Blast from the Blogs!


Kahapon, habang sinusulat ko ang post na Juana Tamad, ako’y naka-pink na kamiseta, naka blue na shorts, naka-kagat ng toothpick (gamit sa pangungukot ng aking tinga), nakataas ang paa sa upuan at naka-full volume ng kanta.

Ngayon, ganito na naman ang hitsura ko. (owehno ngayon kung di ako nagpapalit ng damit? mahirap kayang maglaba? tsaka pinalitan ko naman ang tutpik no!)

Ang kaibahan lang naka-salamin na ako ngayon. Weekend kasi at alam kong puyatan na naman ito hanggang alas tres ng madaling araw. (Ang kinalaman ng salamin sa pagtulog ay sa susunod na blog ko na lang ipapaliwanag.)

Sabi ko sa sarili ko... (nakakahiligan ko talagang kausapin ang sarili ko), magpo-post ako ngayon ng makabuluhang entry para sa blogsite ko. Medyo napansin ko kasing marami na ang pumapansin sakin, (pero dulot din ito ng puspusan kong pagpapansin talaga… KSP kasi ako) kaya medyo nakakaramdam na ako ng pressure sa quality ng sinusulat ko (nakss!).

Kaso mukhang di na naman ako magiging successful neto. Una, kasi di na lang tinga ang nang-iirita sa kin ngayon, kasama na rin ang nanay kong ayaw akong tantanan sa kapipilit na bunutin ang kanyang mga uban (ganyan ka-adik ang nanay ko… alas diyes ng gabi magpapa-uban). Pangalawa, wala kaming TV ngayon kaya ang mga junakis ko eh segu-segundo kung humingi ng pagkain, pabalik balik tuloy ako sa fridge at pangatlo eh medyo di ako nagkakanda-ugaga sa kaba-blog hopping. At dito ko nga napag-alaman na para pala akong isang spider na nawala sa sapot.

Nung una, ang kaibigan ko lang dito sa blogosphere eh si Drake dahil nakakasama ko siya sa isang site kung saan ako mas naging confident na magsulat. (Filipino Writer). Feeling ko medyo matagal na rin akong nagba-blog (mga 30 years na ... hehe). Sa Friendster site ko pa lang marami na akong naisusulat pero nung nauso ang Facebook napabayaan ko na rin ang blog site ko dun. Itong blogsite ko na to eh December last year ko pa inopen… and it was primarily for my own consumption lang talaga. Kaya lahat ng mga sikreto ko eh dito ko sinusulat (hahaha sikreto ko pero naka-live feed to the whole wide universe). Medyo nagsawa ako sa pag-iisa kaya binulatlat ko ang blogsite ni Pareng Drake (bayaran moko Drake nakakarami ka nang ads dito sa site ko ha) at dito na nga ako namulat sa katotohanang di pala ako mag-isa sa mundong ganito at ang blogging pala is meant to be read by people. (Kasi kailangan talagang may mag-comment nyehehe)

Salamat sa PEBA at Kablogs, dito ko kasi nakita ang lawak ng mundong ito at sa totoo lang nalula talaga ako... (aktwali, na-engganyo lang ako sa mga awards kaya ako nagpapansin dun hahaha, joke lang) feeling ko ngayon para akong si Brendan Fraser sa movie na Blast from the Past na nakalabas sa isang mundo… manghang mangha at parang tanga na nakikipag kaibigan sa mga bloggers, dinagdagan ang utang sa credit card para sa feedjit-whatever-na-yan, dagdag ng dagdag ng kung anu anong gadget dahil lamang sa kagustuhang mabigyan ng saysay ang ka-adikang ito. Sana naman eh magtagumpay ako...

Siya sige na muna at anjan na naman si Ina, nakaduldol na naman sa mukha ko ang tsani niya.


Comments

DRAKE said…
Waahhhhhhhhhhhahahaa! Salamat sa pagbanggit sa aking pangalan, dahil dyan may KISS ka sa akin,hahahah! Alam mo late lang din ako namulat sa blogging, at naisip ko sayang din yung mga sinusulat natin kung hindi natin lalawakan ang ating mundo.

Sa huli maiisip mo hindi ka pala nag-iisa kasi ang dami rin palang may saltik ang mga ulo.hehhehe!

At dahil ako pala ang naging daan dyan, ilibre mo ako pag-uwi natin.hahaha
tsenn` said…
ahihi naaliw ako :D
hi po ^_^
Yien Yanz said…
@TSENN: Hellu tsenn! katuwa naman at naaliw ka sa mga nonsense ko sa buhay... mas kakatuwa yung ganun dahil walang effort from my end hehe...

@DRAKE: Abah?? at san ka naman nakakita ng ako na nga ang nag-promote, ako pa ang manlilibre... and worst ako pa ang iki-KISS??
Ayucckoo!! gusto ko ako mag-KISS (para unlimited)hahahah!!! (*wink*)
Oo nga Drake, mahirap naman kung konti lang ang maabot ng kabulastugan mo... Dapat talaga eh humayo ka kapatid at maghasik pa ng lagimmm... suportahan taka bwwahaha!