Alabyu...

sa tingin ko medyo matanda na ako para malaman kung gaano kabigat ang responsibility na nakaatang sa tatlong salitang ito. para sa akin, hindi ito ang klase ng mga salitang pwede mo lang i-take for granted at babawiin kung hindi mo feel. Hindi ito parang kanin na kapag napaso ka eh pwede mo na lang iluwa o kundi kaya isang kwento na binubuo mo at kapag ayaw mo ng ending eh pwede mo lang ibahin, o isang telenobela na palaging aabang abangan ang kalalabasan...

Oo, may responsibilidad ka kapag sinabi mo ito sa isang tao. Di ko patatawarin ang excuses na I just said it coz I have to or just because you did not want to hurt someone's feeling. I believe you get bounded when you say those words. Now, now... I know that this argument is of course more complicated than my angsts... I also believe that the middle word entails a lot of chuvaness. And these chuvanesses will eventually end which makes you un-feel the meaning of it.

alam niyo ba na hirap na hirap akong magsabi ng 3 words na to ngayon???

una... bakit hirap akong magsabi sa nanay ko ng ganun? mahal na mahal ko ang nanay ko no doubt about it. well maybe there is a bit, kasi nga diko nasasabi. pero di kasi kami nasanay na magpakita ng love and affection let alone to say it in words. excuse na ba yun? ewan basta ganun, di kami sanay, pero sanay kaming mag-away, mag-sigawan at mag-bangayan. kung papipiliin mo ako, mas gusto kong araw araw na sabihin sa kanya na mahal ko siya... "Ma, I love you" at may kasama pang "You are the best, promise, di kita binobola". Nalulungkot ako everytime na maiisip kong iiwanan na niya kami... ang kaso nga diko direct na masabi sa kanya yun, maybe one time kapag malapit na siyang umalis at tinutulungan ko siyang mag-impake ng mga damit niya, baka masabi ko yun. Excuse na bang sabihin kong di ako sanay magpakita sa kanya ng ganitong ka-feelingan na para bang daig ko pa yata ang magno-nose bleed kapag nag-umpisa akong umek-ek ng ganito sa harapan niya... ? everytime na sinisigawan niya ako at parang wala na akong nagawang tama sa buhay ko eh parang ang gusto ko laging isagot sa kanya "I love you too, Ma" at paninindigan ko ang anumang responsibilidad na nakaatang sa mga katagang yun... pero ang kakainis, di ako sanay at para bang, mangungulay talong ako sa hiya kapag sinabi ko sa kanya yun... kaya parang mas naging madali na lang sa akin ang makipag sigawan rin lalo na kapag pinapagalitan niya ako na di naman daw talaga ako ang pinapagalitan niya... haaayyy.... ibig sabihin na ba nun diko siya lab???

pero ang ate ko, nasasabihan ko siya ng ganun... malamang kasi nga dahil magkalayo kami at di naman namin nakikita ang magagandang fez namin pag naga-aylabyuhan kami. lalong lalo na kapag umuutang ako sa kanya sobrang lab na lab ko talaga siya at lagi kong ine-emphasize yun. ang problema hindi yata mutual ang feelings namin sa isa't isa hehehe. kasi pag sinasabihan ko siya ng manang, i miss you, manang, kamusta ka na? manang, alabyu... ang isasagot niya sa akin eh "wala akong pera!!!". Pero kahit na ganun di man niya ako pautangin lab ko pa rin naman siya. Naisip ko tuloy siguro talagang mas magiging expressive ka ng love mo sa isang tao kapag dimo siya nakikita. Naisip ko rin na lesser ang responsibility kapag malayo, kapag dimo feel magpakita ng love okay lang, no pressure.. meganun diba? Pero ang totoo niyan, natutunan kong ma-aapreciate ang mga mahal ko sa buhay kapag malayo sila sa akin. If I'd be given the choice, sasabihin ko yun palagi sa mga taong mahal ko. nang walang hiya hiya... at nang nasa harapan ko sila.

kaya naman, ito ang itinuturo ko sa mga anak ko ngayon. ang wag mahihiyang sabihin ang 3 words na yun. naiiyak ako everytime na sasabihan ako ng anak ko ng ganun, kahit na di ako ang mauunang magsasabi. na kahit kagagaling ko lang sa sermon sa kanila, bigla nilang sasabihing, "Mommy, do you know that I love you very much?" believe me, kaya spoiled yang mga batang yan dahil alam nila ang weakness ko... ang masabihan ng i love you. alam din nila na super akong magtampo kapag naga-iloveyou ako sa kanila tapos di nila ako pinapansin. kapag diko na sila iniimik... alam nilang ung 3 words lang na yun ang makakapagpalambot sa kin. ang sarap kapag galing sa mga anak mo na makukulit ang mga katagang ganito... kaya dapat nga talaga matutunan kong sabihin ito sa aking ina... dahil alam ko ang feeling... yaan niyo, misyon ko yan sa buhay.

sa totoo lang hindi na ako masyadong nakakarinig ng 3 words na yan kay hubby. pareho kasi kami eh, we take those words so seriously. di namin sinasabi kapag di namin feel. although mas mabuti sana kung lagi mo paring sinasabi. kaya lang nakaka-inis naman kapag sabi ka ng sabi ng ganun tapos sagot naman ng sagot na out of obligation lang diba??? mahirap kapag dimo talaga feel. yun bang for example, kausap mo siya sa phone, tapos pagkatapos ng usapan niyo, siyempre maga-i-love-you sa last, na parang automatic na yun ang sasabihin niyo sa isa't isa... ikaw anong mafi-feel mo kung ikaw yun? minsan nakakainis pa kasi, kung off-guard ka at may kausap kang iba, example friend mo, tapos nasanay kang bago mo ibaba ang phone eh maga-i-love-you ka, ano kaya sa tingin mo ang isasagot nung nasa kabilang linya, hahahah (u make me lap)??? ewan ko if i'm making any sense here.

but anyway, minsan alam niyo ba, nasabihan ako ng i-love-you ng isang taong (okay di hubby ko, di nanay ko, diko naman friend... at okay, okay may malisya dito, shhh!!! kayo lang nakakaalam nito, pero matagal na yun ha!) oo noon lab ko pero nung nagkita kami ulit siyempre dina ganun ka-lab kasi matagal na yun... hellow, natawa ako??? at talagang pinagtawanan ko siya hahahah, ayan natatawa pa rin ako... ganun... kaya ko naisip na ang paga-iloveyou ay hindi dapat basta basta na lang sinasabi. dapat feel mo yun at dapat mong panindigan. mas mabuti yung wag mo na lang sabihin kung dika naman sure diba? mahirap kasi ang maghold-on sa ganitong mga bagay eh. at mahirap ang nakaatang na responsibildad dito. kaya ayan tuloy andaming babies ang lumalabas dahil lang sa 3 words nato.

on the other hand, nagkaron naman ng time, na superr, wala na akong ibang gustong sabihin at iparating kundi ang 3 words na to sa taong minahal ko, ang kaso, nalagot... nagsawa, nasuka... wala pa rin akong gustong sabihin sa kanya kundi yun pero parang unwanted drug na na dina matanggap ng katawan niya, kaya wala kong magawa kundi i-lessen or better yet, i-purge ang supply... (sorry, epekto yata ito ng mafia wars)

oopppss... just being true and expressive here. bato bato sa langit, ang tamaan... ehhh kasi naman tao lang!!!

Comments

Ilyana said…
Mare, buti di mo pino post ang ibang blog mo dito sa FW?