned na hindi daw siya makakapag-chat sa akin dahil nga he’s busy packing the relief goods he's going to donate to Ondoy’s victims.
“Bakit parang napaka-apathetic ko? Sobra mong kina-career yan samantalang ako wala akong care-laloo? Am I such a BAD person?”
Sabi niya hindi naman daw. Malayo lang daw kasi ako kaya hindi ako masyadong affected sa mga nangyayari. Wala daw kasi akong first-hand encounter sa trahedyang nangyari kaya ganito ang pananaw ko. Or maybe dahil masyado daw akong abala sa ibang bagay kaya di ko napagtutuunan ng pansin ang mga nangyayari.
So okay, binigyan na niya ako ng excuse sa pagiging apathetic ko kahit na binabaha na ang email ko ng mga donation-drive, donate here and there... Wala kasi akong datungers ngayon kasi bayaran na naman kaya ng bahay, super ignore talaga muna ako to the maxxx… Siya siya, siyempre meron jan yung mga judgmental na magsasabing, “Wala daw pera, eh kabibili lang ng celphone?” Ahhm, sa maniwala kayo o hinde… binebenta ko napo yung celphone ko pramis… oo! Gusto mo bilhin? Sige PM me!
PERO… haba ng explanasssiyon ano? Excuse nga ba talaga yon?
Gaya na ba ito ng excuse na sinabi ni Jacque Bermejo na biktima siya ng internet hacking, fraud, impersonation? Well at least at this point nasagot na ang isang tanong na bumabagbag sa kalooban ko. And that is… If she really exists.
Honestly, talagang nag-effort akong patunayan kung totoo ngang may Jacque Bermejo. Dahil lumabas na nga ang issue na hindi naman daw siya ang nagsulat ng mga ganung comments chorva. At ayan, napagalitan ako ng amo dahil sobrang bothered ako sa issue na ito, nahuli niya akong tawag nang tawag sa telepono na kausap ang mga friends ko... to try ringing Jacque’s office phone number. Pero, unfortunately, I have to give up dahil bumigay na ang babaeng sagot ng sagot sa mga tawag. Napag-alaman ko rin na hindi lang pala ako ang tumatawag. (Babae = telephone number + answering machine)
I think mayroon nga talagang ipinanganak sa ganung pangalan at malakas talaga ang kutob kong nasa Dubai nga talaga siya. (Slow?) Kasi why would she bother releasing a statement on clearing whatever name she has (Grabe ang sikat niya huh?) It just means she is trying to either wash her hands over her mistake which she may not have realized to blow on to her face like this BIIGGGGGG OR maybe, just maybe, totoo nga talagang na-hack, or bogus ang account na yun. Si Jacque ang focus muna natin ha at hindi yung kung sino ang gumagawa nun sa kanya, if ever mang totoo.
Di naman ako masyadong apathetic. Concerned naman po ako sa mga bagay bagay, hence, this blog. In fact, eto nga’t kumakalkal na ako ng mga kung anik anik na pwede kong i-donate para sa victims back from our country. Kahit na alam kong magagalit sa akin ang nanay ko at sasabihing “Hay naku, mas marami kang kamag-anak na nangangailangan sa atin, sa kanila mo na lang ipadala yan” OR “Bakit mo ipapamigay yan, akin na lang.” Mga ganun. Pasensiya na kayo sa nanay ko, di niya alam ang magpaka-plastik minsan. Hehehe.
Anyway, stow-away, going back to Jacque. After I came to convincing myself that Ms Jacque Bermejo really exists… (dina nga ako magi-english baka masita pakow) then, the gray area came into the picture. Dito nagiging white ang mga gray areas ko sa buhay. Pumasok ang mga what-if’s at kung ano ang mga benefit-of-the-doubt theory na maia-aplay ko sa situation na ito.
Oo nanjan na yung nandito ako sa Dubai at baka akalain ng lahat na mata-pobre ang mga nandito. (Hindi naman, mga dalawa lang silang kakilala kong ganun dito.) Siyempre, natural lang din naman na murahin natin siya, foul naman kasi talaga ang sinabi niya kahit saang anggulo mo tignan diba? Anggulo ko ba?
I have a point, I hope I get to it… (kasi kung hindi eh mapapahaba lang ang post na to)
Ito ang one big-time WHAT-IF and BENEFIT-OF-THE-DOUBT application ko…
1. In this document and all internet sites, keyboard press [CTRL + H] OR [CTRL + F].
2. Type and search for “Jacque Bermejo”
3. REPLACE IT WITH: "Yanie"
Ngayon, palitan mo naman ang "Yanie" ng sarili mong pangalan at i-explain mo ngayon sa akin in 15,000 words, single spaced, font size 10... kung paano mo pa mababawi ang kung ano pa mang reputasyong meron ka…
Diko kilala si Jacque. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin niya tungkol dito. Dahil, whatever the truth is… Sirang sira na ang pangalan niya or in applying the WHAT-IF rule… AKO. Kaya ginagawa ko ito dahil paano kung sakin nangyari yun because of the doing of some sick,lowly, bastard?
And so to Ms Jacque Bermejo… HUMIHINGI PO AKO NG TAWAD SA INYO. Honestly, sincerely, really…
Sa pagjo-join ko sa Facebook to add up in tarnishing your name. In supporting the fury of most people who were deeply distressed about your alleged Facebook comments. NGUNIT dito sana malaman mo:
1. Na minura at ni-threaten ko rin ang buhay mo
2. Linait ko din ang mga English mo
2. Linait ko din ang mga English mo
3. Sumama ako sa mga taong itinakwil ka bilang Pilipino
4. Totoo ako, di ako gumagamit ng manlolokong account
5. At aaminin ko kung may mali ako.
4. Totoo ako, di ako gumagamit ng manlolokong account
5. At aaminin ko kung may mali ako.
Naniniwala kasi ako na mas pinagpapala ang mga mapagkumbaba at marunong tumanggap ng pagkakamali.
Di po ako nagmamalinis. Kasi kung magmamalinis ako, anong pinagka-iba ko kay QUOTE Jacque Bermejo UNQUOTE. Ako man kung minsan may mga complaints din sa attitude nating mga Pilipino.
Sige, sabihin mo sa akin ngayon kung di mo naranasan miski minsan lang ang mga na-experience ko sa baba. Sino bang walang complaints? Diba? Eh totoo naman … lalong lalo na dito sa Dubai, na
1. Mayayabang ang mga Pilipino. Ilang beses na ba akong nasupaladahan ng aking kapwa Pilipino sa restaurants, sa play pen areas, sa shops, dahil alam nilang kuripot ang pinoy. Hindi nagti-tip? (guilty your honor) Pag sa ibang lahi... todo sweetness and respect sa pagtawag ng "MADDAAAAMM" sabay pungay pungay ng mata at kembot ng puwet. Pero pag ako na ang kausap "Ay walang extend extend... 3 hours lang sila dito (referring to my kids)... KABAYAN... (uyy buti na lang tinawag akong Kabayan, hmmp.)
2. Ilang beses naba akong tinignan from head to foot ng isang kapwa ko Pilipino na naga-attend sa mga seminars na panay Puti ang attendees?
3. Inalipusta ng sarili kong Pinay na amo dahil feeling niya threat ako sa position niya (at sa boyfriend niya... yikkes)
4. Ipinagkanulo ng katrabaho kong Pinoy sa mga amo para pagmukhaing I am incompetent with my job at siya lang ang magaling?
2. Ilang beses naba akong tinignan from head to foot ng isang kapwa ko Pilipino na naga-attend sa mga seminars na panay Puti ang attendees?
3. Inalipusta ng sarili kong Pinay na amo dahil feeling niya threat ako sa position niya (at sa boyfriend niya... yikkes)
4. Ipinagkanulo ng katrabaho kong Pinoy sa mga amo para pagmukhaing I am incompetent with my job at siya lang ang magaling?
5. Sinupladahan porke may kotse siyang Hyundai na 2X3?
5. Ay naku marami pa akong complaints ano… Pero wala naman po yan kumpara sa mga complaints ko sa ibang lahi...
5. Ay naku marami pa akong complaints ano… Pero wala naman po yan kumpara sa mga complaints ko sa ibang lahi...
Pero I am putting my shoes into yours, Jacque… only with the stand that I have a better and more humane way of conveying my frustrations to my fellowmen and not demonstrate myself as a spotless, purest, sinless person.
This now becomes a charge and a battle to clear your name. Sure you still can do that, why not? Write? Este Right?
And you know, seriously, I am offering my help. Meron naman akong dalawang fans sa blogsite ko na to. Pero kung dimo ako trust... these other people can PROBABLY help fight your fight. WE CAN HELP YOU JACQUE BERMEJO…
So, we at KABLOGS are encouraging you to show yourself now… Give us your updates. Contact us. And we can help you clear your name.
YOUR INNOCENT NAME!
Comments
Pwede ka palang maging stalker!Kaya hinay hinay lang sa susunod! Dahil dyan magiging mabait na ako sa iyo dahil ayaw kitang makaaway!whahahhahaha
well all we can do, is look forward on that...isa din ako sa tumuligsa ke jacque, in fact nagpost pa ako ng hate post sa kanya...i think isa nga sa may galit sa kanya ang gumawa non...kase ikaw sa sarili mong facebook kakabit ng pangalan mo ang word na "babaeng tanga"...
to joined you and KABLOGS on your advocate to clear fellow filipina jacque bermejo i delete my post about her...
SCOFIELD: Thanks Scofield, for having a broad mind. gulat ako nagka-sense pala ang post ko at naintindihan ng ibang tao... hehehe.. Bottomline kasi niyan... mapatotoo man o hinde ang mga sinabi ni jacque... mahirap at magastos ang magpalit ng pangalan... pero mas lalong nakakasama ng loob kapag hindi naman talaga totoo diba?
MR. THOUGHTSKOTO: Actually, yung post po ninyo ang nag-drive sa akin to write this. aminin po kasi natin na ang nature ng tao eh magpaka-ipokrito... natural po ang mga naging reactions natin kay jacque... pero lagi po sana nating iisipin na paglipas ng bagyong Ondoy, lilipas din ang galit natin kay Jacque, ngunit si Jacque...
KABLOGIE: Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na nobelista akong mala JK Rowling? hahaha... abangan mo ang Book 2 ko nitong post nato hehehe!