A Typical Fighting Scene in Wanna-Be-Drew-Barrymore’s Wansapanataym Life

Kaninang umaga, nagising si Drew ng alas sais, feeling niya maganda ang mood niya ngayon kahit na nasa background ang mala-zha zha zaturnang boses ng kanyang mader dear. So pagkatapos niyang magpunas ng laway, direcho na sa bathroom at naligo.. Dina ide-detalye ang scene nato, abangan na lang ang CD's at links sa internet). Ito ang araw na nakapag desisyon na si Drew tungkol sa isang bagay na matagal na niyang pinagi-isipan... Ang tanggapin ang proposal na mging number 2 ni Nicholas Cage...

But eniweys hindi ito ang istorya... focus tayo sa talagang istorya... pagkatapos ng mga rikititos sa umagang yon, 7:30 na, medyo maaga pa, 8:30 kasi ang pasok niya sa opisina. Pumindot ang Drew ng G sa elebeytor. "Hay naku" ang nasa isip niya "naiwan na naman ang siyoho ng amoy ni Kadir dito sa lip (lift)" Si Kadir po ay ang watchman sa building. Paglabas niya sa lip, dumirecho ito sa parking lot.
Lumaki ang mata ng lola dahil wala ang Range Rover niya sa spot na pinark-an niya kagabi. But enyweys, di naman masyadong lumaki ang kanyang mata kasi natakpan lang pala iyon ng isa pang car... FJ Cruiser na kulay yellow, kaya ayun.

Ngunit, subalit, datapwat... may lumaki ulit... hindi na ang mata niya kundi ang ilong niya this time, with kasamang usok to the side kasi nakita niyang may naka-block na isang mitsubishi lancer sa kanyang Range Rover. Uminit ang ulo ni Drew. Inikot ikot niya ang sasakyan, baka sakaling nag-iwan ng mobile number para matawagan in case of need, you know... Abah wala... May mga resibo lang sa loob at panay newspaper na nakalatag sa floor ng kanyang kotse. Wattudu? Wattudu? Tinawagan niya ang Diamond Lease Rent-A-Car kasi apparently, the car was just rented from this company. Ang sabi ng voice message, the office is closed right now, chuva chenes and all. Alas otso pa daw nagbubukas ang opisina nila. For other inquiries, tawag daw sa ibang number. Dial naman kaagad ang Drew-ha, pero walang sumasagot. Kaya hayan, while on the phone trying to reach whoever can help with her life and death situation, nag-iisip na ang Drew-ha ng sasabihin niya kapag lumabas ang may ari ng sasakyan...

"What the hell is this?"

"Do you own this parking lot? hah???"

At the back of her mind, nagpa-praktis na ang lola sa sasabihin niya sa may-ari ng Mitsubishi Lancer na yun... Abah matawagan na nga ang police...

Dial 999. "Azalamhekoaje, zaw hkllea wikej?" Sabi ng arabo sa kabilang linya.

"Hello, English" ang sagot ni Drew

"Yes English" sabi ng police sa line.

"I need your assistance on something. Someone has blocked my car in the parking lot. I can not go out, can you please help me in getting the number of the owner of this car?"

"Okay, please dial 800-8888, they will help you"

Ayan dial na naman ng number si lola.

Dial 800-8888. "Azalamhekoaje, zaw hkllea wikej?" Sabi ulit ng arabo sa kabilang linya.

"Hello, English" ang sagot ulit ni Drew

"Yes English" sagot din ulit

"I need your assistance on something. Someone has blocked my car in the parking lot. I can not go out, can you please help me in getting the number of the owner of this car?"

"Okay please hold…"

Naka hold si Drew sa line.
.
.
.
.

Naka hold pa rin, 20 years na ang lumipas...

Nung ika 25th year, nag-iisip na naman ang Drew ng iba pa niyang sasabihin kapag lumabas ang may-ari ng sasakyan.

"Are you blind? Did you know someone is parked here?"

"Did you even realize that you wasted 30 years of my precious time?"

"You are the most insensitive person I've seen in this planet"

"You are a very inconsiderate and irresponsible person"

"You do not realize the trouble you make to other people. You should not do this. I can not let go of this. You should be sentenced to life imprisonment for this!!!"

28 years na naka-hold pa rin ang imbiyernang gurla-loo sa phone.

Nung pagpatak ng 31st year, may isang payatot na indiyanong lalake ang lumabas sa lobby ng building. Ihinanda na ni Drew ang sarili sa pagduduro at pag-papaksiyet sa indiyanong paparating.

Ayyyyy!!! magtatapon lang pala ng basura. Akala ni Drew eh siya na ang may-ari ng car.

Kasunod ng Indiyano ay isa namang Pilipino, medyo mahaba ang buhok, may balbas sa baba, naka polo ng heaven-blue.. (hehehe… heaven blue), naka back pack at makinis ang balat (anong kinalaman ng kinis ng balat dun). Nakatingin siya kay Drew.

Napalaki ang isang mata ni Drew. Ibinaba ang phone sabay tanong ng “Kabayan sasakyan mo ba to?”

“Oo, kabayan…”

“Naku, late na kasi ako sa opisina” pa tweetums pa tong lukaret na to!

“Pasensiya ka na ha, ito ba ang sasakyan mo” Sabay turo sa jaguar ni Drew.. este Range Rover pala.

“Oo” sagot naman ng Drew-ha.

“Pasensiya na ulit hah”

Dina sumagot si Drew. Malay ba niyang Pilipino pala ang may-ari nun? Eh ang mga naka-ready niyang dialogue eh English???? Hhhmpppf!!!!

Buwisitiitt!! BURAOT!!! Sabay harurot ng kanyang KIA Pride….

Comments