Some more lessons I am still learning in life - Part 3

1. WOW MALI. Mahirap aminin at tanggapin na mali ka...

2. LISTEN. Learn to listen. Sa isang diskusyon, natuto akong manginig... este makinig... at natuto rin akong tumanggap ng rason. Kasi hindi palaging ako ang tama... Dahil kung hindi ko gagawin ito, baka mabalik ako sa lesson number 1.

3. INFANT. Ngayon kung sa isang diskusyon ay nakinig ka nang mabuti at naniniwala ka pa ring tama ka, puwes ituring mo na lang na ang kadiskusyon mo ay isang baby... Baby na nanghihingi ng lollipop...

4. GENIUS. Mahirap maging henyo. Either mamamatay kang bata o tatanda kang baliw. Kaya nga di ako nag-pursue sa career na ito eh, ayan matandang baliw na ako...

5. DEADLINE. Lahat... as in lahat ng bagay ay may DEADLINE!!!

6. LOST & LOSER. At an average life span of 50, at some point, you'll get lost, or become a loser.

7. UMALIS AT MAIWAN. Hindi ko pa rin alam ang mas masakit sa dalawa... ang maiwan o ang umalis pero dimo magawa...

8. HIGH. Napakaraming ibig sabihin ng "haaaay..."

9. BUBBLE WRAP. I learned to bubble wrap myself. You can prick every bubble of my patience, I am still protected and you are not. Mas mahirap ang daan papuntang Balik-balik...

10. UTANG NA LOOB. Bakit kaya mahirap bayaran ang utang na loob? kaya ako dapat palaging CA$$$HH... para walang samaan ng loob...

Panay lamang loob ang nakain ko ngayong araw nato!!!

Comments