Edward


Sobrang hapdi na naman ng mga mata ko. Ganito ang pakiramdam ko kapag
1. di ako naligo
2. nakababad sa higaan
3. nakatingin sa kawalan
4. galing sa iyak
5. limang libo at dalawang beses ko nang kinutkot ang mga mata ko

nakatitig ako sa laptop.
gusto kong tumayo.
gusto kong kumalikot ng kung anu ano.
pero pinili kong tumunganga.
gusto ko sanang mag-isip ng wala.
pero diko magawa.

_______

haaahh, ang ganda ganda mo. Diyan ka na naman sa parehong pwesto. kalkulado palagi ang galaw. same drinks. same expression... well, in fact, there's no expression in you at all. your face makes me ask about a lot of things. why are you so emotionless? Are you lonely? happy? aahhrrgghh... just vague expressionless face. mangkukulam ka ba? bat moko binibighani ng ganito? hindi ko naman gustong magtikol ngayon, pero pag nakikita kita, may kung anong bagay ang gustong kumawala?

__________

"I don't believe, you can always have the choice. may mga ibang factors kung bakit mo ginagawa ang mga bagay. and it's not always because that's what you want to do. For instance, I'm sure hindi mo choice ang maging mag-isa, pero you are alone... and you can not do anything about it."

"ewan ko"

pero ang nasa isip ko... "shit ka... ayaw kita!"

__________

Yosi...
_________

tatayo ka na naman. sa eksaktong oras kung kailan ko naisip na tatayo ka. pagmamasdan ko na naman ang pag pilantik ng iyong mga daliri sa pagtawag sa waiter para ibigay ang bill mo. at gaya na naman ng dati, gusto ko na ring tumayo. alalayan ka sa paglabas, tanungin ang pangalan mo... sabihin ang pangalan ko.

kaso, nasa entablado ako. may trabaho ako... at lagi mo namang itinataon ang pag-alis kapag kumakanta ako. pwede ka namang umalis kapag si rizza ang kumakanta. bakit kailangang kapag ako... saka ka naman aalis?

_______

Girl: Sorry but I'm not a prostitute.
Good looking man: Ow, I apologize
Me: Gusto mo munang mag-stay sa lobby?

pero muntik nang mabigkas ang katagang "gusto kong ipako ka sa kama... at hindi na pakawalan sa mga bisig ko
_______

Nokia tune.
May tumatawag sa celphone ko.
Si Marie.
Silent.
Hinayaan kong mag-ring.
Kinapa ko ang lapis sa ilalim ng aking unan. Hinalukay ko rin ang maliit na notebook.

May nakasulat na:

You are like the rose...

nabura ang You are... pinalitan ng you're nabura ulit ang you're

Budding in a desert...

sinulatan ng Em ang like.

blanko...

__________

"I'm singing this song for you. sana you will finally have the courage to voice out in melody the song you wanted her to hear... that is if she still comes back."

Yumuko ako. baka kasi isipin ng mga audience na ako ang tinutukoy ni rizza.
Pinikit pikit ang aking mata, nagwi-wish na sana pagdilat ko wala na ako sa stage.
Naramdaman kong uminit ang aking pisngi. sobra akong nahihiya.
By now i should already have the courage that I need. Performing in front of many people and all. Pero ayoko ng ganitong klase ng spotlight.

Pagbaba ni rizza sa stage, sasakalin ko siya hanggang sa maging sintunado na ang boses niya. At gaya na naman ng dati, babatukan lang ako at sasabihan ng "torpe"

______

Girl: Ows, talaga, you've been in the States?
Me: Oo.
Girl: Anong ginawa mo dun?
Me: Seaman. Naging captain ako ng GC.
Girl: anong GC?
Me: Garbage collection.
Girl: Hahaha!
Me: Pero isang buwan lang ako dun. Kasi nalaman ko na kung kapitan ka na, yun na ang pinakamataas na pwestong maabot mo. Wala ka nang pagpo-promotan. Dika naman pwedeng maging chef, or mag-iba ng linya pag nasa barko ka. Dun ka na lang. kaya umalis ako. Ayokong ma-stuck sa ganung trabaho.
Girl: Artist ka naman diba? Kahit na ano ang trabaho mo, lalabas at lalabas ang dunong mo sa musika. Maaring ma-stuck ka sa kung anu anong bagay ngunit pag alam mong may isang bagay kang gustong gusto mong gawin, di yun mawawala sayo. Hindi mawawala ang passion mo sa music. Lalabas at lalabas yan kahit na full time serial killer ka pa.
Me: Ewan ko

at wala talaga akong maisagot. blanko...

__________

Nabuo na ang kanta. tumigil na si marie sa pagtawag. tumayo na ako, naghilamos.

___________

Gabi gabi, inaabangan kong bumukas ang pinto at aasahang ikaw ang papasok. Ilang linggo na ang nakalipas, hindi ka pa rin bumabalik sa bar. lagi kong hanap ang mukha mo sa mga tao. Tagal na nung huling nagpunta ka. Nagsisimula na akong mag-alala.

Nung isang araw, pinalitan na si rizza bilang taga-kanta. ngunit wala ka pa rin. nasaan ka na? alam mo bang hinihintay kita?

_____

Mahal kita.

"Hindi pwede."

Bakit?

Walang sagot

"May nangyari na sa atin"

"So?"

"Mahal na mahal kita matagal na"

"Tanga!"

__________

Naputol ang string ng gitara. Inabot ko sa taas ng cabinet ang spare strings. May nahulog na notebook. Pinulot ko. Binasa ko ang naka-ipit na lumang resibo. sa likod nito nakasulat ang pangalan at number mo.

Yien 7158478

Marami pang papel ang naka-ipit.

___________

Dumating ka sa wakas. Bakit parang ngayon nababasa ko na ang lungkot sa mukha mo? Nanatili ka sa bar ng mas matagal kesa dati. Nakaka-rami ka na rin ng iniinom na alak ngunit hindi tulad ng dati. Ngunit gaya pa rin ng dati., tumatayo ka na naman sa gitna ng kanta ko.

Itinigil ko ang pagkanta at pag-gitara... Lahat ng taong abala sa pakikipag-kwentuhan ay natahimik, tumingin sa akin. Kita ko ang tanong sa kanilang mata. "Bakit ka tumigil?"

Di na ako nag-isip. Ibinaba ko ang gitara... Sa unang pagkakataon, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa bar.

Hinabol kita palabas ng pinto.

"Miss."

Tumingin ka sa akin. Nakita ko ang ngiti mo. Umakyat ang dugo sa mukha ko.

"Yien" ang sabi mo, pagkatapos kong tanungin ang pangalan mo.

Simula noon,
Sumigla na ang mundo ko.
Pumuwesto na ang katinuan ko.
May direksiyon na ang buhay ko.
May tunog na ang musika ko.

__________

"Hindi lahat ng bagay na gusto mo, naisip mo o napagplanuhan mo ay makukuha mo. Life is much more complicated than that. I have to go."

"Ewan ko"

Maalat ang luhang pumatak sa labi ko.

___________

Nasa kamay ko na naman ang litrato mo. Iniisip ko kung itutuloy ko na naman ang pagpapa-agos ng lawa ng kalungkutan sa aking mga mata.

Pikit. Mariin. Madilim. Kirot.

Iniwan mo ako, kasama ng isang tuyong bulaklak. Bulaklak na inaasahan kong hahalimuyak muli kapag nagkasama na tayo.

Iniwan mo ako kasama ng isang maligalig na musika. Musikang magkakaroon ng himig sa muli nating pagniniig.

Nasa taas ka na. Nandito pa lamang ako.

Hintayin moko, mahal ko.


.
.
.
.

Author's Note
*Sorry, diko alam gumawa ng love story na happy ending...
*Bella, (Dhi) Sorry din, dahil nagamit ko ang pangalan ng crush mo. :)

Comments

Kablogie said…
Grrr! Akala ko pa naman about Twilight Saga! ahahahah..pero okei lang mukhang mas cheezy ang story mo kesa Edward and Bella ahahaha
Yien Yanz said…
haha, na-disappoint ba kita sa kwento ko kablogie? no offense ha, pero i find twilight... ahhm,overrated! i just named my story that way to get attention... apparently, its not working haha! too bad :(
DRAKE said…
grabe akala ko nobela (pwede din nobena) itong binabasa ko!hahahah!

Hindi ka rin madaldal ho yanie!hahahah! Magpublish ka na rin tulad nila Melay! Nakalimutan ko nga palang ipromote ang book nila sa aking blog!

Kala ko kung sinong Edward yan yun pala yung bida ng TOILET (ito ang pagkakabigkas ni aling donisia sa Twilight)

Grabe!adik ka yanie hahaha
Yien Yanz said…
sige Drake, mag-unahan tayong mag-publish ng libro haha. Target mo next year hah? Ako next week...

WAg ka masyadong nakikibarkada kay Aling Dionisia, baka ka ma-dibilup!

Diko alam ang kinalaman ng kadaldalan ko sa kwentong ito? haha

DISCLAIMER lang po... ang istoryang ito ay product lang ng masalimuot kong imagination hehe...

Drake: Adik ka Yanie hahaha!
Yanie: I thank you... hahaha!
Noel Ablon said…
Galing ng story. Basta pinabilib mo ako. Basahin ko yung complete story later.
Ken said…
mukhang huli ako, or bitin or naguluhan, di ko masyado nagets, probably because i am too old. hahaha
Yien Yanz said…
NOEL: kakatuwa naman, napabilib na kaagad kita eh dimo pa nababasa pala yung buong story hehehehe

MR THOUGHTS: Isa po yata ito sa mga kwntong kailangang mong ulitin para maintindihan... diba parang sa pelikula? minsan inuulit para maintindihan? heheheh
Noel Ablon said…
Natapos ko na, maganda talaga siya kahit bitin hehe!
Yien Yanz said…
yeeehh, salamat naman Ka Noel... sana magka libro na rin ako gaya nila mela, eloi at ....

hehehe...

sorry ilalagay ko sanang drake pero baka maumsiyami kaya laterz na lang ahhaa!
Random Student said…
Ah love story pala. akala ko may crime scene sa dulo hehe. nice dialogues.
Yien Yanz said…
hehehe, thanks for dropping by... mukhang mahilig ka sa crime scene ah heheh!