Tahimik na ang gabi. Sa palagay ko tulog na ang lahat. Mga kulisap at mga ipis na lang ang kasama kong gising ngayon. Ibang klase ang sipag ng utak ko sa gabing to parang machine na di napapagod. Mas masipag pa sa lamok na sumisipsip sa royal blood ko ngayon. (Pak! ayan natyempuhan din kita). Anemic na nga eh inuubos pa ang dugo ko… Dito sa puntong to madalas sumasagi sa isip ko si Teresa. Bespren ko mula pagkabata. Bespren ko gang kamatayan. Partner sa lahat ng bagay. Aking soulmate.
Elementary years. Nasa puno na naman ng mangga si Tere. Kita ko si Lola Dionisia kinagagalitan na naman ito. “Diyaske ka talagang bata ka, bumaba ka nga riyan!!! Mga bubot pa ang mga manggang yan!!! Naku, bumaba ka riyan sabi at makukurot kita sa singeeet!!” Sigaw ni lola habang nakaambang ang baston neto.
“Bababa na po, wag lang kayong mamamalo!” takot nang bumaba dahil nahuli na naman ng kanyang lola na pumapapak ng mga manggang oo nga, bubot pa. Kapitbahay ko si Tere at kababata. Dapat kasama niya ako ngayong napapagalitan at napapalo… Tyempo naman kasing Kumuha ako ng asin kaya nakaligtas ako sa mga kamay ng lola niya. Ugali na namin ang tumambay sa mga sanga ng kanilang mangga habang inuubos ang bunga neto. Kung hindi naman nasa kanilang bubungan kami, kung walang mangga, lumalamutak ng kung anu anong chichiria. Ngunit pinakamasaya sakin ang star-bathing namin Nagkekwentuhan, nagyayabangan at nagpapataasn ng mga pangarap habang ang mga bituin ay sigurado namang nagtatawanan na sa aming mga pagtatalo kung sino ang magiging mas mayaman at kung sino sinong mga artista ang mapapangasawa namin. Kahit na papakin kami ng lamok sa gabi walang nakakapigil lalo na pag naumpisahan na ang mag-jamming sa pagkanta. Kanta… hanggang may bumatong kapitbahay. Paborito namin ang Eraserheads lalo na ang huling El-Bimbo ang pinaka unang kantang nagitara ko. Kinaumagahan, pananghalian namin ang palo dahil sa mga iniwan naming mga asin, supot ng chichiria at kung anu ano pa sa bubungan ng bahay nila. Oo, lagi kaming napapalo, matigas ulo eh…
Mula pagkamusmos madami na kaming napagsaluhan ni Tere… Laging magkakampi, lagi rin namang magkaaway. Damit ko, damit niya rin, nanay niya nanay ko rin, tatay ko tatay niya rin, tatay… kasi yun ang wala siya. Nasa bilibid kasi ang tatay niya. Life imprisonment… Nakapatay ng intsik. Mahabang kwento, di intersanteng pag-usapan.
High School na… nang mamulat kaming nakaka touch pala ang magregalo sa birthday. Ang unang regalo niya sakin, songhits, para daw kumpleto na at mas gumaling ako sa paggitara dahil ito ang regalo nina nanay at tatay. Siya ang singer ko kahit ayaw niyang aminin na sintunado ang boses niya. “Wag kang mag-alala,” sabi niya “pag nabuo na ang banda natin ako na lang ang drummer”, umiiral palagi ang pagkatomboy. “O siya, manager na lang”
Dahil nasa high school sangkatutak ang mga crush niya. Tanda ko pa nang mainlab siya sa isa sa mga “mala-gwapings” sa eskwela nuon. Panahon yon ng kasikatan nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, “The Gwapings”. Sa school may 3 rin na magbabarkada na nabansagang “Dapings”, ung isa sa kanila kamukha nung eric fructoso. Ang lukaret, hinila ako minsan pagkatapos ng klase para sundan at alamin kung saan nakatira ang boylet. Kawawang ako… haay… Si Tere na sobrang mahiyain pag may ginustong gawin, gagawin pa rin. Minsan di nag iisip. Nang mabuwag ang Gwapings, nalaos na rin sa kanya ang “Eric” niya, lalo na nang malamang nakabuntis ang boylet. Iyak siya ng iyak, sobrang affected. Kaya nagyaya na naman sa bubong… Naglasing sa kornik, na linagyan ng suka (ang mismong supot.) Di nakuntento, dahil medyo hinog na ang mga mangga nang panahong yon, tinadtad ito na parang labong, linagyan ng brown na bagoong, suka at yes… kornik. Recipe ni Tere, diko malilimutan ang kinahantungan. Si boylet daw ang first love niya… gang sa huli… siya pa rin. kaya naman delikado kung mainlab, nagkaka LBM. Panay kantyaw lang inabot niya sakin, lagi kong pinipikon dahil lagi kong sinasabing walang magkakagusto sa kanya dahil bansot na nga siya, mukha pang ita… (hahaha)
College, abah, at naging siyota niya si NF. Si NF na nakalaro lang niya ng wali-walides nung high school, ayun BF na niya. Sa diko malamang dahilan at diko namamalayan, ako’y nagagalit na… Siguro dahil mas marami na siyang oras sa BF niya, o dahil baka gumaganti lang siya dahil ako’y abala na rin sa pagpapacute sa mga girls, o dahil ngayon ko lang napansin na ang ita ko palang kaibigan ay tumangkad na, naging morena, matalino at higit sa lahat dalaga na… may boypren na eh at ako’y nagseselos na.
Diko pinahalata sa kaibigan ko ang nararamdaman kong kaiba. Alam ko kapatid na ang turingan namin sa isat isa. Pero jaske, bakit ang sakit.? Bakit kapag nakikita ko silang magkasama, parang puso ko ang nage-LBM?
Kasama ko gitara ko minsan habang nag eemote sa kantang “Your Love” ng Alamid nang bigla na lang sumulpot sa bintanang matagal na rin niyang di pinapasukan mula nang matuto siyang magpalda. “Chad,” bulong neto “bakit ganon?” Napatingin siya sa akin ng ilang saglit at kumanta ng
“who will see the beauty in your life?
and who will be there to hear you when you call?
who will see the madness in your life?
and who will be there to catch you if you fall?” of course gamit ang kanyang napaka tinis na boses…
“Chad, kamusta na kayo nung GF mo?” hirit niya. Tumayo ako, diko sinagot ang tanong niya dahil alam naman niyang wala akong girlfrend. Ewan, parang sa tagal naming nag aasaran, ngayon lang ako napikon sa kaniya.
“Ikaw, kamusta naman kayo ng bansot mong siyota?” Pabalang kong tanong.
Di yata napansin na asar akong pagusapan ang tungkol sa bansot niyang boyfren nagumpisa nang magkwento ng kung anu ano, “Blah, blah, blah…. Chad, in love na ako sa kanya… Siya na yata ang mapapangasawa ko.” yun lang ang nagregister na ikinagulat ko. Ayan nage-LBM na naman ang puso ko.
“Isusumbong kita kay Auntie” yun na lang ang natatandaan kong isinagot dahil wala naman siyang pakialam kung anong sabihin ko. Ayun, wala nga akong nasabi. nakita ko makalipas ang araw, buwan, taon, kung paano niya mahalin ang bansot. Wala pa rin akong masabi, nadehydrate na nga ang puso ko sa kae-LBM. Nagkaron ako ng mga girlfriend habang nagtatae ang puso ko, pero di naging maganda ang resulta, lagi akong nagbabanyo, mas madalas ako sa banyo, walang panahon sa girlfrend. Wala na ring panahon si Tere para sa ibang bagay. Pero humiling ako sa Diyos, hayaan na lang ang puso kong madehydrate, wag lang kanya…
Graduation na…kita kong umiiyak si Tere. Di yata natupad ang hiling ko… Aalis na si bansot papuntang Canada. Maghihiwalay na sila ni Tere, at least, ang sabi ng isip ko.
Trabaho na… Araw ang lumipas, kita pa rin ang ngiti sa mata niya. May oras na kaming magkwentuhan. Nakikikain na siya ulit sa bahay. Dati kasi ako lang ang laging nakikikain sa kanila, pero mas madalas na wala siya. Ang kanyang ngiti na laging nagbibigay buhay sa araw ko, unti unti nang napapawi habang lumilipas ang mga buwan… Sintomas nato ng pagtatae… ng puso.
Nasa CR na nga si Tere… di na siya kukunin ni bansot sa canada… ayun mag aasawa na at hindi siya yun. Madaming diatabs ang kailangan dito.
“Gusto mo ng mangga?” Alok ko. “Ayan may kornik nato” Nasa probinsiya kami nun. Mahal na araw kaya yinaya ko siya sa probinsiya namin habang nagpapagaling ng LBM. Nakahiga siya sa damuhan, sa may bundok na malapit sa bahay ng mga auntie ko… Di niya pinansin ang alok ko… “Chad” Sobrang lungkot ng boses niya. “Bakit ganon?” Gaya ng dati… “Blah, blah, blah…” Wala nang nag reregister sa utak ko dahil ilang beses ko nang narinig ang mga sentimiyento niya. Di naman sa ayaw ko nang makinig pero memorize ko na ata ang mga sabi yun. Di na nga lang ata LBM ang aabutin ko sa mga hinaing niya kundi parang masusuka na rin ako. habang abala sa paglilitanya, may iyak na rin yata… nasa background niya ang “The First Cut is the Deepest” version ko…
“Ano ka ba Richard!, hanggang ngayon wala ka pa rin bang kwentang kaibigan? Dimo naman ako pinapansin eh.” Galit na… At dun ako natigilan. Oo wala na nga akong kwentang kaibigan… dahil higit na sa kaibigan ang gusto kong ituring sayo… Nalintikan na, gustong gusto ko nang magtapat… bagkus napa shift ang strumming ko ng gitara sa chords ng “When She Cries” ng Restless Hearts
The road I have traveled on
Is paved with good intentions
It’s littered with broken dreams
That never quite came true
When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
She does her best to hide
The pain that she’s been through
When she cries at night
And she doesn’t think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside
So I pray this time I can be the man that she deserves
Cause I die a little each time
When she cries
Dati rati sinasabayan ako ni Tere pag kinakanta ko to sa kanya, pero nang gabing un, sa ilalim ng mga bituing saksi sa sa aming pagtanda… Nakatingin lang siya sa kawalan… Diko mabasa ang isip niya, palagay ko ito na ang tamang panahon… “Tere, matagal ko nang gustong kantahin ang kantang to ng buong puso. Matagal kong pinangarap na sana ako na lang ang minahal mo. Na sana ako na lang ang pinagtutuunan mo ng oras at panahon mo” Hinawakan ko ang kamay niya, pareho kaming nanginginig, parehong malamig ang mga kamay… “Mahal na mahal kita Tere!” Diarrhea na ang nararamdaman ng puso ko ngayon… kailangan ko nang maospital ng mga sandaling yun…
Natigilan lang si Tere sa mga sinabi ko… Ang tagal niya akong tinitigan, “Masakit ang ulo ko sayo!!!” Napatayo siya bigla subalit nahilo at biglang natumba. “Tere, di ako nagbibi…” Buti na lang at nasalo ko siya sa pagkakatumba. Laking takot ko nang marealize na wala nang malay ang kausap ko… Napasigaw ako sa mga tiyuhin ko, alam kong may mali… Sinubukan ko siyang gisingin habang bahagyang tinatapik ang kanyang namumutlang pisngi. Nang di magising, binuhat ko na ang taong pinakamamahal ko at sa ospital na nga ang mga sumunod na pangyayari…
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig, at pagkatapos nilapnos lahat ang balat ko, parang natatalupan ng buhay, nang malaman kong may cancer si Tere… Leukemia. Nabebebang ang utak ko sa mga eksplanasyon kung paano niya nakuha ito, kung kelan nagumpisa, at kung ilang araw, buwan o taon pa ang ilalagi niya sa mundo.
Ang pinakamamahal kong babae… Iyak ako ng iyak ng iyak. Sobra sobrang iyak… Araw-araw, gabi-gabi, iyak. “Lord, eto ako!” lahat ng sakit na naramdaman ko, sa Diyos ko na lang ibunuhos. “Kung kinakailangang maglakad ako ng paluhod o pagapang… araw araw… araw-araw Lord, gagawin ko… Buhayin mo lang siya… Pagalingin mo si Tere, Lord. Mahal na mahal ko si Tere, Lord!!”
“Richard, hinahanap ka niya” Mama ni Tere. Nadatnan ako sa chapel, katatapos lang makipag negosasyon sa Diyos. Pero mukang wala pa rin nako close na deal sa Kanya…
Ang payat payat na ng ita kong kaibigan… Ang payat payat na ng pinakamagandang babae sa buhay ko…
“Naprint mo na ba ung chords nung pinapahanap ko sayong kanta? Isama mo un sa compilation ko ha…” garalgal ang boses neto. Mula nang nauso ang internet, si Tere ang nagtyi tyagang mag compile ng mga kanta para sakin. May isa siyang napaka kapal nang libro ng mga kanta, maliban sa isang sakong songhits na pinagbibili niya para sakin kahit na diko birthday. “Chad,…” hinawakan niya ang kamay ko.
“Tere, wag mong itanong sakin kung bakit ganon… Dahil diko rin alam.” Ang nasambit ko.
“Bakit ngayon lang?” Sambit ni Tere. “Ang tagal kong hinintay na sabihin mong gusto mo rin ako. Gago ka, ang tagal mo na palang kinikimkim yan bakit dimo nai-utot???” Napatawa siya sabay ubo…
“Tere naman. Masaya ka kay bansot… este kay NF, kita at ramdam ko yun, diko pwedeng sirain un. Alam kong mahal mo siya. At isa pa, alam kong dimoko seseryosohin kapag nalaman mo ang nararamdaman ko… kagaya neto ngayon…pinagtatawanan mo lang ako.”
“Asan na yung gitara mo??? Kanta na nga lang tayo…” Pareho kaming nagiiyakan habang kinakanta ang Himala ng Rivermaya. Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala…? “Mahal na mahal din kita Chad, dimo un alam dahil mas abala ka sa pagiging kaibigan ko… Alam mo bang, ikaw ang lagi naming pinag – aawayan ni bansot? Kilala daw niya ang galaw ng lalaking may gusto sa isang babae, at kahit anong gawin at paliwanag ko, di siya makumbinsing kapatid ang turingan natin sa isa’t isa. Sa bawat pagtatalo namin, nakukumbinsi niya ako, at sa bawat away namin, natutunan kitang mahalin… Itinutulak niya ako sayo alam mo bay un? lagi kong hinihiling sa Diyos na sana nga, totoo ngang mahal morin ako. Wala naman talaga siyang balak kunin ako sa Canada eh… Sinabi ko lang yun sayo, para malaman ang reaction mo… Pero ganun ka pa rin… manhid. “ Hirap nang magsalita si Tere sa gitna ng rebelasyon niyang yun. “I-master mo ung kantang pinapahanap ko hah? Kantahin mo un pag… alam mo na…”
“Ssshhh…,” Pinigil ko ang susunod pa niyang sasabihin. “Please Tere, masaya na lang tayo… Masaya na lang…”
Apat na taon pa ang inilagi ni Tere sa mundo. Sa loob ng apat taon na yun, pinakasalan ko siya. Naipakita ko ang pagmamahal ko sa kanya mula’t sapul… bilang isang kaibigan… Pero sa loob ng apat na taon, pinaramdam kong ang pagmamahalan namin ang makakapagpagaling sa kanyang karamdaman na isang taon, ayon sa doctor ang deadline… apat na taon na sana’y mas higit pa kung naging totoo lang ako sa sarili ko noong una pa mang naramdaman kong siya ang babaeng mamahalin ng higit pa sa buhay ko. Wala akong pagsisisi… Ang apat na taon na yun ang pinakamasayang taon ng buhay ko…
Nobyembre na… Birthday na ni Tere. Abala ang lahat para sa mga handa. Umuulan nuon. Kahit na lagi kaming magkasama ni Tere, nang umagang yon, iba ang pakiramdam ko. Gusto kong bantayan ang bawat pagpikit ng kanyang mga mata. Takot akong din a niya idilat ang mga yon.. Nang mapansing nakatitig ako sa kanya… “Chad,” sambit niya. “Pparang ang tagal na panahon na nating di nag aaway ah… Dahil ba sa may sakit ako kaya ka sobrang bait sa akin?” Hirap na si Tere na magsalita nang mag sandaling yon pero pinipilit pa ring maglambing.
“Hinde. Ang totoo nagagalit ako sayo kasi matigas ang ulo mo kahit na wala kang sakit. Dimo ba napapansin yun? Sabi ko sayo wag ka nang masyadong nagsasalita. Gusto mo ba ipakurot ko pa singit mo kay lola?”
“Chad ang plastic mo talaga… Nagiging expert ka na yata sa ganyan eh. Akala ng mga tao okay ka lang pero baka bumigay ka na. Ang mga pato ginawa ng Diyos na malalapad ang puwit at mga paa para makalangoy sila sa lawa ng tahimik. Akala mo lang lumulutang pero ang mga paa nila sobrang bilis sumagwan sa ilalim ng tubig. Ganun ka eh, sagwan ng sagwan. Walang nakakaalam kung anong gumagana sa utak mo. Okay lang namang magalit Chad, okay lang maging malungkot, okay lang maging mahina. Di naman kasi malapad ang puwit mo gaya ng mga pato. kapag tumigil ka na sa pagsagwan, kahit sandali lang, lulubog ka. Chad, salamat sa pagmamahal mo. Hiling ko sa Diyos na ibigay niya sayo ang isang taong mag aalaga sayo at magmamahal ng walang anumang kapalit. Pagmamahal na hihigit pa ng sa akin. Pero hiniling ko rin na sana pag natagpuan mo siya, ahon ka na muna sa tubig, bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong ipakita ang tunay mong nararamdaman. Wag ka munang sumagwan… Wag mong sayangin ang oras.”
Si Tere. Ang pinakamamahal kong Tere… kinumpara ako sa isang pato, subalit binago niya ang buhay ko. Si Tere, na kasama ko mula pagkabata… nalagpasan ng aking tanaw… ngunit siyang tumuwid sa aking mga pananaw. Lumisan siya bago ang kanyang kaarawan. Bumagsak ang mga luha ng mga taong nagmamahal sa kanya at sa di mawaring dahilan di rin nahinto ang langit sa kanyang pagluha. Totoo ang sabi ni Tere… Laging malungkot kapag bumuhos ang ulan sa buwan ng Nobyembre.

Comments
yanz_1130@yahoo.com
Feeling ko nga emong-emo ka... kaya pinabasa ko sayo yan kasi ma-emo talaga yan hehe!