Iris

Sabi nila, ipinaglihi daw ako ng nanay ko sa casette player. "Kaya naman pala." Yun ang lagi kong nasasambit sa tuwing ako'y nagsusuklay. Iyon yung mga panahong ang usong mga gamit sa pakikinig ng music ay ang mga de bateryang radio, na parang lunch box ang hitsura, kahoy ang likod at may isa o dalawang pihitan para sa volume at para sa station tuning. Kung medyo mas high tech ang radio mo nuon, may antenna yun. Kung medyo mayaman ka nung panahong ito, meyron ka nung mala kabinet na karaoke. May mga koleksioyn ka ng mga tapes at siyempre para ipakita ang hilig sa music, di dapat mawala ang microphone.

Nuong mga panahong ang trabaho ni mama ay isang tagabantay ng mga importanteng bagay sa isang kompanyang maraming bodega, nakapundar siya ng isang maliit na casette player na kasukat lamang ng libro ni harry potter ngayon. portable ika nga nila pero powerful. un yata ang unang "appliance" na naipundar ni mama mula ng magkatrabaho siya. Tumanda ako kasama ng casette player na ito. Natatandaan ko rin na panay hiram ang mga casette tapes kong pinapatugtog. Hiram sa mga pinsan, sa mga kaibigan at sa mga kapitbahay. Hiram na ang ibig sabihin, dina isosoli pa. Kaya naman nagkaron ako ng maraming koleksiyon ng mga cartridges. May mga panahong ayaw na nilang magpahiram kasi nakahalata na sila, kaya ang ginawa ko, dahil mas mayaman naman sila sa akin at mas high tech ang mga players nila, nag re record na lang ako, at yun ang kwento ng pagkahilig ko sa music.

Di naman maganda ang boses ko, kaya nga kahit sa banyo di ako kumakanta. Wala naman sa lahi namin ang magaling kumanta, ngunit nabanggit na sa akin minsan ng lolo ko na tumutugtog siya dati ng violin, gitara, harmonica at accordion. Tanda ko pa nga nung bata pa ako, linalaro ko lang ang accordion at harmonica ni papang. Na parang wala lang, parang laruan lang. Palagay ko, nung naglipat kami ng bahay, from the barrio to a more urbanized town eh di na nakasama tong mga to. Nung tinanong ko si mama kung nasan na ang mga yun, sabi niya isinanla daw ni mamang, ng lola ko, sa bayan, para may pambili daw siya ng Gin niya, ung naiinom, ung nakakalasing. Ayun at dina natubos pa. Sa aking pagtanto, siguro kako, may innate passion ako for music, passion for emotion, passion for art na namana ko siguro sa mga ninuno ko... na di lang nadevelop dahil sa paghihirap ng aming buhay.

Isang gabi habang nagbabantay ako kay Mamang sa hospital dahil naatake siya ng highblood, pagkatapos maglasing, nakapag kwentuhan kami nung nurse na in charge sa ICU. Paralyzed ang mamang ko nuong naatake siya at 2nd year high school ako non. sabi ng nurse, kilala daw niya dati ang angkan namin. Dati raw kaming mayaman. Marami raw kaming ari arian na di nasusukat ng regular na mamamayan sa barriong pinanggalingan namin. May mga tractor daw kami nun, napakalawak na lupaing sinasaka, mga sasakyan, mga bahay, patubigan at marami pa. In short, mala hacienda daw ang lupain namin at popular daw ang angkan namin dahil sa karangyaan. Sabi pa nga niya, kung nga daw sineryoso ng aking papang ang pagpo politiko eh malamang pamilya na rin kami ng mga mayor at gobernador ngayon. Nagtataka daw ang nurse kung anong nangyari sa amin. Dahil nga kasabay ng pagkakakila niya sa pamilya namin ay ang pagkakasaksi din niya ng pagbagsak namin. Di rin naman daw niya maipaliwag, baka daw sakaling alam ko. Pero sabi din niya na malamang nga raw diko rin alam dahil di pa ako tao nuon. At mga teenagers pa ang mga magulang ko't mga kapatid niya. Kung bakit niya kami kilala ay ang sumunod niyang mga kwento. Crush na crush daw niya ang isa sa mga tito ko. Kapatid ni mama. tanong nga siya ng tanong kung pupunta siya sa hospital.

"Sino po sa kanila", tanong ko. Sabi niya ung bunso.
"Ah, nasa Saudi po siya ngayon, diko po alam kung kelan siya uuwi. Tatlo na rin po ang anak niya at magpi pitong taon na po siya dun". Marami pa kaming napagkwentuhan ng nurse, at marami akong na realize nung time na yun. Pagkatapos ng kwentuhan, wala akong tinanong kay mama. Gustong gusto kong magtanong pero di ako ganun, di ako kumportableng magtanong sa kanya ng mga maemosyong bagay.

Isa na nga siguro ang mga accordion, violin at harmonica sa mga antique properties ng mga mamang at papang ko. Ito kasi ung madali lang bitbitin nung lumipat kami sa siyudad. Ah! naabutan ko pa nga yung phonograph namin. May mga kolekisyon pa ang uncle ko nuon ng mga plaka nina Elvis Presley, Beatles, Bing Crosby, Cindy Lauper, basta madami, nung mga bata kami linalaro na nga lang namin to dahil di na nagana ung phono... Lalo pa't nalipat kami sa isang maliit at masikip na barangay na mas sosyal naman kung tignan kesa sa isang squatter's area sa manila. Mga konkreto naman ang mga bahay, pataasan nga lang dahil masikip, pagandahan din ng kulay, walang pakialam kung isang araw eh bigla na lang palayasin dahil wala naman kaming titulo ng lupang pinanghahawakan. Dito ako lumaki. Dito ako nagkamulat. Dito sa bahay, sa dulo ng Street number 12, na may tindahan sa kanto. Pagkagaling ko sa eskwela lagi akong dadaan ng pop cola at kornik o kundi kaya peewee kina auntie siony at pagkatapos eh didiretso ako sa bubungan ng bahay namin para ngatngatin ang chichiria ko. Duon magmumuni muni ako kasama ng aking gitara at ng casette player na nakasabit sa bintana ng kwarto ko. Palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nagkaron ng gitara, siguro isa rin un sa mga hiniram kong diko na isinoli. pero namulat na rin ako kasama ang gitara, ng casette player, ng mga kornik at ng paglalakad ng labinlimang minuto mula highway hanggang sa aming bahay.

Isang araw, sa gitna ng High School week namin, ito ung okasyon sa eskwela na gustong gusto ng lahat ng high schoolers. Ung may coronation, JS Prom, may mga love booths at sports week... 3rd year high school nako nun and for the first time, may isang banda na nag perform sa school. First time kong mapanood ang band na yun. Kahit naman nakahiligan ko ang music at paggi-gitara, dahil sa simpleng teenager lang ako, di rin naman ako pala labas para mag hang out, at di rin naman ako pala barkada. Diko akalain na mababago ang buhay ko ng mga sandaling iyon.

Sa gitna ng siksikan at tulakan sa gymnasium na parang si sharon cuneta ang dumalaw sa amin, at dahil maliit lang naman akong tao, madali kong naisingit ang sarili ko sa unahan to get a clearer view of the band. But not to mention ang mga mura ng mga taong natatapakan ko ang paa... And there and then, I was mesmerized sa performance ng band. The next thing I knew, I was already hanging out with some friends to regularly attend their gig, hindi pa gig ang tawag dun nuon. Diko na matandaan kung ano. Di pa rin naman ako ganun ka outgoing, at dahil sa impluwensiya na rin ng mga classmates, every Thursday, sumasama ako para panoorin ang bandang ito. After a few months, I realized na di lang ako nai inlove sa music nila, nai inlove na rin ako sa singer. I was third year high school nuon at madami din naman akong crush, but I knew this was something different. Napansin ng bestfriend ko ito, si Rod, ang nagtyaga sa akin bilang isang invisible na kaibigan. Para sakin bestfren ko siya, pero diko alam kung ganun din ang turing niya sakin. At lagi na nga akong tinutukso. Bakit daw ako madaming pimples, bakit daw ako laging tulala... Sobrang crush na crush ko nuon ang singer, gustong gusto kong magpapansin sa kanya pero wala akong guts. Everytime na magkakasalubong kami, lagi akong iiwas ng daan. May ginawa pa nga akong anonymous letter para sa kanya. Gumupit ako ng mga letra sa magazine, parang kidnapper na magpapadala ng ransom note… Ang nakalagay “I love your music, from your number 1 fan…” pero hanggang dun lang, diko naman binigay…

Until gagraduate ako ng high school, I regularly attended their gig. May mga naging kaibigan din akong kapareho kong regular attendees, at nang umpisa na ng summer vacation, naging kaibigan ko na rin si Kate, ung singer ng band. Pagkatapos ng mangilang ngilang tunguhan at maiikling kamustahan sa loob ng isang taon, bigla yatang natigil ang mundo at bigla yatang nahipan ng hangin ang utak ni Kate, kita ko siyang papalapit sakin... Oo, di ako nagkamali... sa akin nga...

"Josef, kamusta na? congrats nga pala grumaduate ka na, o anong plano? balita ko mag aaral ka sa Manila ah" andami niyang tanong, diko namamalayang nakatunganga lang ako sa kanya. Salamat na lang at may nagdaang langaw, nakabalik ako sa aking malay...

"Ahhh, ehhh, oo. Ehhh... Medyo nakapasa naman ako dun sa entrance exam kaya sabi ni mama, pursige na lang daw namin na dun ako mag aral" Yun sa palagay ko ang nasabi ko pero ang totoo dahil sa sobrang kaba ko, mali mali ata ang mga nasabi ko. Kaya naman napansin kong medyo natawa siya.

"San ka ba nakapasa?" Tuloy ang pagtatanong niya. Naku Diyos ko, masasagot ko pa kaya ang mga susunod niyang tanong???

"Ahhh. ehhh.. sa UP" maikling sagot ko.

"Wow, galing... sabi ko na nga ba, matalino ka eh. Saang UP?" tuloy pa rin ang interrogation niya na parang feeling ko intersadong intersado na siya sa akin at parang feeling ko gustong gusto niya talaga akong makausap at parang feeling ko in love na rin siya sa akin... haaay... O parang feeling ko nga lang talaga yun???

"Ahhh... ehhh..." sa gitna ng mga ah, eh, ih, oh, uh, sa wakas nabanggit ko pa rin ang "Diliman"

"Alam mo ba na nakapasa din ako dun? dun nga sana ako mag aaral ng college eh, architecture... kaso sabi nina mama, dito na lang daw ako sa probinsiya kasi sigurado naman daw na baka isang semester lang ako dun, magpupumilit na akong mag pa transfer dito dahil diko makakayanang mamuhay mag isa. Ako lang kasi ang babae sa magkakapatid, tignan mo nga pati sa banda kasama ko ang mga ungas." Nagpatuloy ako sa pag fi-feeling habang kinukwento niya ang buong buhay niya sa akin. Parang feeling ko siya na ang soulmate ko... at kilalang kilala ko na siya. Habang nakikinig ako at sumasagot pa rin sa kanya ng mga alpabetong pilipino... narealize ko kung gaano pa karami ang diko alam tungkol sa kanya... Sa kabila ng puspusan kong pag re research. Nalaman kong pareho pala kaming panganay at parehong maraming responsibilidad sa buhay. Pareho kaming obviously mahilig sa music, at moody sa mga hilig. Pareho kaming wala talagang paboritong kanta, kung anong uso yun ang gusto.

"Uy, sabi ni Mel, marunong ka daw maggitara ah, ba't dika maki jamming sa amin?"

"Di naman ako kasing galing niyo, baka magkalat lang ako... Panay basic lang naman ang alam ko, ahhh, eehh"

"Halika na, sige na, tamang tama wala si Lolo, ikaw muna pumalit sa kanya, laging pasaway un eh, laging late..." Pagtanto ko si lolo, ung pinakamatanda sa kanila, diko pa rin alam mga pangalan nila, lalong diko matandaan kahit nang ipakilala niya sa akin ang mga band mates niya. matapos ba naman niya akong i-holding hands at feeling ko pa nga pinisil niya ng mabuti ang mga kamay ko, na parang nagpapahiwatig na mahal niya rin ako, na matagal na nga niya akong mahal, at di lang niya masabi sabi sa akin. Reality check: hinila lang talaga niya ako sa stage para piliting tumugtog, dahil sa nahihiya ako, nagpa-hila talaga ako kaya napahigpit ang hawak niya sa akin, hehehe.

Iyon ang pinakamasayang parte ng buhay ko, sunod sa mga pagmumuni ko kasama ng gitara ko sa aming bubungan. Mababait naman ang mga nasa banda, pati nga ang kapatid niyang si Kleng, ang Bassist sa grupo, kalog din. Feeling ko kumonek ako sa kanila at natagpuan ko ang pangalawa kong pamilya. Feeling ko magiging masaya ako dito sa pamilyang ito. Mula nuon, isinasama na nila akong tumugtog. Sumasama na rin ako sa mga gigs at jamming nila pati na kapag may mga piyesta sa mga probinsiya at naiimbitahan silang tumugtog. Buong summer vacation, mula ng isinama nila ako sa grupo, namalayan ko na lang na ang laki na ng ipinagbago ko. Dina ako naging mahiyain, bagkus nagugulat pa nga ako sa sarili ko dahil ang galing ko nang sumakay sa mga biruan, at lalo pa akong nagugulat dahil kapag ako naman ang nagbiro natatawa sila sa akin. Para sa akin achievement ko yun, lalo na kapag humagalpak ng tawa si Kate. Gustong gusto ko kapag humalakhak siya, sunod sa pagkanta niya. Para akong laging nasa langit. Diko alam may sense of humor din naman pala ako. Lalo akong natutuwa kapag panay ang bigwas, batok at palo sa akin ni Kate kapag binibiro ko siya. Punong puno na nga ako ng pasa sa katawan dahil medyo may laman ang babaeng yun, at pag bumigwas, tilamsik talaga ang payatot kong pangangatawan. Lagi akong nakakatikim ng panlalambing niyang yon kapag kumakanta siya at bigla akong magpa punch line ng mga biro kong laging patok. Sabi nila mula daw nung sumama ako sa kanila, dun lang daw nila nakita si Kate na parang bata kung tumawa.

Malapit nang matapos ang buwan ng Mayo. Malapit na rin akong umalis para mag aral sa maynila. Lagi akong tinutukso na di na daw sila magtataka kung mapapanood na lang nila akong tumutugtog kasama ng rivermaya o nang eraserheads. Lagi nila sinasabing magaling akong tumugtog pero diko yun sineseryoso, parang ako, alam ko mapagbiro rin talaga sila.
"Josef,kelan ang alis mo?" habang tinu tuning ko ang gitara, umupo sa tabi ko si Kate.

Siyempre, kapag si Kate, dipa rin naalis ang expertise ko sa alpabetong pilipino.

"Ehhh, ahhh..." para maiba naman. "Sa sabado pa naman. Kailangan ko kasing makarating dun ng maaga para makapag handa sa boarding house"

"Alam mo, may pinsan ako sa manila, nag text siya sakin kanina, sabi niya kung makakapunta daw ako dun, ililibre niya ako sa concert ng eraserheads. Ang kaso baka di ako payagan ni mama, malapit na rin kasing magpasukan eh. Pero kung pumayag si mama, sabay tayo luwas hah?" sabay tapik sa likod ko. Palibhasa, mas matanda sa akin si Kate, feeling ko ang turing niya lang sa akin ay kapatid. Ganun din kasi siya sa mga nakababatang kapatid niya, malambing.

"Oo bah" sambit ko, at kinagabihan lumuhod na ako sa Diyos, at nagdasal na sana payagan siya ng nanay niya para makasama ko siya sa biyahe, yung kami lang dalawa, nang matagal, dahil sampung oras ang biyahe mula probinsiya hanggang Manila. Kinaumagahan nga, masaya niyang ibinalita na pumayag ang mama niyang pumunta siya sa manila. Dina ako makapag hintay ng sabado.

Sabado... handa na ang mga mga bagahe namin. Nagkita na kami sa bus station. Nauna kami ni mama sa istasyon, sampung minuto lang ay dumating naman ang buong pamilya ni Kate para ihatid siya. Panay ang bilin ng mama niya sa akin. Imbes na ang mama ko ang magbilin na mag ingat ako dahil matatagalan bago ako umuwi, Mama ni Kate ang bilin ng bilin. Mag ingat daw ako lagi dahol magulo sa Maynila, ingatan ko daw at bantayan si Kate habang nandun siya. Matulog daw muna ako sa bahay ng mga pinsan niya para bantayan siya dahil wala daw silang tiwala sa mga taga siyudad na yun. Natutuwa naman sa akin ang papa niya, dahil kamo, mabait akong bata at sa sandaling panahong pagpunta punta ko sa bahay nila para sa jamming, nakagaanan na ata nila ako ng loob. Matapos ang katakot takot at walang katapusang mga bilin, umandar na ang bus at nagsimula na kaming bumiyahe.

Diko ipinahalata kay kate ang kaba ko sa pagtabi sa kanya sa upuan. Sana di niya marinig ang kalabog ng puso ko. First time ito na makatabi ko siya ng malapitan, at makasama ng matagal na kaming dalawa lang.

"Josef!" bigla akong nagulat sa pagtawag niya ng pangalan ko. "Excited ka bang mag aral sa manila kako...?" matagal na pala niya akong kinakausap, di nag re register ang mga sinasabi niya sa akin dahil nasa ibang kalawakan na naman ang isip ko.

"Hahh, ehhh, oo naman, konte... takot... pero sanay naman na akong mag isa, kaya siguro kaya ko naman to" ang sambit ko.

"Sana kasing tapang mo ako. Kung malakas lang ang loob ko, sana malapit na rin akong makatapos ng Architecture. Alam mo bang maayos na sana lahat ng pagaaral ko dun? Kaso ang tanga tanga ko kasi, ang duwag duwag ko. Inisip ko kasi, maiiwan ko ang banda, nakakalungkot, at mag iisa ako sa manila, wala akong kasama. Takot akong tumawid sa mga kalsada dun baka umuwi lang akong bangkay, dito na nga lang sa atin, nasasagasaan pa ako ng tricycle, dun pa kayang humaharuruot ang mga sasakyan...?

"Eh, kung gusto mo pwede ka namang mag transfer eh. Andito naman ako…"

"Naku wag na" sagot niya. "Tanggap ko nang hanggang dito na lang ako sa tin, dito na siguro ako tatanda at mag aasawa, magkakapamilya" ang sumunod niyang mga sinabi ay halos diko na narinig pero naulinigan ko yun bilang "kung uuwi ka pa..."

Di ako umimik, pinagtanto ko kung tama ba ang narinig ko. Ni minsan hindi ko tinitigan si Kate sa mata dahil natatakot akong baka mahagilap niya sa mga iyon ang nararamdaman ko para sa kanya, baka kasi malaman niyang malaki ang pagkakagusto ko sa kanya eh, ayokong magbago ang tingin niya sa akin. Pero sa pagkakakilala ko kay Kate, pranka siya sa mga saloobin niya. Kung may muta ka, may tinga ka, may putok, sasabihin niya sa yo yun. Di siya natatakot, kahit nakakahiya, wala siyang inhibitions.

Minsan, sa isang jamming sa bahay nila, linalaro namin ang kantang patok sa mga taga probinsiya, Zombie ng cranberries. Ang band nato ang all time favorite ni Kate... di niya ito inaamin dahil ayaw niyang makumpara ang boses niya dun sa lead singer, si DoLores. unique ang boses ni kate. Alam mong siya ang kumakanta pag narinig mo. Di niya bagay ang mga biritang kanta, pero pag kinantahan ka, para kang kinakantahan ng mga anghel sa langit. Habang, itinotodo ang chorus, “Zooombie, zooombie eh ehhh..” Bigla niyang pinatigil ang tugtog sabay kawala ng malakas na utot... Dati na palang gawain ito ng lahat sa banda, pero laking gulat at parang ako ang nahiya ng nasaksihan ko ang ginawa niya. Dahil first time ko, diko malaman kung tatawa ako o hindi, nag antay muna ako ng ilang segundo at pinakiramdaman kung anong gagawin ng iba sa banda, "That's lovingly dedicated to you, Josef”, biglang sabi neto at ang mga kamay ay nakaturo sa akin na para akong binaril. Diko na napigilan, tumawa ako ng tumawa, na parang walang itatapos ang sigla ng mundo. Palibhasa panay mga lalaki ang kapatid kaya nasanay na siyang umastang parang isa sa kanila. Pero mabait at malambing si Kate, kunwaring magagalit sa mga kapatid pero ang totoo'y naglalambing lang ito sa kanila. Nirerespeto din siya ng mga kapatid niya, yun ang nakakapagtaka sa pamilya nila, kung paanong napaka bait ng mga magulang at napakalambing ng mga anak at mahihilig silang lahat sa music. Isang perpektong samahan.

Sa biyaheng yun, diko napigilang umiba ng pwesto sa pagkakaupo at napatitig ako sa kanya ng matagal. tumaas ang mga kilay niya at nanlaki ang mga mata na parang nang aasar "O, bakit...??????"

"Eehh, akala ko kasi, may sinabi ka... pasensiya na hah..." pumuwesto ako kagad sa dating pagkakaupo.

"Meron naman talaga... ang hirap kasi sayo, nagpa-patay malisya ka na naman... by now siguro alam mo nang di yan umuubra sa akin... sabihin mo na nga lang... may gusto ka ba sakin?" straight-forward na ang mga tanong niya, hindi ko makapa kung saang parte ng alpabetong pilipino ko huhugutin ang sagot sa mga tanong niya. Pwede bang multiple choice na lang or yes or no???

Napalunok ako ng malalim at sinabing... "Isang taon na akong nanliligaw sayo..." nagulat ako dahil napahagalpak siya ng tawa, gaya ng dating halakhak, walang pakialam sa mundo, walang pakialam sa driver na napatingin pa sa kinauupuan namin at lalong walang pakialam sa ibang pasaherong naguumpisa na yatang matulog para paghandaan ang mahabang biyahe.

"Hi hi hi hi..." pagpipigil nito sa tawa niya "Sira ulo ka rin naman noh... isang taon kang nanligaw eh nung isang linggo ko lang ata nalamang marunong ka palang magsalita, he..he..he"

"Ehehe... eh sa talagang di lang ako pala imik.."

"alam ko... kaya nga alam kong imposible kang manligaw... ni imposible ngang may makapansing tao ka pala eh, te..he..he.."

"Ehhh, di naman kasi ako kagaya mo eh, yung walang - hiya" natigilan ako sa sinabi ko, "este yung hindi nahihiya" sabay bawi ko. Ang hirap sa akin, pagdating kay Kate ang hirap kong magbiro ng mga bagay na baka ikagalit niya, kaya kung di ako nun nahahampas, ibig sabihin siguro nun eh nagalit siya sa biro ko. pero panay naman ang hampas niya kaya malamang di naman siya galit. Tumawa lang ulit siya sa sinabi ko...

"Alam mo, Josef, mag aaral ka sa Manila, walang mangyayari sayo kung dika magsasalita at kung panay ka hiya hiya. Matalino kang tao, pero kailangan mo lang ng confidence sa sarili mo. Pasalamat ka nga at talented ka pa, ilugar mo ang pagiging mahiyain mo. Sa lahat ng bagay, may tamang oras at lugar ang lahat. Ang pagiging mahiyain mo minsan wala sa lugar. Kahit na para sa kabutihan mo, ikinahihiya mo pang gawin. Di ka pwedeng mag isang mabuhay sa mundong ito... kami ng mga kapatid ko, naturuang maging bukas sa mga nararamdaman, mahirap yun, pero kung alam mong para sa kabutihan mo, at kung alam mong tama ang lugar mo, isantabi mo ang hiya..." Pagkatapos niyang malamang matagal ko na siyang gusto, saka pa niya ipinaramdam na parang kapatid lang talaga ang turing niya sakin. Pinapangaralan ba ako neto? Ano ba talaga?

"Alam mo kung anong nagustuhan ko sayo?" Ayun!! Sapul, may gusto rin siya sa akin, yahooo!!! Thank you Lord!!! Napansin pa ata niya ang pagkakangisi ko sa mga sinabi niyang yun... "Hoy wag ka ngang parang engot jan... para ka na naman authistic!" tinulak niya ang noo ko gamit ng kanyang hintuturo. "Masyado ka kasing mahiwaga. Isang taon din akong nacurious sa pagkatao mo noh, para ka kasing stalker... para kang serial killer, parang andaming pwedeng halukayin sa pagkatao mo, napakainteresante mong tao, parang, tao ka ba? bampira?, Ganun! Diko alam pero naramdaman kong gusto kitang maging kaibigan, but you seem so distant, at lalo akong nacurious... kaya ako na ang unang lumapit para magkausap tayo,. dika man lang ba nagtaka kung bakit alam kong marunong kang tumugtog? I'm sure di lahat alam yun, kaya ayun inexpose na kita"

"Eh ikaw naman pala ang stalker eh, sinusundan mo siguro ako pag umuuwi ako noh...ehehe" daan na naman sa biro.

"Loko mo, I have my ways noh... Lam mo Josef, mabait naman siguro akong kaibigan, di naman ako suplada, wala pa naman akong nakakaaway, pero hindi ako sanay na di pinapansin, ikaw lang ang gumagawa sa kin nun..."

Paano nangyari yun, tanong ko sa sarili ko, eh, wala nga akong ibang pangarap kundi ang makausap siya, malaman lang niya pangalan ko okay na yun sakin, sobra sobra na ngang bonus ng Diyos ang makasama ko pa siya ng kasingtagal ng biyahe namin ngayon. "Pasensiya ka na..."

"Uy hindi, wag kang humingi ng pasensiya... dimo naman kasalanan yun eh"

"Gusto ko ngang magpasalamat sayo, kasi kung hindi mo pa ako naunang pinansin, hindi pa ako magbabago ng ganito. Natuto ako sa pamilya mo lalong lalo na sayo na magopen up ng feelings, na kung may gusto dapat determinado, natuto ako sa kasabihan mong, kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan... salamat Kate hah... "

"Salamat ka jan... basta wag mokong kakalimutan pag nasa Maynila ka na,. Baka masobrahan mo naman ang pagka walanghiya mo, magaya ka naman sa mga pinsang kong panay basag ulo..."

Pinilit kong ibalik sa dati ang usapan "Eh Kate, ibig ba sabihin nun, ahh, ehh, tayo na?" Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay niya, ang sabi nung nakapulang, maliit na Josef sa kaliwang balikat ko, "sige, hawakan mo na, diba nga, kung gusto maraming paraan, holding hands mo na, go!!!" ngunit sabi naman nung nakaputing Josef sa kanang balikat ko, "Oy, tandaan mo ang sabi niya, dapat nasa lugar at nasa tamang panahon ang mga bagay, ops, di ito ang tamang panahon, masyadong maaga para sa holding-holding hands na yan" sa di ko malamang dahilan, habang nagpapaka authistic na naman ako, biglang hinawakan ni Kate ang kamay ko.

"Marami ka pang makikilalang ibang babae sa Maynila, mas magaganda, mas matatalino at mas seksi pa kesa sa akin..." sabay taas ng kilay ng dalawang beses, habang hawak hawak pa rin ang kamay ko. Yung dalawang Josef sa magkabilaang balikat ko, nagtatalo na naman. Sabi nung nakaputi, "hoooy, magpakipot ka naman, hilahin mo, bawiin mo... nakakahiya ka... walang delikadesa..." feeling ko naghi histerical na siya, habang ung isa sa kabila, sumisipol lang sa kanta ng Groovy kind of love.

Nauulinigan ko ang sinasabi ni Kate. Eto yata ang sabi niya... "Mag aral ka ng mabuti dun, yun ang gawin mo, wag ung girlfrend girlfrend ang iisipin, at tsaka di ako naniniwala sa long distance relationship, di un uubra sa akin, wala akong pang load para sa mga katextmate..." paliwanag ni Kate. Bahagya akong napahiya, pero natauhan na rin. Tama siya, at ito ang mga katangian ni Kate na nakakapa mangha s akin. Sobrang matured, parang alam ang lahat ng bagay tungkol sa buhay.

Diko malilimutan ang biyahe naming yon ni Kate. Diko siya itinuturing na kapatid, dahil higit dun ang pagtingin ko sa kanya, pero sobra ang respeto ko sa kanya kaya ipingako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa huli't huli ay magiging kami, dahil sigurado ako sa sarili kong siya ang babaeng pakakasalan ko balang araw.

Pagdating ng Maynila, dumiretso si Kate sa bahay ng mga pinsan niya at ako naman sa boarding house namin. Dumalo siya sa concert ng eraserheads at base sa pagkaka kwento niya, yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya. Alam ko sobra ang paghanga niya sa bandang ito. Tatlong araw lang si kate sa Manila at bumalik na siya sa probinsiya, nangako ako sa kanya na lagi akong mage-email at kung may panahon, lagi kaming mag cha chat. Alam kong di rin naman niya gagawin yun pero pursigido akong ligawan pa rin siya kahit na nasa malayo ako. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa itinuloy ang mag aral sa Manila. At dun nabuo ang pasya kong tapusin lang ang isang semester sa manila at magta transfer na rin ako sa probinsiya.

Ngunit si Kate, sa kabutihan at sinseridad, ay puspusan ring nag text sa akin halos araw araw. Lagi siyang may mga compositions na pinapadala sa email at lagi din niya akong ine encourage na lapatan ng musika ang mga yun... Mahilig gumawa ng mga tula si Kate. Kapag inspirado siya, may kung anu ano lang siyang naisusulat sa maliit na libro niya, kaya nga siguro english ang kinuha niyang major sa college. Pero mas nagugustuhan ko ang mga tulang ginagawa niya sa tagalog. Mas tagos sa puso at mas inspirado akong gawan ng music ang mga ito.

Sa tuwing uuwi ako nuon sa probinisya sinisiguro kong lagi kaming magkasama, kahit na walang pormal na sagutan ng matamis na oo ang naganap sa amin, nag sink in na lang sa ming dalawa na committed na kami sa isa't isa. Tanggap rin yun ng mga pamilya namin. Nakakatuwa ang mga samahan namin kung saan magkekwentuhan kami from one hanggang sa mapagalitan kami ng nanay niya, o ng lolo ko kapag maingay kami sa bubungan ng bahay namin. Di nawawala sa bonding namin siyempre ang magkantahan, ako ang gigitara at siya ang kakanta. Kasing ganda ni Kate ang boses niya. Mesmerized pa rin ang pakiramdam ko, kagaya pa rin nuong una ko siyang marinig na kumanta nung high school. Habang tumatagal,lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Ngunit paulit ulit din niya akong kinukumbinsing ipagpatuloy ang pagaaral ko sa manila. Sa bubungan ko siya unang hinalikan sa labi. At yun na ang bagong record ng pinakamasayang araw ng buhay ko…

3rd year college na ako, graduate na rin si Kate ng college. Nagplano kami na sa Maynila siya maghahanap ng trabaho para magkasama kami. Nang mga panahong yun, naging sobrang busy ako sa mga projects, thesis, researches at sa activities ng music club na sinalihan ko. Excited ako sa pagtira niya sa manila. Mas makakasama ko na siya ng matagal, makikita ko na siya araw araw, at pag sem break, pwede na kaming magkasama ng kahit na mas matagal, na di na magpapaalaman. Nakahanap siya ng trabaho bilang isang cashier sa isang pharmacy. Medyo isang oras na biyahe ang pagitan ng lugar namin.

Sa pagbabagong yun ng buhay niya, nagkaron kami ng adjustments, sobrang close si Kate sa pamilya niya. May buhay siyang iniwan sa probinsiya at alam kong mahirap iwan yun para mag adjust sa bilis ng buhay sa maynila. Alam kong miss na miss na niya ang pamilya niya ngunit dahil sa akin, aminado ako kaya siya nagpasyang sa duon na magtrabaho, at dahil sobrang excited din ako sa idea na magkakasama ko siya, diko inisip ang mga consequences, naging makasarili ako sa desisyong yun, at sa kung anong rason, yung maliit na nakapulang Josef sa kaliwang balikat ko eh kumakanta na ng Complicated Heart...

Napansin ko ang pagiging demanding ni Kate sa oras, nakakapagtaka ang pagiging selosa niya at parang ang hirap umintindi. Kilala ko kasi siya bilang, mapagbigay, maunawain at higit sa lahat, hindi siya insecured. Siguro dahil ito ang mga panahong kabilaan ang requirements na dapat i submit sa school, puyatan sa projects, diko na nga naasikaso ang ibang activities ko sa dami ng kailangang gawin.

"Aalis ka na naman kagad, dalawang oras ka pa lang dito ah?" Isa pa, sobrang sensitive ni Kate, parang naglilihi. Hindi pa nga ako nagpapaalam, binibilisan ko lang ang strumming ng gitara sa kanta namin, pansin niya kagad na gusto ko nang umalis.

"Hah, dipa naman ako aalis eh" may exam pa ako bukas... medyo kailangan ko ding mag review kaya?, ang nagpupumiglas na sabi ng nakaputing si Josef (sa aking kanang balikat).

"Kung gusto mo nang umalis, sige na, sobrang abala nako sayo." halata na naman sa mata niya ang pagtatampo...


"Kate..."

"Josef, nakakalungkot dito sa bahay, dito ka na kaya matulog? O di kaya maghanap ka na lang ng boarding na malapit dito."

"Kate..." Alam ni Kate na di ako palasagot sa mga issues niya na walang matinong patutunguhan. Napagusapan na namin ang issue nato ilang beses na. Alam niyang di ako pwedeng lumipat dahil limang minuto lang ang layo ng boarding ko sa university, at lalong di ako pwedeng matulog sa kanila dahil katabi niya ang pinsan niya sa pagtulog... pero kung pwede lang, di ako magdadalawang isip... At alam ko na rin ang mga susunod niyang sasabihin, na nagsakripisyo siyang pumunta ng manila para makasama ako, iniwan niya ang pamilya, ang banda para sa akin... blah blah blah... Parang malapit nang dumating ang point na nagsasawa na ako sa mga issues nato.

"Kate..." nararamdaman kong ang pagbigkas ko lang ng pangalan niya ay sapat na para maibsan ang mga lungkot niyang nararamdaman... Iniba ko ang usapan. "Alam mo,yung kaibigan ko, inaaya ako sa isang bar sa weekend, sama tayo..., matagal na akong inaaya pero diko mapagbigyan dahil sa dami ng projects. medyo maluwag na ako ngayon kasi last exam ko na bukas, bakasyon na ulit, sige na pumayag ka na... paalam ka sa tito mong sa bahay ka ng dati mong classmate matutulog pero sa bahay ka na matulog" pabulong kong mungkahi sa kanya...

"Pagiisipan ko" Uoo rin yan, sa tagal ng pinagsamahan namin alam ko kung kelan siya nagpapakipot at kung kelan niya talaga ayaw ang isang bagay.

Makalipas ang isa pa at kalahating oras, pumayag narin siyang umuwi nako... kung dipa kunwaring nagpatay ng ilaw ang tito niya sa veranda...

Ng sumunod na sabado, dumalo kami sa gig ng kaibigan ko sa bar, part time job niya ang maggitara sa bar nato. Na sana kasama rin ako kung may oras lang. Hindi kasi ako yung tao na kayang pagsabayin ang dalawang bagay, kung ano ang priority, yun ang focus. Gaya ng pag aaral. Aaminin kong mas nag work out ang set up namin ni Kate nung nasa probinsiya pa siya. Nakakapag focus ako sa pag aaral. Studious na kung studious, pero mahirap talaga ako ma side track, mahirap akong makabalik sa track.

Dahil kay Jon, ang gitarista sa banda ng bar nayun, na kaibigan ko, nai set-up kong pakantahin si Kate ng gabing yun ng di niya alam.

"Thank you for listening, folks, and now before start set off for our next set, may we welcome a new voice on stage. With all confidence, I am introducing to one and all Ms Katelyn Marcos, the pride of Butuan City"

Muntik nabilaukan si Kate sa kinakain niyang mani. "Ako ba ang tinawag?" nagpa panic niyang tanong...

"Eh nakanino ba ang spotlight?" ang sagot ko, dahil totoo ngang nasa kanya ang spotlight ng gabing yun.

"Pakana mo ba ito Josef, malilintikan ka sakin!" Ang sambit niya habanag nagngi ngitngit ang mga ngiping nagsasalita.

"Katee, dika na bago diyan, sanay ka na sa mga ganyan" ang paghamon ko...

"Di dito sa Maynila, ungas, iba ang mga tao dito, baka batuhin pako ng bote ng beer, di ako pupunta ayoko..."

"Ms Kate..." tawag ulit ang leader ng band, at nagsimula na ngang magpalakpakan ang mga tao para sa kanya.

"Samahan moko..." tumayo siya, inayos ang damit, ngunit hinila rin ang kamay ko papuntang stage, parang nung high school.

Wala na nga rin akong nagawa... pero handa na ako sa sitwasyong yun, alam kong kailangang kasama ako kung ipapasubo ko siya ng ganun, kaya ang katotohanan, ipinasubo ko rin ang sarili ko.

Nang gabing yun, pinili ni Kate kantahin ang isa sa mga original compositions namin. Kilala ko si Kate bilang distinct sa pagpapakitang gilas. Kung yung iba magpe perform nang parang last performance of their life para magpakitang gilas, si Kate hinde, kailangan laging may kaiba sa kanya, kailangan laging bago, at kailangan laging one of a kind performance.

Acoustic, bagay na bagay sa boses niya at isa sa mga paborito namin ang kantang ito, na lagi naming kinakanta nung nasa probinsiya pa kami... at ito ang ibinahagi namin sa audience ng gabing yun...
Come True… ang title ng kanta
I just wish I could cry whenever I want to,
I’d probably cry like a baby
I just wish I could laugh whenever I feel like it
I will laugh like crazy…
I just wish I know the future
I will bet on every lottery
I just wish I can go back to the past
And savor each and every moment while it last

But I won’t just wish like this…
Because it’s never true that there’s a genie
I can throw all my coins to all wishing wells
But things won’t go the way I always tell…

But wishes are there to remind me
That there’s always light for things already done
That indeed I can go back, and just let things be
That no matter what, the sun will always shine

Chorus…
May they come true or not…
I will still wish a lot…
For I know, If there’s a reason to hold on
I’ll get going… I’ll move on

Coz the strength comes from believing
Not only in wishing

Parang pelikula, pagkatapos ng kanta, lahat nagpalakpakan, ang iba pa nga nagtayuan. Diko akalaing mababaw naman pala ang panlasa ng mga taga maynila... ilang beses na naming tinugtog ang kantang ito, at ilang beses na ring kinanta ni Kate sa mga gigs sa probinsiya, pati pala sa maynila papatok rin ang original song namin. Subalit nag iba ang kahulugan ng kanta nang gabing yun. Yun ang kantang bumago sa buhay naming dalawa, o sa buhay ni Kate... Sabi ko nga parang pelikula, natunugan ng manager ng club ang nangyari, natuwa at nirekomenda kami sa mga kakilalang nagta talent search. Naging mas complikado ang buhay namin nun dahil andaming mga desisyong kailangang gawin, at kailangang dalawa kami ni Kate ang gumawa nun. But I;m not up to this kind of thins. Priorities ko ang studies. At diko nga kayang pagsabayin ang ganitong bagay. Alam ko ang pagmamahal ni Kate sa pagkanta, at alam kong maluwag niyang tatanggapin ang oportunidad na ito. Ang mga sumunod na linggo magmula ng umoo siya sa isang contract signing sa isang talent agency, namalayan ko na lang na nami miss ko na ang pangungulit niya. Busy na rin siya sa career niya. Panay na ang praktis niya kasama ng bago niyang mga kabanda, at dumadalang na nga ang mga text niya. Sa tuwing dadalaw na ako sa kanila, lagi siyang wala, at kung nandun man, laging tulog.

Di rin naglaon, nagkalabuan kami ni kate. Sobrang busy niya at ganun din ako. Magkaganun pa man, dipa rin ako tumigil sa pagsubok na mag work out ang schedules namin. Ayokong masayang ang pinagsamahan namin. Sa loob ng mga panahong yun, umaangat na ang career niya sa pagkanta, Naging sikat na siya at kung saan saang parte na nga sila ng Pilipinas nakakarating, ang huling balita ko ay mag kaka album na nga daw ang banda nila at dahil dito lalo silang magiging busy. Ilang beses din niya akong inaya na sumama na sa banda, pero ilang beses din akong tumanggi.. Di ako yayaman sa pagbabanda, yun ang laging sumisiksik sa isip ko. Di na nga lumago ang relasyon namin ni Kate hanggang sa sinabi niyang maging magkaibigan na lang daw kami. Balita ko'y nahuhulog na rin ang loob niya sa isa mga kabanda niya kaya siya nagpasya ng ganun. Diko alam kung yung gitarista o yung drummer. Wala akong pakialam, pero sobra akong nasaktan nun. Muntik nga akong di grumaduate dahil sa depression. Halata sa pangangatawan ko ang pagkakabigo ng puso. Di na ako kumakain, di rin ako makatulog. Lagi akong naglalasing sa bar kung saan nagbago ang buhay namin ni Kate. At pag sobra na ang kalasingan, susugod ako sa kanya, at paulit ulit na magmamakaawa na wag niyang sayangin ang pagmamahalan namin.

"Sayang, Kate, limang taon, sasayangin mo? Mahal na mahal kita, marami akong pangarap para sa ating dalawa, please Kate, bigyan mo naman ito ng pagkakataon, let's work this out,.."

"Josef, it will not work out anymore… Ayoko nang matali pa ang buhay natin sa isa’t isa. . Magiging unfair lang para sayo, at para sa akin... Mahirap kapag tayo pa rin... mahihirapan tayong tumupad sa mga pangarap natin. Ito ang pangarap ko, alam mo yun, at masasaktan lang tayo pareho kung ipagpapatuloy pa natin ang relasyon nato. Kung talagang mahal mo ako, papabayaan moko sa gusto ko."

"Maghihintay naman ako sayo eh. Williing naman akong lumugar sa dapat kong lugar. Mahal kita, yun ang alam ko kaya magsasakripisyo ako kung kinakailangan." lasing na lasing na ako nuon, pero, sincere ako sa mga sinabi kong yun. Diko matanggap na tatapusin na niya ang pagmamahal ko sa kanya, Di ako papaya. Marami akong plano para s amin at malapit ko nang matupad ang mga yun.

"Hindi pwede Josef, wala nang magsasakripisyo ng kahit na ano..., "

"Yan lang ba ang dahilan, o may iba ka na? Sabihin mo na lang sakin kung may iba ka na? Mas matatanggap ko pa kung sasabihin mo sa akin na dimo na ako mahal..., titigil na ako, kung sasabihin mo sa akin na dimo na ako mahal" Sa gitna ito ng mga hikbi at hagulgol naming dalawa, at nang pagluhod ko sa kanya para piloting isiksik sa buhay niya...

"May iba na, Josef..., sorry" Nawala na nga ang musika, nawala na nga ang magic, nawala na ang lahat. Nawala na rin ang buhay ko. Ano pang silbi ng pagaaral ko ng mabuti kung wala na rin ang taong naging inspirasyon ko para maabot ang mga pangarap ko, diko lang pangarap to, pangarap naming dalawa… Wala na ako sa puso niya, anong naging kasalanan ko??? Anong nagging pagkukulang ko???
Ilang buwan din bago nag register sa akin ang mga sinabi niyang yun. si Kate, pag sinabi niya, yun na yun. Wala nang bawian. Nabalitaan kong tinanggap niya kasama ng banda nila ang isang offer para sa isang regular gigs sa japan. Matatagalan siya dun. Sa airport, sinundan ko si Kate, di niya alam yun, parang nagkatotoo na nga ang paiging stalker ko. Pakiramdamm ko yun na ang huling pagkikita namin. Pinilit ko siyang kausapin nuong nasa airport na sila, pero nawalan ng pagkakataon. Mula sa malayo, kita ko siyang nag aayos ng mga bagahe niya. Kung pwede ko lang siyang kidnapin, hilahin sa tabi at wag nang pakawalan... “Kate wag mokong iwan” Yun ang sinasambit kong parang sira ulo… Pero pangarap niya ito, dina ako ulit magiging makasarili pa. Kaya nagkasya na lang ako sa pagtanaw sa kanya. Sa aming huling pagkikita. "Mag ingat ka mahal ko, mahal na mahal kita" ang mga katagang nasambit ko habang pinapanood ko ang mga eroplanong nag te take off sa labas ng airport.

Makalipas ang ilang taon, umalis din ako ng Pilipinas, nagtrabaho ako sa Dubai, pinilit kong kalimutan ang mga nangyari. Nag set ako ng ibang priorities, pero wala nang taong involved, basta makaipon ako ng ganito, goal achieved nako. Umasenso naman ako ng konti, nakapundar ng ilang mga ari arian at konting negosyo. sa loob ng mga panahong yon, marami rin akong naging girlfrends, pero ni minsan di naalis sa puso ko ang pinakaunang babaeng minahal ko. Muntik na nga akong nag asawa dahil nabuntis ko ang isa sa kanila. Pursigido ko na siyang pakasalan,pero alam naming pareho na may mali. Matalino si Anne, at parang si Kate, liberated din. Sa kanya ko rin lang nasasabi ang mga saloobin ko. Madali din kasi siyang umintidi sa mga misteryo ng buhay, madali siyang makatanggap ng mga komplikasyon. Kasama ko siya sa trabaho at naging karelasyon ng dalawang taon. Nagpasya kaming dina ituloy ang relasyon ng malaglag ang bata. May mga hang-ups din siya kagaya ko, at kung dadalhin namin ito sa magiging bagong relasyon namin, siguradong, di ganun kadaling tanggapin ang komplikasyon, kaya kami nagpasyang tapusin na lang ang lahat. Oo masakit, pero bakit di kasing sakit ng paghihiwalay namin ni Kate?

Kung alam lang ng lahat kung gaano ko siya kamiss. Walang nagwork out sa mga relasyon ko dahil alam kong laging may kulang, laging, walang K sa mga pangalan nila, o kung meron man, laging di kami pareho ng passion... di pa man, divorce na kagad ang inaabot ko sa mga ito.

Pitong taon din akong di umuwi ng Pilipinas, ngunit itong taong ito, kailangan, dahil sa special request ni Mama. Bago man lang daw siya umalis sa mundo, gusto naman daw niya akong makasama kahit ng matagal. Ayoko nung una, pero napilit din niya ako. Pag tapak ko ng airport ng Pinas, parang pelikula na nag flash back lahat ng alaala, alaala ng mga sakit, ng mga tamis at pait. Alaala ng mga nabigong pangarap. Alaala ni kate.

Sampung oras ulit ang biyahe pauwi ng probinsiya. "O nagpapaka authistic ka na naman." ang sabi ng maliit ng Josef na dipa rin nakakapagpalit ng damit, gang ngayon puti pa rin... "Yaan mo na" sabi naman ng isang Josef na gang ngayon, sa kaliwang balikat ko pa rin nakapwesto" "Namiss ko kayo ah.." ang sambit ng utak ko, at duo'y ngingisi ngisi habang naalala ang first holding hands ko kay Kate... Makikita ko kaya siya? Makakausap ko pa kaya siya, kamusta na kaya si Kate, baka may pamilya na rin... At dun nako naidlip. Pagdilat ng mga mata ko, nasa probinsiya na ako. Sinalubong ako ni mama at kitang kita ko ang malaking pagbabago sa kanya. Tumanda na si Mama at nakita ko ngang medyo nanghihina na rin.

Walang ni isa sa mga kamag anak ko ang bumanggit ng tungkol kay Kate. Wala rin akong lakas ng loob para magtanong... Nakita ko pa ang luma kong gitara, sira na... pero nandun pa, bilang isa sa mga antique display namin, kasama ng phono, na ngayo'y kinovert na bilang isang kabinet.

Sa una kong linggo sa probinsiya, inaya ako ng pinsan kong dumalaw sa bar sa bayan. Asensado narin ang bayan namin, may mga bars na rin... at nuon nga’y nabanggit niyang, kumakanta si Kate duon. "May asawa na si kate, sa kanila yung bar. Nakapag asawa siya ng taga Manila, at tinayo nila yun. Si Kate ang nagma manage, siya rin ang kumakanta, kasama ng mga kapatid niyang nagbabanda."

Nagdalawang isip ako kung pupunta ako o hindi... Ayokong ibalik ang masasakit na alaala, dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Ang tanga tanga ko namang dipa rin nakakapag move on... samantalang si Kate eh masaya na pala ngayon. Ganon ko nga talaga siguro siya kamahal, but what the heck, ano kung magkamustahan lang kami, for old times sake?

Nung gabi ngang yon, pumunta ako sa bar nila. Daffodils, ang pangalan ng bar. Hango sa kanta ng Cranberries na Daffodil's Lament, paboritong kanta ito ni Kate, bago kami maghiwalay... At paborito ko ring gitarahin dahil pinaghirapan ko itong aralin. Pagpasok ko sa bar, dahil madilim, nagpasya akong umupo sa likod. Naririnig kong may mga bata na naglalaro sa counter,"Anak niya siguro", pagtanto ko. dahil mataas ang counter gaya ng isang regular na bar, diko maulinigan kung babae o lalaki.

Nagumpisa na ang set ng band. Nakita ko si Kate, pumayat, pero sobrang laki ng ipinagbago niya, lalo siyang gumanda sa paningin ko. Diko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling yun. Parang gusto kong umalis sa kinaauupuan ko, parang hinihila akong palabas, at sumigaw ng "Mahal na mahal pa rin kita Kate!!!" Ang kabilang katinuan ko nama'y nagpupumiglas, at pinipilit akong pumunta sa stage para yakapin si Kate at sabihing, miss na miss kita...

Parang nanadya naman ang pagkakataon at ang una niyang kinanta ay ang kanta namin... Matapos niya itong kantahin napapansin kong tumatanaw siya sa kinauupuan ko.

"Been a long time since I sang that song. Gusto ko pong malaman ng lahat na, that song is very special to me… and to another person. That song will ever be complete if it’s not played by the maker… and it’s good to know that tonight, this has been sang in completeness, dahil bumalik mula sa matagal na pagtatago ang gumawa neto. Sabi ko na nga ba babalik ka rin Josef..." Gulat na gulat ako, parang feeling ko, lumapit sa akin ang waiter at walang sabi sabing nagbuhos ng tubig na punong puno ng ice cubes. Alam ni Kate na nandito ako?

Kinanta niya ang original composition namin, at sa loob ng maraming taon, namalayan kong may tubig na tumutulo sa mga mata at ilong ko..., umiiyak na pala akong parang bata... Linapitan ako ni Kate, at nang matapos ang kanta, ang sabi niya "Bat ngayon ka lang dumating, ang tagal kitang hinintay" sinasabi niya ito habang gamit pa rin ang mikropono, kokonti pa lang ang tao nuon, at dahil typical na Kate, walang pakialam kung nalalagay kka na sa spotlight... walang pakialam kung nalulunod kana sa hiya. Wala akong sinabi, bagkus bigla ko lang siyang yinakap at hinalikan, wala na rin akong pakialam kung bigla na lang sumulpot ang asawa niya't bigla ako bugbgugin. Walang kasing tamis ang halik na yun, sana dina matapos ang sandaling ito, ayokong bilisan ang halik, mahirap mawala ang masarap na moment, subalit bigla rin akong kinabahan dahil naalala ko ang asawa niya kaya ko siya biglang naitulak... Laking gulat ko ng bigla niya ulit inilapit ang kanyang mukha at inilapat ang labi niya sa akin. At pagkatapos ng malapelikulang halikang yun, bigla akong kinalabit ng nakapulang Josef sa balikat ko, "Hoy tama na yan pinagtitinginan na kayo ng mga tao, wag kayong mag eskandalo dito". Panaginip lang ba ang lahat? Sana dina ako magising... Si Kleng pala ang kumalabit sa akin, ang kapatid niya.

"Miss na miss kita Kate" ang tangi kong nasambit ng maghiwalay ang mga labi namin. Salamat sa Diyos, at hindi ito panaginip, dahil hawak hawak ko pa rin ang kamay niya... at nasa harap ko pa nga ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.

"Wag kang aalis... Tatapusin ko lang ang set ko..." professional pa rin hanggang ngayon, di nang iiwan ng trabaho lalo na nang mga katrabaho...

"Di ako aalis, kahit na abutin pako ng pasko dito, dito lang ako" ang sambit ko. Pinanood ko ang buong tamis na pagngiti niya ng gabing yun, para akong idinuduyan sa langit... para akong, high school ulit, na di naman makapagsalita sa sobrang kaba... sa sobrang excitement, sa sobrang pagkaka inlove... Nasa harapan ko lang ang taong pinangarap kong makasama habang buhay, at diko na siya pakakawalan.

Bago pa man matapos ang kanyang set, bigla akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib. Nahirapan akong huminga, at ang huli kong natandaan ay ang mga taong nasa harapan ko na para bagang may isang mabigat silang ginagawa para sa akin... Pagdilat ng mata ko, isang maliwanag na ilaw ang bumungad sa akin. Diko malaman kung nasaan ako, lahat ng makita ko puti. Naulinigan ko ang isang boses "Josef!" Sabi neto. Pamilyar sakin ang boses na yun. Yun yung maliit na Josef na nasa kanang balikat ko palagi. "

"Nasan ako?, " Ang tanong ko.

"Tapos na ang kwento mo Josef, nasa langit ka na., masaya ka na, kaya nandito ka na. Dito rin naman matatapos ang kwento mo eh., Mas mabuti na rin na dito ka dumiretso, kesa pahirapan mo pa ang kwento ng buhay mo sa lupa..., tapos na ang paghihirap mo, nakamit mo na ang pangarap mo, natikman mo na ang lahat ng lasa ng buhay, kaya siguro naman finished na ang business mo?"

Diko maintindihan ang sinasabi niya, parang di ako umaayon sa mga sinabi niyang yun kahit diko maintindihan ito.

"Anong hindi mo maintindihan?" tanong neto sa akin at gustong gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses...

"Anong ginagawa ko dito? Nasan ako? Anong nangyari, bat ako nandito? Nasaan si Kate? Si Kate, nasaan si Kate?" Histerical moment na naman ako.

"Relax, Josef. Relax..." Don't tell me to relax... Parang gusto kong isigaw. Diko maintindihan kung anong nagyayari. Bakit itong kausap ko dati, maliit lang siya, bakit ngayon ang laki na niya... At bakit ang usok sa paligid? Usok nga ba ito o mga ulap... Bakit parang nasa langit ang pakiramdam ko? Imposible, imposible...

"Okay, okay… wala ka sa langit" ang sagot ng isang Josef na parang nababasa ang utak ko. Na parang feeling ko may dual personality na yata ako na kinakausap ko rin ang sarili ko.

"Meron nga." Parang nagbibirong sagot na naman neto.

"Okay... dipa naman ako nasisiraan ng bait diba? Gusto ko lang maintindihan ang lahat. Anong mga nangyayari? Bakit ako nandito?" Ayan kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Nope, okay ka lang... matino ka pa naman last time I checked. Katawan mo ang bumigay, masyado ka lang stressed. At mahirap pagsabayin ang stress at excitement, nakaka cardiac arrest yun. Gaya ng nangyari sayo ngayon. Kaya ayan, nasa ospital ka na. Ang KJ ng puso mo no? Di nakiki-cooperate?, Kung kelan parang magiging okay na lahat sa iyo, pagkatapos pa ng madamdamin niyong pagkikita ng one great love mo, and take note may kissing scene ka pa... haay... kasalanan mo yan eh"

"Nasa ospital ako? Di naman ospital to..." Ang sabi ko...

"Comatose.. Nasa state of coma ka Josef" pagkasabi niya nun, para akong hinigop sa kabilang parte ng dimensional world at, parang time machine na bumalik ako sa parte ng buhay ko kung saan nakita ko ang sarili kong binubuhat nina Kleng at ng iba pang mga tao na diko naman kilala sa bar kung saan ko pinuntahan at hinalikan si Kate. Nandun si Kate, sobra ang pagpa panic. Naririnig kong sinisigaw niya ang pangalan ko. "Josef, Josef!" wala ni isa man ang nakakaalam kung anong nangyayari. Sumunod na pangyayari sa ospital. "Flatline...!!" Naririnig kong sabi ng doctor kasama ng mga ingay ng kung anu anong apparatus at machine ang pinagkabit kabit sa hinubad kong katawan, "Ang taba ko na pala" nakuha ko pang i comment sa sarili ko. Sa likod ko ang pamilya ni Kate at ng mga kamag anak ko. Naririnig kong inaalo nila siya at sinasabing magiging okay din ako, na magdasal sila sa Diyos para sa kaligtasan ko. Duon ko lang nakita si Kate na umiyak ng ganun... Sa haba ng pinagsamahan namin, tanda ko lang ang mga masasayang pinagsamahan namin. Tanda ko lang ang pagiging bubbly niya, tanda ko lang ang laging pagpapasaya at pagpapagaan niya ng aking mundo. Tanda ko lang ang matatamis niyang ngiti at matutunog niyang halakhak. Ni minsan diko nakitang umiyak si Kate ng ganito. Sinundan ko siya papuntang chapel. Tinitigan ko siya habang nakaluhod at umiiyak. Diko malaman kung anong iniisip niya, alam ko lang na sobra sobra ang pagdadalamhati niya... At bago siya tumayo, parang naulinigan kong sinabi niya ulit ang "Ang tagal kitang hinintay..."

"Hinihintay mo ako Kate? bakit? diba matagal mo na tayong tinapos? Bat wala akong naramdaman?" Ito ang isa sa nagbuklod sa amin nung kami pa ni Kate. For some reason, nararamdaman namin lagi ang damdamin ng isa't isa. Kaya siguro, kilalang kilala ko na siya at ganun din siya sa akin. Alam namin kung kelan magbibiro at kung kelan tatahimik. Nararamdaman namin ang saya at lungkot ng bawat isa. Pag nga mag te text at magtatawagan, nasa isip ko pa lang ang sasabihin ko, sasabihin na niya. Strange, pero halos ganito ang naging samahan namin. Mula ng magpasya siyang iwanan ako, nawala na rin ang koneksiyon na yun. Diko na siya naramdaman. Di siya kailanman nawala sa puso ko pero nang masaktan yon, pakiramdam ko kalahati ng pagkatao ko ay nawala.

Ilang oras pa ang inilagi ni Kate sa chapel. Tumayo at bumalik na rin siya sa pamilya niya na nag aantay sa corridor ng ospital. Saka naman sila linapitan ng doctor. "Na-stabilize na ang kondisyon niya, although kailangan siyang ilipat sa ICU. You have to expect na baka matagalan bago siya magising, in worst case he might stay in a comatose state. Ganito talaga most cases ng cardiac arrest, lalo na pag first attack. Inaaral pa namin kung may brain injury siya, pero sa ngayon, nakikitaan na namin ng improvement ang heart beat niya."

Ano bang pinagsasabi netong doctor nato. Heartbeat, heartbeat ka jan… Marunong pa siya sakin... eto ako oh, dimo ba nakikita, ang lusog lusog ko???

Sa ICU, kita ko ang pathetic kong katawan. Nasa tabi ko si Kate... This time, mugto na lang ang mga mata, parang wala nang mailuluha pa. "Ang daya mo kahit kelan... Lagi mo na lang akong iniiwan... Bakit ngayon at nandito ka na, iiwanan mo pa rin ako. Ang gago mo talaga... Nandito ka nga pero saglit ka lang, ano ka ba? Mag ha – hi-hello ka lang sakin tapos yun na…? kahit kelan ang daya daya mo talaga" Naramdaman ko ang init ng mga luha niyang pumapatak sa kamay ko. Pero ang katawan na nakaratay sa harap ko, walang katinag tinag, gustong gusto ko siyang yakapin, sabihing di ako aalis, dito lang ako... diko siya iiwan. Pero para akong tuod na di makagalaw sa kinatatayuan ko, pinipilit kong kumilos pero parang nakapako ako sa kung nasan man ako.

Sa aking katinuan, habang nasasaksihan ko ang mga taong kakilala kong dumadalaw sa ospital, marami akong nalaman. Nalaman kong matagal na palang hiwalay si Kate sa asawa niya. Wala siyang anak. Ang batang narinig ko nang gabing iyon ay anak ni Kleng. At nalaman ko ring, sinubukan niya akong sundan sa Dubai, pero nabalitaan niyang ikakasal na ako kaya di niya yun itinuloy. Sabi pa nila, na isinubsob ko raw ang sarili ko sa hirap ng trabaho... Para daw makalimot, naging pabaya daw ako sa sarili.

Sa loob ng mahigit pitong taon, sinayang ko ang katawan ko, pinabayaan. Dahil akala ko wala nang silbi ito. Kaya eto, pinapanood ko na lang ang sarili ko ngayon. Minamasdan ang kalupitan ko sa sarili ko. Naghihirap sa napakarami kong katangahan. Pilit kong hinanap ang solusyon sa problema kong ito. Kahit ganito ako, kailangan kong lumaban. Alam kong di pwedeng basta ganito na lang ang kahihinatnan ng kwento ko. Naghanap ako ng makakatulong sa akin, alam kong meron, pero diko alam. May kailangan akong kausapin, tiyak siya lang ang makakatulong sa akin, nakausap ko na siya nuon, pero diko alam kung saan ko siya hahagilapin.

"Kaya mo yan!" nagulat ako sa kung sino ang nasa likod ko. Siya nga! ang taong hinahanap ko. Tinapik ako sa likod at inulit ang sinabi. "Kaya mo yan, sige na, balik na"

Pagkasabi niya nun, narinig ko ang kanta namin ni Kate. Araw araw akong kinakantahan ni Kate mula ng mapasok ako sa ospital. Di siya umalis sa tabi ko. Minsan nakikita ko pa rin siyang umiiyak, at madami siyang ibinulong. Parang nagso-sorry at parang sinasabing wala siyang ibang minahal kundi ako lang. Habang ginigitara niya ang kanta namin, naramdaman ko ang mainit na luhang pumapatak sa gilid ng aking mukha. Narinig yata ni Kate ang pilit kong pag-ungol. Tumayo siya at tinawag ang pangalan ko "Josef, Josef... “ At pagkatapos sumigaw ng “Nurse! Nurse!"

Diko na matandaan ang sumunod na nangyari pagkatapos nun. Ang alam ko lang, nasa harapan ko ang pinakamagandang mukha sa balat ng lupa. Hawak hawak niya ang kamay ko. Nasa paanan ko ang gitara.

Bumigkas ako ng "Kate..."

"Shhhh... wag bigla bigla..., sabi ng doctor wag ka daw masyadong mae-excite... Hinay hinay lang daw... blah blah blah" Andami niyang sinasabi diko naiintindihan ang iba...

"Salamat sa Diyos, ibinalik ka Niya sa akin." Napangiti lang ako... "Matagal ko nang gustong mag sorry sa ginawa ko nuon, Josef, alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Andami kong naging akala, andami kong tanong, andami kong gustong gawin. Andami kong pagsisisi. Pero lagi pa rin akong umaabot sa puntong ikaw pa rin ang makaka sagot ng mga tanong na yon, ikaw pa rin ang kukumpleto sa mga pagkukulang na yon. Naghintay ako, dahil alam ko yun ang parusa ko sa mga ginawa ko. Deep down inside, alam kong babalik ka sa akin, sa tamang panahon sabi ko, alam kong ito na yun, salamat at bumalik ka na nga... "

Wala akong kayang sabihin kay Kate. Alam kong alam na niya ang mga gusto kong ipahiwatig sa kanya. Tatlong pisil lang sa kamay niya ang naisagot ko at ang sumunod na pangyayari ay ang pagpapatuloy pa ng isang masayang kwento...

Comments

Dhianz said…
Ate Yanie.. pinapaiyak moh akoh lagi... ahlab d' story.. sobrah... ang swit naman... yan mga gusto koh... dramadrama na happy ending... lab it.. ang galing moh ateh... kelan kaya magaganap ang lab story koh ate Yanie... =)

isa pah.. love it.. 'ur a great writer!

Godbless! -diane
Dhianz said…
add moh akoh ate.. sweet07diane@yahoo.com =)