Kung Lalake Lang Ako - 2nd Edition

I received a lot of comments when I uploaded my poem "Kung Lalake Lang Ako" at filipinowriter.com. I felt like a kitten released into the wild. I was expecting to be devoured, but yeah, I did anticipate that... For all its worth, I wanted to know how I can be strong and how I can fill my bucket... And so, from their comments and suggestions, here's what I came up with as the 2nd edition of the previous poem I shared to everyone. Hope you like it...

Kung ako’y naging lalake
Maabot ko kaya, ang mas matayog na pangarap?
Tulad ng pagiging kapitan sa barkong lalayag sa dagat

Kung ako’y isang lalake
Mas malalagpasan ko kaya ang mas maraming paghihirap?
Tulad ng bawat problemang dadaan, sa gabi’y kailangang dilat…

Kung lalake nga ako
Sana naman ako’y gwapo
Kahit dina nga siguro maskulado
Basta kahit papano’y matalino

Ngunit, kung sana lalake nga ako
Pipilitin kong makiramdam sa damdamin ng iba
Sa mga desisyo’y di magpapadalos dalos
Sa init ng ulo at sa kitid ng utak susubukang di papagapos

Puso ko’y di gagawing bato,
Ako’y magmamahal ng tapat
Sa iisang babaeng itinadhana sa buhay ko
At kung kaya ay ibibigay ang lahat

Mahirap man, akin siyang uunawain
Dahil siya’y ako, sa lahat ng bagay iintindihin
Nangangakong akin siyang aarugain
At kailanmay di bibigyan ng pasanin

‘Di ko siya sasaktan at di bibigyan ng dahilan
Para malungkot sa mundong aming ginagalawan
Kanyang ngiti’y magiging hangin
Na siyang magbibigay lakas, walang sawang sisinghapin

Kung lalake lang ako…
At kung dakilang pagibig ay nahanap na
Di mag aaksaya ng panahon, pagmamahal niya’y kakamtin
At kung nararapat, pati buhay ko sa kanya ihahain

Ngunit sa paraan ng Diyos, ako’y kailangang maghintay
Ng isang kapitan na sa dagat maglalakbay
Upang ako’y mahanap, arugain at mahalin
Sa aking ngiti’y pagod at pighati niya’y papawiin

Sa aking paraan, ako’y magiging matapang
Nang sa aming pagsasama, ako’y kanyang makakatuwang
Pagmamahal niya’y diko susukatin
At buhay ko, sa kanya’y handa ring ihain

Comments

adaengkantada said…
maitanong ko lang po, medyo sensitive... tibo ka ba? o malikot lang talaga ang isip mo?

pero hindi ko masisis na mag-imagine kang isang lalaki dahil mundo ng lalaki ang mundo natin ngayon. lahat ng bias ay pabor sa kanila, kahit hindi nararapat minsan.
Yien Yanz said…
thanks ada sa pagdaan,

hindi ako tibo, pero may itinatago ata akong sama ng loob sa mga lalake for taking women for granted... which makes you right by saying this worls is sometimes bias...

kaya ko nagawa ang tulang ito...

Salamat sa pagdaan