The Next Dubai Supermodel ..... Yanie!

Nag-text sa akin si A nung isang araw. Nami-miss na daw niya ako. Bakit daw diko na siya dinadalaw. Nakiki-usap siya na dalawin ko naman daw siya…

Sumagot naman ako… Sabi ko everytime na titingin ako sa salamin, magsusuklay, maglalagay ng lotion, magpapalit papuntang opisina, siya ang laging nasa isip ko. Araw araw yun walang paltos. Pero kako, dipa muna ako makakadalaw dahil wala pa akong oras, masyado kasing busy ang schedule ko sa mga shootings.

Isang minute pagkatapos kong i-send ang text tumawag kaagad siya sa akin. Ayun nga nangangamusta kasi halos six months na rin nang huli kaming magkita at sobrang miss na miss na nga daw ako. Inulit ko naman ang mga sinabi ko sa text.

“Hanukaba, lika na lang dito dali. Gusto lang talaga kitang makita at alam mo na, mapagsilbihan kahit papano. Nami-miss na rin kasi talaga kita.” Sabi niya.

“O siya sige, mahirap naman kung tatanggihan kita, namimilit ka eh” Sagot ko na lang.

Ang sarap namang pakinggan ang mga ganitong kataga galing sa mga kaibigan. May mga handang ibuwis ang kanilang buhay para lang makasama ka.

Ziiiitttt (rewind)... eto talaga ang totoong kwento jan…

Nag-text sa akin si A nung isang araw. Nami-miss na daw niya ako. Bakit daw diko na siya dinadalaw. Nakiki-usap siya na dalawin ko naman daw siya…

Sumagot naman ako… Sabi ko everytime na titingin ako sa salamin, magsusuklay, maglalagay ng lotion, magpapalit papuntang opisina, siya ang laging nasa isip ko. Araw araw yun walang paltos. Pero kako, dipa muna ako makakadalaw dahil wala pa akong datungers para magpakita sa kanya.

Isang minute lang pagkatapos kong i-send ang text tumawag kaagad siya sa akin. Ayun nga nangangamusta kasi halos six months na rin nang huli kaming magkita at sobrang miss na miss na nga daw ako. Inulit ko naman ang sinabi ko at at inemphasize na tag-krisis ngayon kaya kung pwede eh tigil tigilan niya muna ako.

“Hanukaba, lika na lang dito dali. Di naman importate ang datungers. Eh di bayaran mo na lang ako sa next na sweldo mo. Basta halika na dito dahil matagal ka na naming hindi naaayusan. Kamusta na ba yang kilay mo? I’m sure sobrang kapal na naman niyan at malapit mo nang maging kamukha si...(may sinabi siyang pangalan pero diko na matandaan, pero I'm sure pangit yung sinabi niyang yun). Yang buhok mo, freezy na yan, six months na nung nagpa-rebond ka dito. Nung huling punta mo rito ang dami mong pimples ineng… kamusta naba yan???" may halong pangungutya ang mga tinuran niyang yon.

Gusto ko pa sanang tumanggi… pero wala na akong kawala kasi pauutangin daw ako eh. Ngayon pilit kong hinahanapan ng rason kung bakit ako tinatawagan at pinipilit na magpa-parlor .

Naisip ko… siguro dahil pala-kaibigan lang talaga ako or baka naman galante kasi akong mag tip. Pwede rin namang di ma-take ng konsensiya nilang isipin na ganito ang hitsura kong gagala-gala sa lansangan kaya kailangan nila akong gawan ng paraan.

Dahil nga sobrang mabili ang fezlak ko dito sa Dubai at sobra talaga akong pala-kaibigan, yung huling parlor na pinupuntahan ko eh kinuha akong maging model sa salon nila. Pero malaking gulo ang nangyari. Dinemanda ko sila ngayon sa kasong defamation of dignity, kasi ganito ang kinalabasan ng signage sa salon…









LECHE!!! mas gwapo naman ako jan no!!!!
I belong to the minor age and this is a sensitive case so I have to protect my true identity.



Kaya naman nung sumunod na may nag-offer, eh pinatulan ko pa rin, mahirap naman kapag di ma-expose ang beauty nating tunay… kaya para siguradong di lang ako ang mapapahiya eh isinama ko na ang BFF ko…



Ahhmmm, pasintabi na lang po sa pangalan… diko natanggihan ang laki ng offer eh…

Comments

tsenn` said…
base?? ahehe
kwela hahaha
gudmorning po :) *1am na dito*
aadd po kita sa knots ko,
di ko lng mtandaan kung naadd na po kita hehe
apir times ten! :D
Hari ng sablay said…
anak ng!haha bul bul,haha bat tinatakpan mo mata mo?hehe
Yien Yanz said…
@TSENN: Uu nga TSENN, 1AM na jan pero gising ka pa rin at may pasok ka pa bukas, unless sa call centre ka rin naka-base? hehe, thanks sa pakikipagkulitan sakin.. mukha ngang dimo pa ako naa-add!! add mona ko bilis hahaha (nag demand?)

@HARI: tinakpan ko mata ko kasi nasa kontrata kong diko dapat i-expose muna ang fezlak ko... hahaha, saka na lang daw kapag na-develop na yung fictorial nyyahahah!!!
DRAKE said…
Naks patay tayo sa piktyur, akala ko mug shot yan! Ganyan ganyan ang nakikita kong mgha piktyur sa presinto tapos may nakalagay na WANTED sa ibaba!hahahah
Anonymous said…
wahahaha! panalo ang picture na to!! ang kulet nyo ng BFF mo. haha!
Superjaid said…
waah!sagwa ng pangalan ng parlor, hahaha Ü
Dhianz said…
may post kah palah.. ba't nde koh napansin... tsk!... babalik ate Yanie at eepal kokomentz nang bonggang bongga... laterz =)
Dhianz said…
okei... di koh natiis.. nagbasa akoh.. hehe... aliw naman akoh magkuwento kah... parang sarap moh ren lang ka-hang out... tara... nde kitah pauutangin ate Yanie.. libre kitah.. naks... teka "love guru" sabihin mo muna saken kelan kme magkikita nang edward koh.. haha... tiga-Dubai ka ren tulad nila sis Jee, sis Azel, Sis jenskee, Batman at marami pang iba.. ahwonder kugn magkakakilala kayo... ganda dyan sa Dubai devah? 'la lang sa mga movies lang nilah.. johnlloyd, nila Aga at iba pah devah.. sana one day makapamasyal den dyan... sige hanggang sa muling chikahan.. ingatz... *hugz* Godbless! -di
Kablogie said…
Meron din BulBul Restaurant dito sa Qatar hahaha..Kumain nga ako ng pancit Bulbul lols!
Yien Yanz said…
@DRAKE: Wag kang atat, ipo-post ko din yung mug shot ko soon wehehe!

@CHIKLETZ: Salamat sa pakikipag-kulitan, gawain namin yan, gumagala sa gabi at nagfi-fictorial habang parang lasing sa daan sa katatawa...

@SUPERJAID:Marami pang mas masagwa jan, mejo hulsam kasi tong sayt ko kaya di pedeng i-post dito

@DHIANZ:Trulalu libre moko?? yeeey, basta libre mabilis pako sa ala-una ng madaling araw hehehe...
Pero "love guru" ako kapatid di ako manghuhula, hahaha, pero may kakilala ako, irerekomenda kita para malaman kung kelan dadating ang edward... pero ang kailangan niya atang malaman eh ang numero mo, hindi birthday, numer ng credit card... hahahaha, joke lang!!! Uu tiga dubai din ako, pero dito ko lang sa blog-world na-meet sina Jee, etc... Di naman maganda dito sa Dubai, kalokohan yung pinanood niyo hahaha!!

@KABLOGIE: Hehehe, meron din ba kayong Al Fuqei Trading at Ghantoot na lugar jan?
Anonymous said…
@yanie: normal na lang ang ganyan sa mga middle east o sa saudi, 2ble meaning na name at aliw na aliw sila naman ang mga pinoy sa mga ganun hahaha (pati ata ako)

nakakatakot magpagupit sa barbero dun sa taas ahh :)
JΣšï said…
amf!
natawa ako! lolz!
ang kulet nyo. hehehe...
lakas ng trip e! nyahahaha!!

nasa dubai ka din dba? ndi ko kase matandaan kung nabanggit mo saken ung place mo o ndi...hehehehe...
Yien Yanz said…
@ANTHONY: Hehe, uu, normal na lang ang mga ganyang pangalan dito... kakaloka nga minsa, lalo na pag nagpo-post ka ng Wanted... Bed Spacer... naku... hahalakhak ka sa kung anu anong spelling nila...

@JEE: Teka, ano ang ang amf?? haha..., uu mga adik kami dito sa dubai, dimo pa ba nakikita yang mga ads ko sa billboards? hahaha... tiga al-ghusais kami...

tsalamat sa pagdaan!
JΣšï said…
kaya naman pala ndi ko nakikita yan kase nasa al ghusais ka...nasa bur dubai ako e! malayo...hehehe...
Yien Yanz said…
Yung barber shop sa satwa yun, tapat ng bus station... yun namang Bulbul shop, nasa kaloob-looban ng bur dubai doon sa tapat yan ng abra station hehehe...
Rico De Buco said…
hahaha astig may pagka conservative tlg ang mga arabyano hanu..hehehe
Kablogie said…
Wala..Bulbul restaurant lang hahaha!
Jepoy said…
Ang kulit ng name! Bul Bul lolz
Jepoy said…
Ang Kulit ng name BUl Bul LoLz
Dhianz said…
puwedeng patawa ditoh.. as in hahahah... graveh... natawa akohs sa hiritz moh... alam moh 'ung tawang walang tunog ate... ahehe.. 'la lang... ngiting ngiti pa ren lola moh... *apir* ngah tayoh dyan... panalo sa mga hiritz... naks.. mabilis pa sa ala-una nang madaling araw gandang hiritz... 'la lang naaliw lang akoh... hihiritz koh ren yan minsan.. ahehe.. teka.. hahaha.. 'la lang.. wehe... credit card number bah.. etoh... **** **** **** 1437 ahehehe... exp. date 09/09 last three security digit at the back of the card 752 ayanz... hulaan moh na kelan darating si edward koh... ahahaha.. sakit na panga koh.. lolz.. teka akoh lang naman tawa nagn tawa ditoh ah.. sisa eh noh!.. laterz ate Yanie.. salamat sa libreng tawa...

nagmamahal,
Bella

ahehehe... pagbigyan moh na lola moh... =)
Yien Yanz said…
@RICO: hahha, oo sobrang conservative ang mga arabyano laswa naman ng mga pangalan ng shops, madami pa dito niyan.

@KABLOGIE: Ini-imagine ko naman kung anong feeling ng kumain sa bulbul restaurant. anu na nga ba kinain mo? yung noodles?? hahaha

@JEPOY: Mas makulit ka sa totoong buhay hahaha

@DHIANZ: ingat sa pagtawa ng walang tunog ha.. lam mo na... hahaha, lika gib me payb! *apir*. talagang pati security number sa back ng card binigay mo hahaha, pwede!!! Adik ka talaga! nyyahaha!
Jag said…
Wahahaha! adik! ano ba kasi ibig sabihin ng bulbul na yan? jijiji