Juana Tamad

Ito ang laging introduction ng isang writer na hindi makapag-sulat.

“Kanina pa ako nakatingin sa isang blangkong screen”

Para naman sa walang computer “Kanina pa ako nakatitig sa aking blankong papel”

At pagkatapos non, ide-describe na nila kung anong nasa harapan nila… kung ano ang mga naiisip... maya maya dina nila namamalayan napupuno na pala nila ang screen/papel nila.

Sa kaso ko naman, andami kong gustong isulat. Pero kung bakit ambigat ng kamay kong mag-type ng nasa isip ko. Kanina pa kasi ako naiirita dito sa diko matanggal na tinga na nakasiksik sa aking ngipin. Naisip kong mag tooth brush muna at mag floss bago magsulat, kaso, mag type na nga lang tinatamad na ako eh, ang tumayo pa kaya para mag-toothbrush?

Stop…

Tingin sa screen.

Basahin ang mga naisulat na.

Kamot ng tuhod.

Balik sa pagkutkot ng tinga.

Edit.

Yawn. (sorry di ako sigurado sa tagalog nito eh, hikab ang nasa isip ko… tama ba?)

Sabi kasi nila kung wala ka raw maisip isulat… (in other words eh may writer’s block ka). Isulat mo lang daw nang isulat lahat ng iluwa ng utak mo, mapa with sense o non-sense man ito.

Buti pa sa ganitong sitwasyon eh may solusyon. Eh paano naman kapag nag-uunahan ang mga ideya sa utak mo pero tinatamad kang buhatin ang mga daliri mo para mag-umpisang torturin ang mga keyboards? May solusyon ba sa katamaran?

Haaisstt… Makapag-blog hopping na nga muna…

Comments

reya said…
yeeeehhhhaaaa!!!
Ang ideyang di makalabas sa utak, parang tinga na nakasisik sa pagitan ng membrane, brain cells, dugo, utak, at sipon sa loob ng utak.
DRAKE said…
Esh Shada Yanie,di kasi ako naniniwala sa writer's block eh, katamaran oo.

Ang solusyon sa katamaran;

1.Manood ng TV
2. Mangulangot
3.Kutkutin ang natitiyong sugat
4.Kalikutin ang pusod
5. Amuyin ito
6. Kumain ng Choki choki
7. Tikman ang betsin at ipaliwanag ang lasa nito
8. Isipin kung paano nailuluwa ni Darna ang bato
9. Tumawag sa Bomb Squad sabihin may bomba sa building then pagkadating sabihin WOW MALI O YARI KA!
10. Magsulat ng Juana Tamad ang Title

hahahahhahaha!! Isang entry na rin ito ah!
Yien Yanz said…
REYA: nyyheehaww talaga reya... nakaka-buraot ang ganun... nakaka-irita!

DRAKE: may pang 11 ako: tatawag ako jan sa SA, kaka-chikahin ko yung boss mo at sasabihin kong wala kang ginagawa sa opisina kundi mag-blog ng mga kabulastugan... nyahaha! at ise-send ko sa kanya ang link ng blogsite mo, with translation!